"LMS CHAT"

36 8 0
                                        

Una sa lahat at hindi pang-huli.
Gaya ng una kong sinabi, magiging cliche ang laman ng mensahe kong ito.

Facebook ang naging daan, lms chat ang naging pintuan.
Upang ang landas nati'y tuluyang magkalitohan.
Aaminin ko, simula palang wala na akong pakealam sayo. Iniisip na baka isa ka lang sa mga temporaryong taong dadaan sa buhay ko.

Isina-isip ko ang sinabi ng kaibigan ko sakin, na wag magpapadala sa patakaran ng social media. Kaya hinayaan kong makalampas ka sakin at hindi binigyang pansin ang buhay mong may halaga pala sakin.

Itinuon ko ang pansin ko sa pagpapagaling sa puso kong sinaktan ng nagdaang relasyon. Itinuon ko ang damdamin ko sa ibang bagay na sa tingin ko'y magpapasaya sa buhay ko. Ilang buwan ang nakalipas, at ika'y nagparamdaman. Hindi pa rin ako buo at nasasaktan pa rin ako.

Sinabihan mo akong tutulongan mo ako pero hindi ako naniwala sayo. Nasa isipan ko pa ring "trip-trip lang ang lahat ng ito." Isinawalang-bahala kita dahil wala pa rin akong pakealam sayo.

Ilang buwan ulit ang lumipas, nagbago ang taon pati ang nararamdaman ko. Nakapag-move on ako sa dating relasyon at naging sarado ang puso sa bagong karelasyon. Kasabay ng pagbabago ng lahat ang pagdating ng mga bagong karakter sa aking buhay. Pero ganun pa rin tayo, minsan sa kadalasan lang kung mag-usap sa facebook at messenger.

Bakit ganun? Nasa iisang syudad lang tayo pero bakit hindi man lang magawang magkita ng landas nating dalawa? Ganun na ba ka lawak ang lugar natin at hanggang ngayo'y nagtataguan pa rin tayo?

Dumating ang bakasyon, ang bakasyong magpapagising sakin sa katotohanang, sa katotohanang may gusto na ako sayo. Crush kung ito'y tawagin nila pero hindi ko ito matanggap.

Oo, hindi ko matanggap, hindi ko matanggap sa sarili kong unti-unti na akong nahuhulog sayo. Hindi ikaw yung tipo ko kaya ang hirap saking tanggapin ang nararamdaman kong iyon.

Itinuon ko sa ibang bagay ang nararamdaman ko, ginawa kong tanga ang mga taong nasa paligid ko sa pamamagitan ng pagsasabing iba ang taong nagugustohan ko. Pero matapos ang pagpapanggap na iyon, kahit pagbali-baligtarin ko ang mundo sarili ko lang pala ang niloloko ko.

Gusto na kita pero hindi ko pa rin sinabi sa iyo. Hindi ko tanggap dahil hindi ko alam kung anong ginawa mo para mahulog ako nang ganun sayo. At ito ang plot twist, may gusto ka rin sakin.

May gusto ka sakin na umabot sa puntong sinurpresa ako ng isang kumpol ng pulang rosas sa mismong kaarawan ko, kinuntsaba mo pa ang matalik kong kaibigan para maisagawa ang matinik mong plano. At sa puntong ito, alam kong alam mo na ikaw lang ang pinatatamaan ko.

Tunaw na tunaw ako sa ginawa mo, na parang isang tsokolateng ibinabad sa arawan. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at sensyales na iyon na tuluyan na akong nahulog sayo.

Pero naging matigas ako, ipinaramdam kong wala akong nararamdaman sayo. Yep, I took you for granted. Sa isiping iyon, akala ko magpupursige ka, akala ko lalaban ka at magpapatuloy dahil ika nga nila "kung mahal mo, ipaglalaban mo" pero wala nga palang tanga ang sasabak sa isang labanang alam nyang talo na sya.

Bigla kang tumigil, na-iwan ako sa ere. Hindi ko dinibdib dahil iniisip kong babalik ka at magpaparamdam ulit. Pero hanggang sa puntong ito, sa mismong araw na ito ay hindi ka na ulit nagparamdam sakin.

Matinding pagsisi ang naramdaman ko dahil sa ginawa ko. Ni minsan ay hindi naging tayo pero ang laki nang naging impact mo sa buhay ko. Alam kong hindi ka na babalik dahil alam kong wala ka nang nararamdaman sakin, kaya nagawa ko pa ring magpatuloy dahil ako'y isang tanga na umaasang babalik ka at magpaparamdaman sakin gamit ang instrumentong unang ginamit natin para magkalitohan ang landas natin.

I'm telling my own truth, what's yours big guy?

(December 28, 2017)

Love, DoravellaWhere stories live. Discover now