Chapter 3

5 2 0
                                    


Emily's POV:


Ang alam ko walang romantic genes iyang si Liane pero nasasaktan din pala makita yung crush niyang may kasamang Iba. Pero Crush lang naman yun bakit ganun kalaki ang apekto nito sa kanya?

Naikwento naman saamin ni Jax yung nangyari and Bigla akong nakaramdam ng awa kasi nandyan palagi si Jax sa tabi ni Liane pero di niya napapansin yung mga actions ni Jax. I mean yung actions and sincerity ni Jax kay Liane is masasabi mong hindi na talaga act of Friendship kundi act of Love.

I hope One Day mapansin na ni Liane si Jax. So ayun na nga noh bumalik na kami sa classroom para ipagpatuloy yung introduction ng mga subject teachers. May last 3 subjects kami ngayon na puro Introduction and Short Explanation sa mga Topics na pag-aaralan namin.

Since First Day namin ngayon Half Day lang ang pasok namin na hanggang 12:30 lang and napagdesisyunan namin na kumain muna bago umuwi para bonding na rin.

Sumakay lang kami ng Jeep and after 20 minutes eh nakapunta na kami dun sa mall na malapit kayna Liane and Venz para kumain.

Habang kumakain di maiiwasan ang mga First Impressions sa mga classmates and Teachers.


"Nainis ako nung nag-pakilala ako nung sa first subject natin. Bumulong ng mukhang chickboy eh stick to one lang naman ako. *sabay tingin saakin* Buti pa yung babae sinabihang akong Gwapo!" pagmamalaki ni Venz

"Jusko yan ka nanaman sa kahanginan mo eh!" Tutol ni Iza

"Easy! Baka magsapakan na kayo dyan HAHAHAHA" Saway ni Jax

"Bebe Iane ano ganyan ka na lang poreber? Tulala with Flying Thoughts" sabi ko kay Liane

"Huh? I'm Sorry *sabay yuko* Di lang talaga mabura sa isipan ko eh" Malungkot na sabi ni Liane

"Hey Liane *sabay akbay* Cheer Up! Nandito kami oh *wide smile*" Masiglang sabi ni Jax

 "EHEM! EHEM! Too much sweetness" sabi naming lahat kayna Jax and Liane

Kaya biglang napabitaw si Jax sa pagkakaakbay niya kay Liane at namula HAHAHAHA Ang cute talaga nilang dalawa.


Jax's POV:


Baliw talaga itong mga kaibigan ko at mukhang ibubuking pa ako kay Bebe Liane ko HAHAHAHA

Bebe ka ba?

Bakit lahat ba ng bagay kailangan may kapalit HA?!

Sorna hehe

Napakasupportive talaga nitong utak ko kahit kailan. Pagkatapos ng asaran at onting kwentuhan ay umuwi na agad kami. Pag galing sa school sabay-sabay kaming umuuwi nina Venz at Liane kasi iba ang way nina Emily at Iza. Pero since dito kami sa mall manggagaling. Di kami magkakasabay nina Venz at Liane. Kaya pinuntahan ko muna si Venz habang abalang nag-aabang ng Jeep sina Liane,Emily at Iza. Kinausap ko muna si Venz.


"Pre!"

"Ow?"

"Wala pa bang progress???"

"Wala eh"

ang tinatanong kong progress ay yung sa moves niya dun sa bebe niya eh mukhang Torpe din ito katulad ko hehe

"Uy Ingatan mo si Liane pauwi ha" sabi ko kay Venz

"Oo Na! Paulit-ulit ka na lang tuwing uuwi tsaka kahit di mo naman sabihin iyan kusa kong gagawin" sabi ni venz

"Pakakasalan ko pa yun hehe" sabi ko habang ngiting ngiti

"Sus ang cheesy mo pre lumayo ka nga!" iritang sabi ni Venz

"Venz! Tara na. Byieeee mga Bebe and Jax ingat kayo pauwi" sabi ni Liane

at ayun nga umuwi na kaming lahat. Pagdating sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto at nagbihis. Kinuha ko muna yung gitara ko at tumugtog ng iba't ibang kanta. Parang practice ko na rin ito kasi may upcoming auditon sa school ng iba't ibang clubs. Di naman ako sporty kasi music lover ako kaya palagi akong nasa Music Club. Di katulad ni Venz na isang varsity ng Basketball Club.

Si Iza naman ay nasa Math Club dahil para na rin ma-enhance pa daw lalo yung skills niya sa Math (kahit matalino na siya sobra sa math). Si Emily at Liane ang magkasama sa iisang club kasi pareho silang mahilig magsayaw kaya nasa Dance Club siya. Nakaka-sexy at nakaka-inlove kaya si Liane tuwing sasayaw siya kasi kahit siya yung pinakamaliit at medyo chubby dun sa club nila. Stand Out naman ang dancing skills niya tuwing magpeperform siya sa events ng school.

Kaya nga napaka-supportive ko dun tuwing malalaman ko na magpeperform siya eh. Talagang sobra as in yung mga damit na susuotin nya dadalhin ko pa dun sa reserved room ng club nila and papaayusan ko siya ng mabuti dun sa mga bakla at babaeng classmate ko. Bukod pa dun may Banners pa na naka-calligraphy "GO LIAAAAANE! WOOOH LODI KITA! PETMALU MO!"

Sana lang balang araw mapansin niya lahat ng efforts na ginagawa ko para sa kanya :(((


***********************************************************************************************

Author's Note:

Awts :(( sana nga naman kasi mapansin na ni Liane ang efforts ni Jax noh Pipol?


VOTE & COMMENT


Follow : @Iane214 and 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon