Iza's POV:
Umalis si mama para ipa-enroll ako sa school. Di naman ako transferee kaya mabilis lang siguro ang pag-process nun hehe. Sina Liane at Jax kaya nakapagpa-enroll na? Sa June 14 na kasi ang pasukan namin, medyo malayo-layo pa naman kasi May 27 pa lang naman ngayon pero nagpromise kasi kaming 3 na di kami magkikita-kita para surprise sa mga itsura namin sa mismong 1st Day of School. Ang kulit dba?! HAHAHAHAHAHAHA. Oops tumatawag si Kuya.
Ringing***** Ringing***** Ringing*****
"Wassup?"
"Hoy pupunta ako dyan mamayang mga 2 pm kaya magluto ka ng ulam ha! Gusto ko Dinuguan at...............Papuntahin mo na din si Liane para maganda view HAHAHAHA"
"Oy! Wag kaibigan ko kuya grabe ka! Di nga kami magkikita ngayong Summer kasi nga para surprise sa Pasukan Gets mo?!"
"Sus! Dami niyoong Alam. Basta magluto ka dyan Bye!"
Toot***** Toot***** Toot*****
Aba! Nambababa ng telepono. Hayst! Makapagluto na nga lang. Lodi ko kasi ang Daddy ko na Chef kaya sa kanya ako nagpapaturo magluto tuwing may oras siya. Kasi palaging busy din yun kasi madaming clients ang kumukuha sa kanya para sa mga caterings and chu chu events nila. Habang nagluluto ako biglang umilaw ang aking wonderful phone at nagpop-up ang text message galing kay Darling!
Darling <3 : Darling! Gala tayo sa Saturday Treat ko and may sasabihin din kasi ako sayo eh. Hihihi.
FYI, Darling ang nickname ng best friend kong si Emily kasiiiii sweet kami HAHAHAHAHA.Minsan nga pinagkakamalan talaga kaming magjowa kasi napaka-sweet namin kahit saan. Holding Hands here and there tapos tuwing umaga at bago umuwi galing sa school beso-beso pa. O Dba?! Bihira lang din kami mag-away nun kasi alam namin ang pagkakaiba at flaws ng isa't isa. Motto din namin sa isa't isa na hindi magaaway hanggat hindi naiintindihan ang reason at explanation. Dba Pak na Pak! HAHAHAHAHAHAHA. Wait.............................. MAY NANGANGAMOY SUNOG......................OMG YUNG NILULUTO KO WAAAAAAAAH!!!!!
Jax's POV:
Kamusta na kaya siya ngayon? Kumakain kaya siya ng maayos? Siguro Payat na talaga yun. Sabi ko wag magpapapayat eh, mas bagay sa kanya ang chubby aura eh. Haays kahit kailan talaga di nakikinig sa akin yun. Pero isang sabi lang sa kanya ng crush niya na si Jeremy sunod agad-agad. Kailan niya kaya ako mapapansin?
Di ka mapapansin nun kasi palagi mong inaasar
Eh ang cute ng mukha niya pag naiinis eh! Lalo na yung pisngi niyaaa HAHAHAHA
Idagdag mo pa na Torpe ka
Ang Harsh mo naman mag-salita!
Truth Hurts
TAMA NA! Mukha na akong baliw dito na nakikipag-usap sa konsensya ko HAHAHA matagal na rin kasi nung nainlove ako kaya eto ako ngayon hirap pang mag-adjust kay lovelife. Ay wait anong oras na ba? Aish! Nakalimutan kong magkikita pa pala kami ni Vince. Ewan ko dyan sa lalaking yan. Siguro may nauto nanamang chicks eto. Napaka-Playboy talaga kahit kailan.
Mamaya na nga lang ang continuation ko ng Daydream
3rd Person's POV:
May kanya-kanyang gala ang 3 magkakaibigan. Sa June 14 na ang kanilang pasukan bilang Grade 10 Students. Moving Up ika nga nila. Magkaklase na ang mga ito simula Grade 5 pa lamang sila kaya di maiiwasang may umibig sa kanila. Kaya din sila mas lalong naging close ay dahil magkakaibigan din ang mga magulang nila na dati ding magkakaibigan sa school na pinapasukan nila. Nandun ang 3 magkakaibigan sa isa't isa sa lahat ng hirap,lungkot at sakit na pinagdaanan nila sa buhay kaya dun din na-test ang katibayan ng pagkakaibigan nila.
***********************************************************************************************
Author's Note:
Kamusta ang Prologue Pipol??? Sorry maiksi siya. medyo bangag kasi ang author niyo ngayon eh hehe. Sana nagustuhan niyoo :)
Vote & Comment
Follow: @Iane214 and

BINABASA MO ANG
Choices
ChickLitA Typical High School Story na kung saan sa isang klase iba't ibang ugali ang iyong makakasalamuha at makakasama. Pero kung totoo ngang kayang magmahalan ng 2 taong magkaiba na magkaiba ang ugali. Mangyayari kaya ito kay Liane? na walang romantic ge...