Walang liyab ang kandila,
kahit ano pang pagsindi.
Ika nga naman nila-
may umiintindi't iniintindi.Tunay nga ba itong layon?
O sadyang panlalamang lang ito?
Upang sa ilalim ng ilusyon,
manirahan ang sinomang mauuto.Pagka't hindi bibisa ang apoy,
kung ang tali nama'y basa.
Kapag ikaw pa'y magpapatuloy,
sakit lamang ang matatamasa.Sino na lang ang uunawa
sa iyo kung 'di ang sarili?
Kung siya'y walang pakundawa,
at ikaw lamang ang humahaligi?-3/7/18
BINABASA MO ANG
Luh
PoetryIsang koleksyon ng samu't saring mga tula tungkol sa pagmamahal, pagkakakilanlan, pag-asa't pighati.