viii.

25 0 0
                                    

bakit pa nga ba naparito't nagpapatuloy
kung isa lang naman ang kahahantungan?
kahit ilang dahilan pa ang maidaluyroy,
naroon pa rin naman ang pag-aalinlangan.

bakit ba walang humpay ang pagnanais
natin sa 'di makakamtang kasiguraduhan?
kahit 'di lingid na lahat ay humahagibis,
sakit sa pagkaulila ay 'di pa rin maiwasan.

-5/2/18.

LuhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon