Stolen Shot (One Shot)

1.5K 45 38
                                    

CAUTION!! Some part of this story is true.

ins. by whenitcomestolove One Shots chapter vii. Picture Perfect.

-------------------------------------------

Ako nga pala si Cia (Seeya) mahilig ako magcapture ng mga picture, at madalas ako maka-encounter ng pictures na may nakasama, kasamang multo. Oo. Pero madalas ay mga stolen shots ang nakukuha ko. Para saakin kasi mas maganda ang stolen smile or laugh. Yung tipong totoo, hindi pilit.

Nandito ngayon ako sa park namin. Naghahanap ng p-pwedeng pictur-an may mga napictur-an nadin ako, mga batang naglalaro, mga stolen. Ang cute lang kasi hanggang ngayon may mga bata paring naglalaro sa labas paano ba naman kasi? Mga gadgets ngayon.

Tatlong linggo nadin puro stolen shots ang nasa camera ko. Natatawa ako sa iba kasi ang epic ng mga mukha. Yung iba humihikab na nakuha ko sa bus. Yung nangungulangot na nakuha ko sa jeep. Yung batang tumutulo ang sipon habang hinahabol ang kalaro nya.

“Mabubuhay ka na lang ba ng puro picture ha Cia?” sabi ng mama ko saakin.

“Eh ma, gusto ko eh.” umiling na lang sya.

Siguro weirdo ang tingin nila saakin, paano ba naman kasi? Grade six ang last na nagkaruon ako ng kaybigan. At magf-fourth year college na ako wala pa akong kaybigan. Ang creepy ko daw kasi eh. Hindi bale, isang araw magkakaron din ako ng kaybigan.

Ilang buwan na ng nagsimula ang klase. Kalagitnaan na kami ng klase. Graduating na rin ako. Lahat excited. Magpa-practice na kami ng graduation namin next next month.

---

May mga naguusap na about sa graduation. ang sabi nila mamimiss nila ang isa‘t isa.

Ang creepy lang kasi dahil parang palaging may tumititig saakin. Naf-feel ko lang tuwing break time, sa bandang fourth floor. Madami na akong naririnig na may multo daw sa fourth floor. Pero wala akong pake, duon ko na siguro nakasanayang tumambay, simula first year dito na ako tumatambay.

Practice na namin ng graduation ngayon.

Nagpa-practice kami ng may nakita kaming babae na pumasok sa classroom namin. Green ang kulay ng tali nya, at green kulay ng panyo.

“Boys, tignan nyo nga yun.” sabi ng prof namin. Syempre unang pumasok sa isip naming lahat ay baka may manakaw.

Stolen Shot (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon