CHAPTER 1: The First Odd

12 1 0
                                    


"Takbo! Tumakbo ka na!" sigaw ng isang lalaking na nasa hindi ka-layuan. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa sinag ng araw. "Tumakbo ka na!" ulit nya.

Akmang tatakbo na ako ng bigla kong mapansin kung nasaan ako. Natigilan ako sa nakikita ng mga mata ko. What am I doing here?  Bakit ako nasa isang gubat?

Sino itong lalaking kanina pa ako pinapa-takbo? Sino itong mga taong gustong kumuha sa amin?

I don't care anymore. All I know is I need to run. Because there's something in me na sinasabing delikado ako dito. Parang sinasabi ng mga puno na nakapalibot sa akin na may hindi magandang mangyayare. 

A flock of birds are flying and the wind starts blowing at the same time. Ang bughaw na ulap ay agad napalitan ng dilim. Napaka bilis ng mga pangyayari. Agad napalitan ng iba't ibang uri ng ingay ang nakakabinging katahimikan sa loob ng gubat.

"Hoooooy! Ano ka ba? Tumakbo ka na parang awa mo na!" mangiyak ngiyak na sigaw ng lalaki.

Pinipilit nyang kumawala sa kapit ng mga lalaking may mga taklob sa mukha. They're all wearing  black shirt, pants and a mask kaya  hindi ko makilala kung sino sila. Nang magkaroon ng pagkakataong makatakbo ang lalaking may sinag ng araw sa mukha ay agad itong umalis at tinungo ang daang papunta sa akin.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit hindi ka nakikinig sa akin? You need to go, i'll distract them! Ako na bahala sa kanila but you need to promise me one thing... You need to live." Wala akong naisagot sa kanya. Gusto kong malaman kung sino sya. Gusto kong makita ang mukha nya kaya hindi pwedeng iwan ko sya.

Kinapitan ko ang kamay nya at nag simulang manakbo. Hindi ko na alam kung saan kami dadalhin ng pagtakbong 'to pero ang mahalaga kailangan naming makalayo sa mga taong gustong kumuha sa amin.

-

Mahigit isang oras na kaming nanakbo sa loob ng gubat pero wala kaming makitang daan palabas. Tumigil ako sa pag takbo at naupo sa punong nakatumba.

"Kanina pa tayo nanakbo pero walang nangyayare. Bakit ayaw mong tanggapin na baka hanggang dito na lang ang buhay natin?" habol hininga kong tanong sa kanya.

"Hindi pwede" sagot nya. "Hindi pwedeng matapos ang buhay natin dito. Kailangan nating maka alis dito. Kailangan nating makalabas dito. Madami ka pang kailangang malaman."

Tumayo sya at kinapitan ang kamay ko. Hinila nya ako patayo. Nang magkaharap na kaming dalawa, kinapitan nya ang mukha ko at sinabing...

"Hindi ka pwedeng mamatay, hindi ko kayang makita kang nahihirapan. Kaya umalis na tayo dito."

Kinapitan nya muli ang kamay ko pero ng mag sisimula na kaming tumakbo bigla kaming sinalubong ng isang sibat. Napatakip ang kamay ko sa aking bibig dahil sa nangyari. Tumarak ang sibat sa kaliwang bahagi ng katawan ng lalaki na naging dahilan ng pag bagsak nya.

Lumuhod ako para tuluyang makalapit sa kanya. Why do I have this feeling na nasasaktan dahil sa nangyari sa lalaking nasa harap ko kahit hindi ko naman sya makilala dahil sa sinag na nasa  kanyang mukha.

"Hey!... wake up!" sabi ko habang hawak ang pisngi ng lalaki. "Hindi pwede to! Gumising ka. Imulat mo ang mata mo!" sigaw ko.

Nagmulat ang mata ng lalaki kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Umalis ka na. Iligtas mo na ang sarili mo." sabi nya.

"No!!! Hindi ako aalis dito ng hindi kita kasama." sagot ko sa kanya.

"Please! Umalis ka na!!" sigaw nya.

"Fck! Hindi mo ba naiintindihan yon? I don't want to leave you here! Hindi pwede" sabi ko habang kapit ko pa din ang pisngi nya. Unti unting nag bagsakan ang luha ko sa mata.

"Please. Hindi ka pwedeng mamatay. Hindi ka pwedeng madamay. Umalis ka na please." pagmamaka awa nya.

kinapitan nya ang mukha ko at pinahid ang luha  na umaagos dito. He kisses me in my forehead. 

"Magkikita pa tayo...pero hindi na ako magiging tulad ng dati. Pero lagi mong tatandaan na kahit magbago ako, Hinding hindi ka mawawala sa puso ko." sabi nya.

Biglang may bumagsak sa likod ko. Tumingin ako sa taong nasa harapan ko. Tinignan ko sya sa mata at nakita kong nakatingin sya likod ko. Humigpit ang kapit sya sa braso ko na parang may gustong sabihin.

Unti-unti kong inangat ang ulo  ko upang makita kung ano ang nasa likod ko. At nakita ko kung ano ito. Isang malaking tao. Tao nga ba? Pero bakit walang mukha?

Napaatras ako sa nakita ko. Hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko if what kind of creature is this.

Humakbang ito palapit sa akin. Habang humahakbang ito ay sya namang atras ko. Pero hinarang ako ng puno na nasa likod ko. Wala na akong maatrasan, na korner na ako ng halimaw na nasa harapan. Wala na akong magawa, hindi ko alam kung paano ako lalaban. 

Umupo ako ng ayos at niyapos ko ang aking mga tuhod at pinikit ko ang aking mga mata. Sinubaybayan ko ang susunod na gagawin ng halimaw pero nawala ito. Tumahimik ang buong gubat. Even the humming of birds is already on silence.

Inangat ko aking ulo habang nakapikit ang aking mga mata. Unti-unti ko itong iminumulat,  nang biglang may isang nakakabinging pag sabog ang sumira sa katahimikan sa loob ng gubat.


---

-

Napabangon ako sa pag kakahiga at hapong hapo na nakatingin sa isang direksyon.

A nightmare! A worse nightmare!

Isang madilim na lugar ang bumungad sa pag gising ko. Ramdam ko na may mga aparatong naka saksak sa katawan ko. Isa isa ko itong hinila. Napapangiwi ako sa sakit sa tuwing hinihila ko isa isa ang mga naka dikit sa katawan ko.

At nang tuluyang ko ng matanggal ang mga bagay sa katawan ko ay agad akong bumaba sa kamang pinag kakahigaan ko.

Ngunit pag lapat ng paa ko sa sahig ay nawalan ako ng balanse. Nanlalambot ang mga tuhod ko at wala pa itong lakas para tumayo ng ayos.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko talaga kaya. Gumapang ako sa loob ng kwarto at humanap ng pwedeng pag kuhanan ng liwanag. 

Walang bintana na pwedeng pasukan ng sinag ng araw. Hinanap ko kung nasaan ang pader ng kwarto at ng maramdaman ko na nasa sulok na ako ay agad kong inangat ang katawan ko. Kahit nanlalambot parin ang tuhod ay pinilit kong makatayo. Kailangan kong malaman kung nasaan ang switch ng ilaw.

Inikot ko ang buong kwarto hanggang sa nakapa ko na ang switch ng ilaw. Binuksan ko ito.

Sa una, patay-buhay pa ang ilaw hanggang sa tuluyan nang lumiwanag ang kwarto.

Napapikit ako sa liwanag na nasa silayan ng aking mata. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at bumungad sa akin ang isang malaking kwarto at tatlong malalaking makina. Inikot ko ang aking paningin at nakita kong madaming nag kalat na aparato na pang ospital dito. Madaming nagkalat na boteng walang laman at mga natuyong dugo.

Pinag masdan kong maigi ang loob ng kwarto. Napansin ko na may apat na malalaking stand ng ilaw dito. Kulay puti ang kulay ng pintura ng kwarto. Maaring isa itong Ospital o Laboratoryo.

Bakit walang tao? Bakit parang may nangyaring hindi maganda dito?

AT PAANO AKO NA PUNTA DITO?

Wala akong matandaang nangyari sa akin para mapunta ako sa Ospital. Kahit pangalan ko hindi ko maalala. 

SINO AKO? 

SINONG PAMILYA KO? 

SAAN AKO NAKATIRA?

BAKIT AKO NANDITO?

BAKIT PARANG MAG ISA LANG AKO?

Inisip kung mabuti kung anong nangyari pero sumasakit lang ang ulo ako.

Why is there something strange about me? Bakit walang akong maalala kahit isang pangalan.

Hindi ito amnesia dahil tanda at alam ko pa din ang mga bagay-bagay sa paligid ko. Sadyang wala lang akong maalala pag dating sa sarili ko. Wala akong maalala kung sino ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Desolation of EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon