Dylan San Gabriel

3.4K 88 4
                                    

MAGTATANGHALIAN na ngunit wala pa rin si Anastasia. Hindi na alam ni Snow kung ano ang gagawin para mawala ang boredom. Bakit ba ganoon sa bahay na iyon? Nangangati na siyang katukin si Anastasia kung hindi lang nakakahiya. She accepted her but they were not too close to be called friends. Iyong bang kaibigan sa mismong ibig sabihin ng salitang iyon.

Muling itinuon ni Snow ang mga mata sa librong hawak. Iyon na lang ang pampalipas oras niya dahil hindi naman siya mahilig magbabad sa social media kahit pa ibinigay naman ni Andrew sa kanya ang password ng wifi sa bahay.

Nasa mundo na siya ng libro nang makarinig ng mga yabag mula sa hagdan. Agad siyang nag-angat ng tingin patungo sa hagdan sa pag-aakalang si Anastasia na iyon ngunit mali siya. Isang matangkad na lalaki ang nakita niya. Topless ito kaya napanganga siya. May anim itong pandesal sa tiyan at kahit malayo pa ay mukhang napakakinis. It was Dylan San Gabriel. The man Adam warned her about. Dapat nga talaga siyang warning-an ni Adam dahil parang model ng Cosmomen magazine ang pinsan nito.

Dylan automatically flashed his charming smile when he noticed her. "Snow?" anito.

"Yeah."

"Nice meeting you. I'm Dylan." Iniabot nito ang isang kamay na tinanggap naman niya.

Magtatagal ang pagkakahawak nito sa kamay niya kung hindi dumating si Cole. "Kuya, she's off-limits. Bisita siya ni lolo."

Imbes na ma-offend si Dylan ay tumawa pa ito. "Come on, Cole. I'm just shaking hands with her."

"Bakit hindi ka muna magbihis?" tanong pa ni Cole kay Dylan.

"Bakit pa? Eh, magus-swimming ako? Anyway, I have to go. See you around, Snow." Kinindatan pa siya ni Dylan bago ito umalis.

Nakangiting napapailing na lang si Snow. Maloloka siya sa bahay na iyon, hindi lang dahil puro Tisoy at Tisay ang kasama niya kundi dahil magkakaiba ang ugali ng mga ito. At dahil na rin sa pagkakaibang iyon kaya hindi magkasundo-sundo ang mga ito.

"Pasensya ka na kay Kuya Dylan," ani Cole.

"Wala naman siyang ginawang masama."

"Kung hindi ako dumating ng mas maaga, baka niyaya ka na 'nung makipagdate sa kanya," ani Cole na ikinatawa ni Snow.

Itinuro niya ang mukha at umarteng di makapaniwala. "Ang ganda ko ba? I'm sure magaganda lang ang idene-date ng pinsan mong iyon."

"Maganda ka."

Dahil sa sinabi ni Cole ay inihit ng ubo si Snow. Bigla kasi siyang kinabahan, hindi iyon kaba na natatakot kundi kaba ng babaeng na-compliment ng crush niya. Hala! Isang gabi pa lang siya sa bahay ng mga San Gabriel at may crush na agad siya sa mga magpipinsan?

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Cole.

"Y-Yes."

Sa anim na San Gabriel na nakilala niya sa bahay na iyon, kay Cole siya pinaka-connected. Mukha lang itong barumbado at maangas ngunit sinsero. Ito rin ang pinaka-transparent. Nakikita niya agad kung galit ito o malungkot.

"Cole..." aniya makalipas ang ilang sandali ng katahimikan.

Tinignan siya ng lalaki na parang nagtatanong ng bakit.

"Bakit hindi mo sinasabayan ang lolo mo sa pagkain ng agahan? It's lunch time, nagluto na ulit ang mga kasambahay pero wala ni isa sa inyo ang dumulog sa dining table."

He cleared his throat before answering. "Ayokong may masabi ang mga pinsan ko kapag dumikit ako kay lolo."

"Ang mga pinsan mo o ang kapatid mo?" Nabanggit ni Cindy sa kanya habang naglilinis ito sa sala na magkapatid sa ama sina Jason at Cole.

Ngumiti ng mapait si Cole. "May kapatid ba ako rito?"

Gusto pa sanang mag-usisa ni Snow ngunit pinigilan niya ang sarili. Dapat siyang lumugar. "Gusto mo na bang kumain?" sabi na lang niya. "Hindi ka pa nag-aalmusal."

"Nag-almusal ako. Dinalan ako ng pagkain sa kwarto."

"Pinapagod ninyo pa ang mga kasambahay. Pwede naman kayong kumain ng sabay-sabay sa mesa," reklamo niya.

"We're not that close to do that."

"Kahit pa magkaka-away kayo o maraming differences, magkakapamilya pa rin kayo. Dapat lang na nagkakasama kayo kahit sa dining table lang, kahit once a day lang."

Ngumiti si Cole. "Nag-lunch ka na ba? Let's eat out."

"Nagluto ng masarap na ulam sina Cindy, bakit pa lalabas?"

Bago makasagot si Cole ay nakita ni Snow na pababa ng hagdan si Anastasia. Patakbong nilapitan niya ang babae. "Tasha, tara, lunch tayo."

Hinawakan niya ang kamay ng babae at hinila ito palapit kay Cole. Hinila niya rin si Cole kaya tatlo silang nagtungo sa dining area nang walang nakakapalag sa dalawa. Kung hindi man niya magawang pagsama-samahin ang magpipinsan sa mesang iyon, at least kahit dalawa lang sa mga ito.

"Kanina pa kita hinihintay, Tasha. Hindi ako kumain hangga't wala ka," aniya kay Tasha nang nakadulog na sila sa mesa. Si Tasha ang nasa tabi niya at nasa tapat naman niya si Cole. Mukhang nagkakailangan ang magpinsan kaya si Snow ang bumabangka.

Nang maubusan ng kuwento si Snow ay tunog na lang ng kubyertos sa plato ang narinig niya. "Na-try niyo na bang magpipinsan na magbakasyon ng sama-sama?" tanong ni Snow sa dalawa.

Sabay lang na umiling ang dalawa, para bang napakamahal ng laway ng mga ito kaya tinitipid. "Gusto niyo bang magbakasyon kasama ang lolo niyo? Tamang-tama, summer," suhestiyon niya. Pinasigla niya pa ang boses para convincing ngunit tumingin lang ang magpinsan sa kanya at muli nang itinuon sa pagkain ang mga atensyon. Masisiraan siya ng bait sa mga ito.

Dumating si Jason sa dining area at ganoon na lang ang mabilis na pagtayo ni Cole para umalis naman. Ni hindi na nagpaalam si Cole, basta nag-walk out na lang. Tinignan ng masama ni Snow si Jason. Hindi lang si Cole ang may ayaw rito, siya rin.

"What?" painosenteng tanong ni Cole sa kanya.

"What din?" nakataas ang isang kilay niyang tanong.

"Wala pa akong sinasabi parang galit ka na," ani Jason.

Imbes na sagutin ang lalaki ay binalingan niya si Anastasia. "Tapos ka na bang kumain, Tasha?"

"Yeah. Why?"

"May pupuntahan tayo, 'diba?" Nakangiti siya ngunit nandidilat ang mga mata para ipahatid kay Tasha na kailangan siya nitong sakyan. Nakaintindi naman ang huli.

"Oo nga pala. Let's go."

Binigyan niya pa ng isang irap si Jason bago niya ito tuluyang iwan sa dining area.

[COMPLETED] Snow & the Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon