It's Complicated

3.4K 91 1
                                    

"PASENSYA ka na kay Jason, maraming issues iyon kaya ganoon ang ugali," ani Tasha habang nasa biyahe sila patungo sa isa sa mga restaurant ni ng kuya nitong si Adam.

"Issues?"

"Galit siya kay Tito Michael, iyong daddy niya. Feeling niya kasi hindi siya minahal pati na rin ang mommy niya. Arranged marriage kasi iyong sa parents niya. But Tito Michael was in love with someone else, sa mommy ni Cole. Okay naman daw noong umpisa ang relasyon nina Tito Michael at Tita Diana pero pagkalipas ang ilang taon, nagkita ulit sina Tito Michael at ang mommy ni Cole. At iyon na... Alam mo na, first love, true love. Ang after all si Tita Jean, mommy ni Cole, talaga ang mahal ni tito."

"Ang complicated pala."

"And it became more complicated 'nung nabuo si Cole. Matagal na naming alam ang tungkol kay Cole kaya lang hindi siya ipinapakilala sa'min ni Tito Michael. Ayaw daw ni Cole. Recently lang namin siya nakilala kaya hindi pa malapit ang loob namin sa kanya."

"Ah, kaya pala hindi siya kasingsikat niyong magpipinsan."

"Sikat?" natatawang tanong ni Tasha.

"Oo. Marami kayang mga babae ang nagkakandarapa sa mga pinsan mo. Anyway, bakit biglang nagbago ang isip ni Cole?"

"His mother died last year. Wala siyang ibang pamilya kundi si Tito Michael. He didn't have a choice."

Naalala ni Snow ang eksena sa sementeryo. Jean Tolentino ang nakasulat sa lapidang dinalaw ni Cole. Nanay pala nito ang katabi ng puntod ng papa niya.

Kaya naman pala pakiramdam niya ay konektado siya kay Cole, pareho na silang walang ina. At least, ito ay may ama pa. Siya, may madrasta, madrastang bruha na bigla na lang siyang pinalayas kahit na alam nitong wala siyang ibang matatakbuhan.

"It must have been hard for him. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng magulang, it happened to me twice."

Hindi na kumibo si Anastasia at tahimik na silang dalawa hanggang sa makarating sa restaurant ni Adam. Sinalubong sila ng gulat na si Adam. "Ano'ng nakain mo at dinalaw mo ako rito?" tanong ni Adam kay Tasha.

"Boring sa bahay, kuya. Nakakahiya naman kay Snow kung magkukulong ako sa kwarto maghapon."

Binalingan siya ni Adam. "Buti na lang talaga dumating ka sa bahay namin, Snow," nakangiting sabi nito. "Kung hindi mauubusan ng laway 'tong kapatid ko."

"Kuya!"

Natawa si Adam. "Kumain na ba kayo? Ano ang gusto niyo?"

"We just had our lunch," tugon ni Tasha. Binalingan siya nito. "Coffee na lang tayo?" Tumango si Snow. Sa isang sulok ng restaurant sila pumwesto, sa hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. Ayon kay Tasha ay maraming restaurants si Adam kaya hindi tumutulong sa negosyo ng mga San Gabriel.

Sa totoo lang ay wala sa magpipinsan ang tumutulong sa negosyo kahit pa may mga shares na nakapangalan sa mga ito, maliban kay Caleb. Si Caleb lang ang nag-iisang may posisyon sa San Gabriel Corporation.

Ang flagship product ng SGC ay softdrink hanggang sa nagkaroon na ng beer at iba pang inumin, frozen goods pati na rin dairy products. At hindi lang sa Pilipinas nagsu-supply ng produkto ang SGC kundi sa marami pang bansa sa buong mundo. They even ventured beyond their core businesses. Na-involve na ang SGC sa fuel and oil at pagde-develop ng ilang lupain. Kaya batid ni Snow na hindi lang milyonaryo ang mga San Gabriel. Sigurado rin siyang maging ang mga apo ng mga apo ni Tatay Eli ay hindi na magugutom.

"Milan is here again," nanghahaba ang ngusong wika ni Tasha habang nagkakape sila.

"Ha?"

Inginuso nito sa kanya ang isang sexy na babae, balakang pa lang talbog na siya. Kayumanggi ang kulay ng babae ngunit napakakinis. Mukhang kalevel nina Anastasia sa estado sa buhay. "Sino siya?"

"Siya si Milan na stalker ng kuya ko."

"Stalker? Iyong ganyang kaganda, stalker?" gulat niyang tanong.

"Hindi ko nga alam kung ano talaga ang dahilan ng paglapit niyan kay kuya. I don't believe she's in love with my brother. Kung pera naman, meron naman siya 'nun. Feeling ko, pyscho iyan, eh. Binalaan ko na nga si kuya na mag-ingat sa babaeng iyan."

Nabura lang ang pagkasimangot ni Tasha nang umalis na si Milan matapos kausapin saglit si Adam. Ang buong akala ni Snow ay mabo-bore siya kay Tasha ngunit hindi naman pala. Madaldal ang babae kapag silang dalawa lang. Tumatahimik lang ito kapag may ibang tao, kung ibang tao ngang maituturing ang mga pinsan nito.

Pagdating ng hapon ay bumalik na sila sa bahay. Tulad ng dati, tahimik doon. Si Andrew ang sumalubong sa kanila. "Si Tatay Eli?"

"Nagpaiwan siya sa Cavite. Gusto raw ng sariwang hangin," ani Andrew. "Kumusta ang unang araw mo rito, Snow?" nakangiting tanong nito.

Nakakahawa ang ngiti ni Andrew kaya napangiti rin siya. "Okay naman. Lumabas kami ni Tasha." Nilingon ni Snow si Tasha at napansin niyang seryoso ang ekspresyon nito. "Pagod na yata si Tasha, Andrew. Aakyat muna kami."

"Okay ka lang?" tanong ni Snow kay Tasha nang nasa silid na sila ng huli.

"Oo naman."

"Bigla ka kasing nanahimik. Kapag tayong dalawa lang, madaldal ka naman."

"Hindi ako komportable sa ibang tao."

"Kahit kay Andrew? Mabait naman siya. Sa totoo lang, siya ang pinakamabait sa bahay na 'to," aniya na nilangkapan pa ng pagtawa ngunit hindi natawa si Tasha. "Mukhang napagod ka nga," nakangiwing sabi ni Snow. "Nakakapagod ding mag-drive, 'diba?" nakangiwing tanong niya. "Sige, maiwan muna kita."

Sa sala ay naabutan ni Snow si Cole kaya na-excite siya ngunit agad ding naglaho ang excitement dahil mukhang paalis ang lalaki. May bitbit itong helmet at nakasuot ng itim na leather jacket. May lakad yata.

"Aalis ka?"

"Mamasyal lang. Gusto mong sumama?"

Mabilis na sumagot si Snow, "Sige!"

[COMPLETED] Snow & the Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon