ILANG araw nang nag-aabang si Snow na mapadaan si Jason sa convenience store ngunit bigo pa rin siya. Hindi niya pa rin makontak ang lalaki. Ang sabi ni Tasha, umalis daw at mukhang may project sa probinsya. Pero bakit naman ayaw nitong magpakontak kahit kanino? Importante ang sasabihin niya. Doon nakasalalay ang kaligayahan nilang dalawa!
Noong isang araw lang ay kinausap siya ni Edrick, humihingi ito ng tawad at kung maaari raw ay tanggapin niya pa rin ang pagkakaibigan na inaalok nito ngunit tinanggihan niya na. Ayaw na niyang makita ito ulit pati na rin ang kanyang madrasta. Kahapon ay bumalik na ng America si Edrick. Mabuti na iyon para sa kanilang dalawa.
Inabot na naman ng oras ng pag-uwi si Snow ngunit walang Jason na dumating. "Hindi bale, baka bukas, narito na iyon," pagpapalakas niya ng loob. Bagsak ang balikat na naglakad si Snow patungo sa boarding house na inuupahan. Walking distance lang iyon sa convenience store.
"Mukhang na-miss mo ako, ah?"
Nanlaki ang mga mata ni Snow at excited na lumingon sa nagsalita. Naroon na ang lalaking ilang araw na niyang inaabangan. Pagkakita pa lang sa mukha nitong talagang pinangulilaan niya ay naiyak na siya.
Nag-aalalang nilapitan siya ni Jason at niyakap. "Ano'ng nangyari?" tanong nito habang hinahagod ang kanyang likod.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya, umiiyak pa rin.
"May project sa Baguio. Babalik pa nga ako r'on. Na-miss lang kita kaya ako umuwi."
"Sorry," aniya. Hindi na siya umalis sa pagkakayakap ni Jason. Kung maaari nga lang ay manatili na siya roon habambuhay. His embrace was her home. Wala siyang pamilya kaya pakiramdam niya, si Jason lang ang mayroon siya. He was the only one who truly loved her. "Hindi totoong hindi kita mahal. Ayaw ko lang na maging komplikado ang lahat noon."
Hinawakan siya ni Jason sa magkabilang-braso at bahagyang inilayo. "Hindi ko naman kailangan ng eksplanasyon. Sabi ko naman sa'yo, kahit ano pang rason mo, basta nasa tabi lang kita, wala na akong pakialam."
"Pero mahal kita at gusto kong malaman mo iyon. Ayoko lang na isipin mong ginagamit kita at kailangan ko lang ng pera kaya sasabihin kong mahal din kita. This time, wala akong kailangan dahil hindi naman pala totoo ang sakit ng madrasta ko." Ikinuwento niya kay Jason ang panloloko ni Mama Evian at ngayon ay mas galit na ito kaysa sa kanya.
"Kalimutan na natin silang lahat," ani Snow kay Jason. "Ikaw na lang ang kailangan ko ngayon."
Jason smiled and pulled her closer. Nang lumapit ang mukha nito sa kanya ay awtomatiko siyang pumikit. Hinalikan siya nito ng matagal sa labi. Nagdilat lang siya ng mata nang matapos ang halik. "Matagal ko ng kinalimutan ang lahat para sa'yo, Snow. Pinatawad ko ang lahat, pati ang sarili ko, para puro pagmamahal na lang ang matira sa puso ko. Pagmamahal na para lang sa'yo."
Naiyak na naman si Snow. "Don't be too lovable, sasabog na ang puso ko," pabirong sabi niya sa lalaki.
Tumawa si Jason at saka siya niyakap. "Pasabugin mo na ang puso mo para quits na tayo. Mine exploded a long time ago."
Epilogue
"The Apple of My Eye," basa ni Snow sa title ng painting na nakasabit sa shop ni Jason. That was her eyes. Dinagdagan lang iyon ni Jason ng detalye mula noong unang beses na iginuhit. Isa pala iyon sa mga naka-exhibit noong minsang imbitahan siya nito. Gagamitin sanang props sa confession ngunit hindi naman siya dumating. Hindi naman nasayang dahil naging pang-display sa shop nito.
Katatayo lang ng shop na iyon, shop ng mga art materials. Halos kasabay ng pagtatayo niyon ay ang pagpasa naman ni Snow sa licensure examination for teachers. Sabay nilang inaabot ni Jason ang mga pangarap nila. Parati silang nasa tabi ng isa't isa. Hindi pa naging ganoong kakontento si Snow sa buong buhay niya.
"Babe, I have a gift for you," ani Jason bitbit ang isang miniature house model.
Natawa si Snow. "Ginawa mo iyan?"
Nitong huli lang ay naging topic nila ang dream house at ngayon ay gumawa na ito ng modelo. Isang puting bahay iyon na katamtaman lang ang laki tulad ng nais ni Snow. Sa gilid ng hardin ay may nakita siyang treasure box. "This is not part of my dream house."
"Ang pangarap ko ang nasa loob ng kahon na iyan," nakangiting sabi ni Jason.
Nakagat ni Snow ang pang-ibabang labi habang binubuksan ang box. Namasa ang mga mata niya nang makitang singsing ang laman niyon. "Will you be my wife?" tanong ni Jason. Kinuha nito ang singsing mula sa kahon.
"Seryoso ka ba?"
"Mas seryoso pa sa war against illegal drugs ni Digong," pabirong tugon ni Jason.
Natatawang tumango si Snow. "Magsisisi ako habambuhay kapag tinanggihan kita ngayon."
"Kukulitin kita habambuhay kung tinanggihan mo ako ngayon," ani Jason bago isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Hinalikan siya ni Jason ng magaan sa labi. Gusto pa sana ni Snow na maglambitin sa leeg ng fiancé ngunit may mga party popper na nag-ingay. May audience pala sila, wala man lang siyang kamalay-malay.
"Congrats!" bati ng mga pinsan ni Jason pati na rin nina Tatay Eli at Miles.
Pinasalamatan niya ang mga ito at napansin niyang may kulang. Wala si Cole. Hinanap niya kay Jason ang kapatid nito. "May emergency."
"Emergency?"
"Oo. Tinawagan ni Elsa, nagmamadaling umalis. Hayaan mo na iyon. Mamaya mo na lang tanungin pagbalik."
Tumango si Snow at saka yumakap kay Jason. "I love you," aniya rito.
"I love you too."
"Ang tamis, nakakainis!" ani Tasha saka tumawa.
"Kailan ba ang kasal?" tanong ni Tatay Eli.
"Kaka-propose ko lang, 'Lo," tugon ni Jason.
"Mas maganda nga kung magpapakasal na kayo ni Snow, anak," singit ni Tita Diana na tanggap na tanggap siya. Ito na itinuturing niya ina mula nang maging nobyo niya ang anak nito.
"Sige, 'my, sa susunod na buwan, magpapakasal na kami ni Snow."
"Agad?" gulat niyang tanong.
"Ayaw mo ba?"
"Gusto ko," ngiting-ngiting sagot niya.
Hindi alam ni Snow kung mapapanindigan niya ang kasal sa susunod na buwan gayong hindi madali ang magprepara ng kasal ngunit isa lang ang alam niya, kaya niyang panindigan ang pag-ibig kay Jason gaano man karami at kahirap ang mga pagsubok na dumating sa kanila. Masaya siyang sa dami ng prinsepeng nakilala, ang isang tulad nito ang minahal niya.
Wakas
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Snow & the Seven Princes
Romance"Don't be too lovable, sasabog na ang puso ko." Nang palayasin si Snow ng madrasta, to the rescue ang matandang tinulungan niya sa isang aksidente-si Elissus San Gabriel, isa sa mga pinakamayamang negosyante sa bansa. Pinatuloy siya ng matanda sa ba...