Chapter One

84 2 0
                                    

Chapter One: Trouble 7th

Aiden's Pov

"Yo dude! Gising na!"

"hmmmh! Go away Ej!"

"Ulol! Gusto mong iwan ka namin dito sa classroom?! Dismissal na!" umupo ako ng tuwid at nagstretching. Minsan lang kaya ako matulog sa klase.

Deh joke lang. Minsan lang talaga ako makinig sa lecture ng social studies na subject ko. Past is Past! May magagawa pa ba ako kapag nalaman ko kung sinong pumatay kay Lapu-lapu? Wala diba?

And besides, last day namin ngayon sa pagiging third year highschool.

"Yuck. Laway mo Aiden, oh! Punasan mo nga desk mo. Di ka na nahiya!" sumbat sakin ni Ej. Sipain ko kaya 'toh? Pero wag nalang. Susumbong lang yan kay Aj.

"Oo na! Nasan na ba sila?" sabi ko habang humihikab.

"Nandoon na sa labas. Andyan na sundo natin." namilog naman ang mata ko. Dali-dali kong kinuha ang bag ko tsaka tumakbo palabas ng classroom.

"Hoy! Sakin mo pa iniwan 'tong lawayan mong desk!" hindi ko na siya pinansin, bahala siya diyan.

Ako nga pala si Christoff Aiden Ramirez. Just call me Aiden, close na kase tayo. Kapag hindi ko kaclose, Christoff ang tawag sakin.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng nakaparadang van sa tapat nang school gate.

"Mmmhh.. Hmmm.. I love you, babe.. mmmhh.."

"Tang*na!"

Lumingon sakin ang lalake at ang kahalikan niyang babae. Namilog ang chinito kong mata sa gulat.

"S-sorry." dali-dali kong sinarado ang pinto ng van NILA.

"Wahahaha! That was epic dude!" ayun pala yun totoong van namin. Nakita kong nakatayo silang lahat sa tabi nito at may mga hawak na street foods at cotton candy.

"Shut up JD! Wala ako sa mood!" binuksan ko yung pinto ng van, nagdasal ako na wala nanaman akong madatnan na naghahalikan.

Nang mabuksan ko yung pinto, nakahinga ako ng maluwag. Kinuha ko ang bag ni JD tsaka tinapon sa back seat.

"Don't worry Aiden, walang naghahalikan diyan. Hahahaha!" pati ba naman ikaw Aj? Aasarin mo rin ako?

Di ko pinansin ang mga asar nila at isinandal lang  ang ulo ko sa bintana.

"Hoy! Hoy! Wag mo ngang itapon-tapon 'tong bag ko! Tapon kita sa magjowa na iyon, eh!" isa-isa naman silang sumakay sa van habang hawak ang mga pagkain nila.

Nasa harap ko umupo sina Ken at Kim. Nasa likod naman sina Mylo, JD at Ej. At katabi ko naman si Aj. Kinalabit ko siya.

"Penge cotton candy, abo." tinignan lang ako nito tsaka pinatuloy ang pagkain ng kwek-kwek.

"Wag mong bigyan ng pagkain yan, Twin! Iniwan niya ako kanina. And he made me wipe his drool off his desk!" pagsusumbong ni Ej kay Aj. Hindi naman sila kambal, eh. Tawagan lang nila yan kase si Ej ang may pinakamalapit na age kay Aj. All of us are two years older than Aj, kaya siya ang bunso namin.

Parang ganito:

Kim; 15 na si Kim dahil January siya.

JD; 15 din, february.

Me; 14, july pa ako.

Ken; 14, august.

Mylo; 14 din, september.

Every Guy's Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon