Chapter Three: Dare
Aj's Pov
Ang bilis ng summer namin. Nagpunta lang naman kami sa Korea eh.
First day namin nina Aiden ngayon. New school. New experiences. And we're seniors na!
We had to transfer to a new school because of Aiden's temper. Ayun, muntik nang mapatay yung dean dahil nacomfiscate yung mahal niyang 3Ds kahit hindi ginagamit. Unfair daw, kaya binugbog yung dean.
Hiwa-hiwalay kaming pumasok ng school. Kase naman yung dare na yun eh! Kainis.
Gusto niyo bang malaman kung ano? I will dress up as a nerdy transferee. My ghad! Kinailangan ko pang magising ng napakaaga para maayos ako ni Ate Keith!
Natalo ako dahil lang sa walang hiya na atv motor na yun. Ang daya naman kase nila, walan ba naman ako ng gas! Pero dahil mabuti akong tao, tinanggap ko nalang.
Eto ako ngayon sa field ng new school namin, Stafford High Academy. Nakaupo lang ako sa isang bench dahil tinatamad pa akong pumasok. Paniguradong pagtatawanan lang ako ng mga ugok.
"Dito na mag-aaral yung Trouble 7th?! Oh my! Sana sinabi mo agad girl! Nagpaayos pa sana ako. Ang gwagwapo kase nila!" dinig ko ang tili ng isang babae na di naman kagandahan sa katabi kong bench. Kami ba tinutukoy nila?
Malamang! May iba pa bang Trouble 7th dito? Wala naman diba. Tsk Tsk.
"Oo nga girl! Wait, ano ba talaga si Aj Rodriguez? Babae o Lalake?" ay wow. Insulto kayo ah. BABAE AKO!!
"Babae daw sabi ng mga boys. Pero sabi ng iba, lalake daw." sipain ko kaya mga to? Ako? LALAKE!? bubugbugin ko ang nagsabi niyan!
"Lalake siguro. Kase kabilang siya sa Trouble 7th eh." tangina naman oh.
"Babae daw eh!"
"Lady gangster, ganun?"
"Hindi. Mabait daw yun. At Maganda daw yun eh. Hindi tulad sa katabi nating nerd." napatingin ako sakanila. Sumosobra na sila ah.
"Why? She looks pretty naman ah." thank you sa pagdefend sakin!
"Slight lang. Nerd eh. Eeeww. Sana maganda nga yung Aj na yun. Dahil kung hindi, sasabihin kong malandi siya!" at tumawa silang dalawa.
"Tara na girl. Hanapin natin sila! And you nerd, go home! You don't belong here. Para lang to sa mga magaganda." aba't pucha tong babae na to ah!! Dinuro pa niya ko!
"Umuwi ka na rin. Pareho lang tayong panget no. Pero syempre, lamang ka." nganga siya! Wahahaha! epic face.
"Hayaan mo na yan. Hanapin na natin yung Trouble 7th! Ang gwapo daw ni Ej eh! At gusto kong makita si Aj na yun." sinamaan lang ako ng tingin ng kaibigan ng nagdefend sakin. Crush pala nila si Ej, yuck!
Tumayo nalang ako. Nakabig nerdy glasses ako. Nakaponytail pa yung buhok ko. Tapos nilagyan pa nila ako ng braces at makapal na eyebrows! Nakasweater pa ako. Sa jeans at sneakers lang ako hindi nerd eh. Tapos may dala pa akong books! Eh first day palang, why need books agad.
"Excited ka sa first day festival?" yung astig sa school na to eh may program agad sila kahit na first day palang. Alam ko na yun kase isa kami sa magpeperform.
"Naman! Kyaaa! Magpeperform daw yung Trouble 7th doon!" tili naman ng isa. Kalat na ba talaga na nandito kami mag-aaral? Wow ah.
"Yeah! Ang gwapo pa naman daw nila. Hindi ko pa nga nakita yung Aj Rodriguez, bet ko gwapo yun." eto nanaman. Hay ewan. Binilisan ko nalang yung lakad ko at dumiretso na ng room ko. Nakita ko naman sa pinakalikod ang mga ugok at panay tawa pa!
BINABASA MO ANG
Every Guy's Dream Girl
HumorShe is every guy's dream girl. Every girl wants to be her even just for a day. Every boy would do anything just to be with her. She has it all... She's beautiful, smart, powerful, rich, yet humble. They all want to be with her. Be her friend. Worshi...