Chapter Four

40 3 1
                                    

 Chapter Four: Dyosa

Aj's Pov

Pinalabas naman agad kami ni Ma'am Rain. Pinadiretso nila kaming Trouble 7th sa dressing room namin sa backstage. Pero syempre hiwa-hiwalay para hindi mahalata ng mga students.

"Jade!! Jade!!" napalingon ako. Kahit na kanina ko lang siya nakilala, natandaan ko na agad yung boses niya.

"As i said a while ago, I'm not like Ericka na maldita. I didn't get the chance to thank you after that incident. Kaya thank you very much, Aj." tinakpan ko yung bibig niya at hinila sa walang taong lugar.

"Shhhh. May dare ako kaya wag mo munang ipaalam na ako si Aj. Please lang." tumawa siya at tumango.

"I'm Maxine Sy. Call me Max. Yeah. I'm the daughter of Maximus Sy, owner of the Sy company." tumango ako. I don't need those information pero sige nalang para malaman ko kung kailangan ko siyang pagkatiwalaan.

Dumaan naman yung Ginno na yun sa gitna pa namin, "Hi, ms. cutie pie." hinawakan niya yung kamay ko pero inalis ko agad.

"I think he likes you. Alam ba niya?" napapoker face nalang ako. Kakasabi ko lang na walang dapat makaalam.

"It's okay. Pwede mo naman akong tarayan eh. Para sakin, magkaibigan na tayo." napangiti nalang ako.

"Yieee. Si bestfriend, napangiti ko."

"Haha. Ikaw kase yung pangsecond kong naging kaibigan na babae. Puro kase lalake yung mga kaibigan ko."

"Oo nga. Kabilang ka pala sa Trouble 7th. So nakikipagbasag-ulo ka rin?" nagshrug lang ako.

"Ano ba ang itatawag ko sayo? Ashlyn, Jade or Aj?" napatakip nanaman ako sa bibig niya. Naman! Ang kulit. Sapakin ko kaya toh?

"Oops. Sorry."

"Aj nalang dahil close na tayo."

*Ooooohh she's so dangerous*

kinuha ko agad yung phone ko, "Bakit nanaman Aiden?"

[Mr. Cutie pie! Pinapatawag ka na ni Ma'am dito sa dressing room. Dalian mo na Mr. Cutie pie.]

"Oo na. Tangina ka Aiden, sipain kita dyan eh!" at in-end call ko na. Nang-iinis talaga siya.

"Was that Christoff Ramirez?" tumango ako. "Kyaaaa! Close kayo ni Kyle? Crush ko yun eh! Masungit ba talaga yun?"

Binigyan ko siya ng are-you-serious-look, "Malamang! Trouble 7th kami, lahat kaclose dahil pito lang kami. Di naman, tahimik lang talaga yun. Tara na." naglakad ako papuntang kaliwa.

"Saan ka pupunta?" hindi ko siya nilingon. "Sa backstage! Kailangan na ako nila doon."

"Talaga? Eh. Uhm. Doon yung way, Aj. Hindi diyan." Awts. Pahiya ako doon ah. Nag-iba ako ng direksyon at sa kanan dumiretso. Tinawanan lang ako ni Max.

Nasa backstage na kami at kung mamalasin nga naman, nagkasalubong pa kami ni Ericka. First day palang pero nagsasawa na ko sa pagmumukha niya.

"Look who's here. Naligaw ka ba, ugly duckling?" tumawa yung mga alipores niya. Umirap lang si Max.

"Hindi ah. Baka ikaw?" tumaas nanaman yung kilay niya.

"I'm one of the lead dancer for Trouble 7th sa second performance nila." napangiti ako.

Every Guy's Dream GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon