CHAPTER 1

2 0 0
                                        

CHAPTER 1

 

JANNELYN’S POV

       Ako ngapala si Jannelyn Santos. 16 yrs old na po ako at graduating high school student.

       Ako ngapala yung babaeng in love sa bestfriend ko pero di niya alam kasi dun siya in love sa kaibigan ko at tinutulungan ko siya para manligaw, ang sakit no? Tapos yung kaibigan ko parati nalang siyang pinapaasa.

       Si Dylan Taylor. Siya yung Bestfriend ko since 1st yr. 16 yrs old na din siya pero older siya sa akin sa month.

       Nandito ako ngayon sa school hallway papunta sa classroom kasi nga daw dadalhin ko si Kristy (yung kaibigan ko) sa school garden. Dahil ngayong araw liligawan siya ulit ng bestfriend ko.

       Pagkapasok ko sa classroom nakita ko agad si Kristy dun sa umupan niya na nagsusulat.

       “Kristy!” Lumapit ako sa kanya.

       “Oh. Ikaw pala Jan. Anong maitutulong ko sayo?”

       “Sam aka muna sakin. Punta tayo sa school garden may nakita akong bagong bulaklak dun baka gusto mong makita.”

       Bakit ko sinabi yun? Dahil alam kong gusto ni Kristy ng mga bulaklak kaya nga dun si Bestfriend manligaw eh para daw sagutin siya. Goodluck na lang sa kanya.

       Napatayo agad si Kristy at parang may nakita akong spark sa mga mata niya. Kita na, gusto niya talaga ng mga bulaklak.

       “Talaga Jan? Tara na.” Hinila niya ako papalabas ng classroom at nag punta na kami dun.

 

**SCHOOL GARDEN

       Nakarating na nga kami sa school garden and guess what? Nandun na nga si Bestfriend nakaupo sa bench at may dalang flowers ( yung mga paborito ni Kristy). Syempre ako ang nagsabi dahil alam ko eh.

       “Saan na Jan? Saan na yung mga bagong bulaklak?” Sabi ni Kristy habang hinahanap niya ito.

       Nag signal na ako kay bestfriend na lumapit na siya kay Kristy at sabihin na niya kung ano ang dapat sabihin para matapos na to.

        Lumapit na nga si Bestfriend kay Kristy at dahil hindi bulag si Kristy nakita niya ito agad.

       “K-kristy?” Sabi ni Bestfriend.

       Tumingin si Kristy sa kay Bestfriend. “Ikaw pala.”

       Yun na yung signal ko para lumayo muna sa kanilang dalawa. Alam kong masakit pero wala akong choice ako ang pumili nito kaya paninindigan ko nalang hangga’t saan to tutungo.

       Ilang oras ang lumipas at umalis na si Kristy at yung mukha ni Bestfriend? Parang binagsakan ng apat na sakong simento. Alam ko na to.

       “Best?” Lumapit ako sa kanya.

       As usual diba? Bestfriend to the rescue na naman ako nito. Magpupuyat na naman ako mamayang gabi para i-comfort to.

       “Hindi niya daw ako type, best. Ba’t ganun? Halos nalang lahat ng nililigawan ko bina-busted ko. Ano ba kasing problema sa akin?” Parang tutulo na yata yung mga luha niya kaya kinuha ko na yung mga panyo ko.

       Wala namanng problema sayo best. Sadyang di lang talaga nila makita yung halaga sayo pero ako best, nakikita ko yung halaga mo. Sana ako nalang best, sana. Pero wala akong magagawa kasi Bestfriend lang ako.

       “Heto oh. Alam kong iiyak ka na, wag mo nalang itago.”

       Kinuha niya yung at umiyak na nga siya. Kawawang Bestfriend 3 yrs na niyang nililigawan si Kristy pero wala paring epekto at ako? 3 yrs. Na ding nagpapakatanga sa friendship nato. Sya pa nga yung unang lalake na umiyak sa harapan ko, wag niyo siyang tawaging bakla dahil nasaktan talaga siya ng todo.

       Buti nalang at walang masyadong mga teachers ngayon dahil busy sa meeting tungkol sa graduation naming. Since January na nga at kakagaling lang naming sa Christmas vacation wala pang masyadong mga teachers na dumarating at yung iba nasa meeting naman.

 

**SA BAHAY

 

       Time check: 11:30 pm

       Gising pa din ako kasi nga sabi ko kanina diba magpupuyat talaga ako para mag comfort kay bestfriend at heto siya kausap ko sa phone, umiiyak. Ayoko talagang makita siyang ganyan dahil lang sa isang babae.

       “Best mahal ko talaga si Kristy eh. Ano ba ang gawin ko? Gusto ko na siyang makalimutan pero ayaw ng utak ko.”

       “Tahan na best. Dapat i-try mong kalimutan siya dahil ikaw lang naman ang masasaktan eh. Nandito lang naman ako para magcomfort sayo”

       Kelan mo pa titiisin tong sakit Jan? Nagmumukha ka ng tanga sa ginagawa mo. Ikaw nga dapat ang bumitaw sa kalokohang ito. Kahit kalian di talaga makikita ni bestfriend kung di mo sasabihin sa kanya na mahal mo siya. Pati yung konsensya ko kinokontra na din ako.

       Ano ba kasi yung dapat kong gawin? Sasabihin ko ba talaga sa kanya na mahal ko siya? O magtatago nalang ako parati sa dilim?

       “Alam mo best, maswerte talaga ako dahil may bestfriend akong katulad mo at nagbibigay ng advices sa akin. Salamat talaga. Sana naman sa tamang panahon masusuklian ko yang kabaitan mong binigay sa akin.”

       Sana nga sa tamang panahon malalaman mo na rin yung totoo kong nararamdaman best.

       “Walang ano man yun best.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIEND (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon