Naranasan niyo na ba yung feeling na lagi siya yung nasa isipan mo. At hindi mo siya makalimutan hindi nakukumpleto ang araw mo pag hindi mo siya nakakausap. At marinig molang yung boses niya sa umaga, parang wala nang sisira ng araw mo? Halos ako araw araw ko nararanasan yan.
Hindi ko alam kung pano ko sakanya sasabihin to. Pero nahihiya ako. Kase nung una siyang umamin saken parang pinaasa ko siya, kase umamin din ako sakanya pero. Ilang araw lang nag ka "girlfriend" agad ako. At ni isang segundo ng paguusap namen at pagamin ko sakanya. Wala akong pinagsisihan. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko siya at inibig ko ng buong buo.
Sa lahat ng pick up line na sinabi ko sakanya seryoso talaga ako. Hindi ko alam kung pano ako aamin sakanya na hindi lang basta crush talaga ang nararamdaman ko. Nagtanong nako sa kaibigan ko. Ang sabi saken. Ligawan kona bago pa may makaagaw. Kaso ayoko naman siyang madaliin. Well. Bata pa kame. Hindi kopa alam kung siya na talaga. Pero gusto ko na mailabas yung nararamdaman ko. Hindi kona alam ang gagawin ko kung pano ilalabas to kung hindi umamin.
Ganto siguro talaga ang kailangan mangyare sooner or later. Pero atleast nalabas ko lahat. Kaya niya siguro sinabing immature siya. Kase hindi pa kame handa para dun I mean kakasabi kolang bata pa kame. So.. Kung ganun sinabi niya saken. Siguro kailangan kolang mag hintay para sakanya.
Drama noh? Ganyan kase buhay ko. Puno ng drama. Pero atleast kahit ganun andyan parin si crush para pasayahin ang buhay ko. Kahit nahihirapan nako makausap kolang si crush sumasaya nako. Lagi nalang siya ang dahilan ng ngiti ng buhay ko. At feeling ko kahit magsamasama pa lahat ng pwedeng magpasimangot saken at mabadtrip ako. Siya lang ang sagot sa lahat ng problema ko.
Crush para sayo to: Maraming salamat dahil ikaw nag reason at maganda ang araw ko. At pag masama ang araw ko gumagaan lang to pag nakakakita ako ng magandang babae na nakangiti. Kaya pwede ngumiti ka para saken, crush? <3
BINABASA MO ANG
FOREVER
أدب المراهقينForever? Isang salita lang yun diba? Pero tingin mo. May "FOREVER" paba, na hindi lang basta salita? Tignan nalang naten.