I Love The Pastry Chef Chapter Two

378 23 1
                                    

"Ano kaya'ng problema niya?" bulong ni Arnie na namangha sa ginawi ng babae.

    Samantala ay lalong binilisan ni Tiffany ang paglalakad. Nilakad-takbo niya ang papunta sa terminal ng bus pauwing Bulacan dahil malapit ng umulan. Humihingal siya ng sa wakas ay makaakyat, sa gawing dulo ng bus ang pinili niyang pwesto. Kaagad na naupo si Tiffany. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari. Gustuhin man niyang umiyak ay tila naubos na ang mga luha niya.

"Ang layo naman ng lugar nila!" ani Arnie na hinihilot ang pang-upo dahil nangawit siya sa tagal ng byahe. "Kuya, makisundan po 'yung tricycle na kaaalis lang." sabi niya sa tricycle driver na nasa toda kung saan sumakay ang babae pagkababa ng bus.

"Sige po, sir. Sakay na po kayo."

"Huwag kayong o-overtake, kuya ha?"

"Ako'ng bahala, sir. Mukhang LQ, sir ah." hirit pa ng driver. Natawa siya sa sinabi nito.

"Basta sundan mo na lang, kuya." sa tantiya ni Arnie ay bente minutos din siyang lihim na nakamasid bago nakitang huminto na ang tricycle na sinusundan nila. "Huminto na ho, kuya, balik na ho tayo " aniya pagkatapos matiyak kung saan papasok ang babae.

"Okay po, sir."

    Hindi maintindihan ni Arnie kung bakit nagawa niyang sundan ang estrangherong babae. Nagpakapagod siya't lahat para lang malaman kung saan ito tutuloy pagkatapos nitong umiyak ng tila walang katapusan. Maya-maya pa ay bumibyahe na ulit siya pabalik ng Manila. Dahil hindi siya sanay mag-commute at dala na rin marahil ng sobrang pagod ay nakatulog ang binata.

TEXT CONVERSATION

MOM:

Arnie, where are you hijo? Sabi ng secretary mo after daw ng meeting mo with Mr. San Sebastian bigla ka na lang nawala?

SON ARNIE:

I'm on my way, Ma. I had an emergency po that's why bigla akong nawala. I'm fine, Ma. Nothing to worry about.

MOM:

Okay, nag-alala lang ako, son. Portia told me na nasa office naman daw ang kotse mo.

Dapat na ba akong matuwa at mukhang inlove na ulit ang bunso ko?

SON ARNIE:

Here we go again, Ma. Hindi ako inlove, okay? Sa tingin mo ba kung babae ang dahilan, bakit ko iiwan ang kotse ko?

E di mukha naman kaming kawawa ng date ko. 😂

MOM:

Sabagay hijo, pero naka-move on ka naman na hindi ba?"

SON ARNIE:

Of course, Ma. I really do. But still, hindi ko pa kayang magmahal ulit.

MOM:

It's okay hijo. Kapag dumating naman ang tadhana mo, kahit anong iwas mo, hinding-hindi mo 'yan mapipigilan. Believe me, son."

SON ARNIE:

I know, Ma. And I always believe in you. Thank you sa lahat, sa pagpapalakas ng loob ko.

MOM:

You're always welcome, son.

    Pagdating sa bahay ay kaagad napansin ng mga magulang ni Tiffany na tila wala siya sa sarili.

"Kumusta ang lakad mo anak? Ba't ganyan ang hitsura mo?" tanong ni Mang Leo. Nagpasalamat siya't tulog na ang kaniyang anak ng dumating siya dahil hindi siya titigilan nito ng kakatanong tungkol sa ama, baka hindi lang niya mapigilan ang sarili sa muling pag-iyak. Ikinwento niya sa mga magulang ang nangyari, nagalit ang mga ito ngunit hindi kasing tindi ng galit niya.

I Love The Pastry Chef (Ongoing)Where stories live. Discover now