I Love The Pastry Chef Chapter Three

332 20 2
                                    

ARNIE's HOUSE

"Kumusta ang party ni Bea, hijo?" tanong ng Mama niya, noon ay halos mag-ha-hatinggabi na.

"Okay naman, Ma, masaya."

"Nagustuhan ba niya ang gift mo?"

"Well, sa tingin ko naman ho nagustuhan niya. Kitang-kita 'yon sa ngiti niya habang nakatitig sa mga cakes niya."

"Hmmm...good to hear that. O siya, sige na, magpapahinga na ko. Magpahinga ka na rin at halatang pagod ka na, anak."

"Yes, Ma. Akyat na rin ako, medyo magpapa-antok lang. Kayo naman ho kasi, hinintay n'yo pa ho ako."

"Naku e alam mo naman ako, hijo. Hindi ako napapakali kapag wala ka pa samantalang gabi na."

"Sige na ho, magpahinga na ho kayo. Good night, Ma." aniya sabay halik sa pisngi ng ina.

"Good night. Sumunod ka na."

"Oho."

    Matagal ng naka-akyat ang ina subalit si Arnie ay nanatiling nakaupo sa sofa. Iniisip niya ang napag-usapan nila ni Joy na kasal na ang kapatid nito. Hindi niya maintindihan pero may panghihinayang siyang nararamdaman. Hindi rin niya maiwasang isipin kung bakit nagawang lokohin ng asawa nito si Tiffany gayung simple, mabait at napaka-ganda nito. Ito ang tipo ng babaeng kahit hindi mag-ayos ay nangingibabaw ang natural na ganda.
    Hanggang likod ang natural na kulay brown at kulot na buhok nito, na una niyang napansin ng makita niya ito sa mall dahil lalo nitong ikinaganda iyon. Hugis puso ang mukha na tinernuhan ng malalantik na pilikmata, maliit at matangos na ilong at makipot na mga labi. Idagdag pa ang magandang hubog ng katawan nito. Hindi mo aakalaing hindi ito dalaga. Hanggang sa makatulog ay ito ang laman ng isip niya.

KINAUMAGAHAN

"Arnie! Arnie, hijo gising na!"

"Hhmmmm...."

"Gising na, anak."

"Ma! Dito na pala ko nakatulog?" aniya habang bumabangon.

"Bakit nga ba diyan ka natulog?"

"S-sa sobrang pagod ko ho siguro kahapon, Ma. Hindi ko na nagawang umakyat sa kwarto ko."

"Gano'n ba? O e, halika na at makapag-almusal na. Hindi ka ba papasok sa opisina?"

"Okay lang kahit ma-late ako ng konti, Ma. Napirmahan ko naman na lahat kahapon 'yung mga papeles na importante."

"Don't tell me na pupunta ka na naman ng Bulacan?"

"Ma, ano naman ang gagawin ko do'n?" aniyang biglang napangiti.

"Oh come on, hijo! Ngayon ka lang ulit nagka-ganyan at alam kong dahil 'yan sa babae."

"Okay, okay! I admit, Mama. Babae nga ang dahilan kung bakit ako nakarating ng Bulacan. Pero hindi kami pwede, as in never talaga, Ma."

"But why, son? Is she a lesbian?"

"No, not just that."

"Then what?"

"Because she is already married, Ma. With one child."

"What?? I mean, really? Is she that so young looking para hindi mo mahalata 'yon, anak?"

"Yes, Ma. Definitely."

"Saan mo siya nakita kung gano'n?"

"Sa mall, Ma. I was about to buy some office's stuff, then nakita ko siya. She's crying that time. I offered her my hanky but she refused to accept it. Hindi ko alam pero siguro sobrang na-curious ako sa pag-iyak niya kaya sinundan ko siya hanggang sa Bulacan."

I Love The Pastry Chef (Ongoing)Where stories live. Discover now