ONE

52 5 11
                                        

"Pa sige na! Doon ka o!"

"Karylle ayoko nga mag-picture picture"

"Nag-girlfriend ka pa ng Photographer!"

Naka-simangot na buntong naman ni Karylle sa Boyfriend.

"Eh alam mo namang ayoko sa mga ganyan diba?"

Panglalambing naman sa kanya ng Binata, si Philip Alissandre o tinatawang ni Karylle na Pa dahil sa initials nito, ay ang kanyang matagal ng kasintahan, they are together for almost 7 years now, as Boyfriend at Girlfriend parin tutal ay may tinatahak pa silang Career.

Karylle is a Photographer at nakilala niya si Philip Alessandre sa isang Set ng Filming where in isa ito sa mga Direktor at siya ay Photographer na kasama ng mga Media Journalists.

At dahil sa tagal ni Philip sa pagsisilbi bilang Director, ay unti-unti na rin siyang nakikilala, na nagiging dahilan ng palagiang pagtatampo ni Karylle dito dahil nakukulangan na siya sa oras.

"Ngayon na nga lang ulit tayo naka-labas, ganyan ka pa"

Pagddrama ni Karylle kaya't niyakap naman siya ni Philip as he caress her head and gave it a kiss.

"Sorry na. Pero oo nga pala, we have something to talk about"

Nang marinig iyon ay napa-pull away naman si Karylle at tinignan ng mataman ang boyfriend.

"Over dinner. Wag mo na 'kong questionin ng mga mata mo"

And then he kissed the tip of her nose. He doesnt have any idea na kung ano-ano nang naiisip ni Karylle dahil sa sinabi niya.

Would he tell me that he's tired of this relationship? Or he has Another Woman? Third Party? Or would it be- Its not you, its me?




"Saan mo gusto mag-Dinner?"

Malambing na tanong ni Philip sa Girlfriend as he took a glance on her.

"Anywhere"

Nahalata naman niya ang pagiging tahimik at matipid na pag-sagot ni Karylle simula pa kanina ng sabihan niya itong may pag-uusapan sila.

"Hey, what's wrong?"

Tanong niya as he held her hand na agad ring binawi ni Karylle.

"Dont mind me. Just focus on the road, Pa"

"Eh saan mo nga kasi gusto mag-Dinner?"

"Kahit nga saan Pa. Basta masasabi mo yung gusto mong sabihin"

This time ay pinalingan na ni Karylle ang Boyfriend. Nothing's wrong naman kasi talaga, sadyang kinakabahan lang siya dahil sa samo't-saring iniisip na posibilidad na mangyari mamaya sa dinner nila.

"Gusto mo mag-drive thru nalang tayo then let's eat at my Unit?"

Suggestion naman ni Philip.

"Ikaw bahala"

Poker face at monotone na sagot parin ni Karylle. This time ay si Philip naman ang nakaramdam ng kaba, nag-aalangan na siya kung sasabihin paba niya ang pakay.

Maiintindihan naman siguro niya 'ko. She loves me, and I know she will support me.





"So... Ano yung sasabihin mo?"

Hindi na napigilang tanong ni Karylle sa Boyfriend. Matatapos na kasi sila sa kanilang kinakain ngunit hindi parin naimik si Philip patungkol sa sasabihin nito.

"Mamaya nalang pala, after nit---"

"Philip Alessandre please, sabihin mo na. Ano ba kasi yon?"

And then she puts down her utensils.

"K"

"Pa"

"Kar--"

"Come on Phil!"

"Okay, okay, calm down. Sorry na, wag ka na sumimangot"

Tanging siring lamang naman ang natanggap niya sa girlfriend.

"Okay let's start with the Film I told you last month--"

Hindi pa man natatapos si Philip sa sinasabi niya ay na-interrupt na siya agad ni Karylle.

"No way, Pa. Hindi ka nakuha dun, or hindi mo tinanggap yun, right?"

"Patapusin mo muna 'ko, K"

"I dont think I will. Mukhang hindi ko kasi magugustuhan yung sasabihin mo"

Napa-pikit naman si Philip dahil sa narinig.

"K please, Mahal mo 'ko diba---"

"Yes. But it doesnt mean na oo-o-han ko lahat, Phil"

"You do know na I really want to Direct that film, K"

"Yes, but you also know that I dont want you to Direct that"

"K"

Napapa-iling nalang naman si Karylle habang hawak-hawak ng kanyang Boyfriend ang mga kamay niya.

"Alam mong mahina ako pag-dating sa mga Long Distance, Pa"

This time ay kumalma naman na siya at nakipagtitigan kay Philip.

"3-4 months lang naman 'yun eh. Kaya natin yun"

May lambing na pangungumbinsi ni Philip, ngunit umiwas lamang ng tingin si Karylle.

"You accepted the Project without my permission? So ano pa't naging Girlfriend mo 'ko?"

"Nalula ako sa pag-lapag ng project sa harap ko. Alam mong that Filming Abroad is one of my dream"

"Yeah... Well wala naman na 'kong magagawa dahil you already accepted the film. Congrats"

Poker face na huling sambit ni Karylle and walked out.

"Karylle!"

Napa-sabunot nalang naman si Philip sa sarili because of frustration. Aaminin niyang hindi niya naisip ang Girlfriend when he signed the contract about the said Film Abroad. Although nabanggit na naman niya ito sa dalaga a month ago ng sabihan rin siya ng management about it, at hindi nga sang-ayon dito si Karylle dahil ilalagi nila ang panahon ng Filming sa ibang bansa, walang uwian, because the management want the Film to be perfect at matapos rin agad, dahil big time rin ang mga gaganap sa istorya.

The Film Abroad might be the glitter on his career, kaya hindi na niya pinalampas.

But the Film Abroad might also be the reason of failing his relationship with Karylle.

So paano...?




AN

Ayan na nga ang Chapter One! Mabigat agad-agad 😂 To mention lang po, hindi ako maalam sa filming/directing, so bare with my errors if meron man ehe. Anddd, if there is some wrong grammars or typographical error, pagpasensyahan niyo na, tao lang, ganda lang, pero di perpek. Saveh?! Haha dont forget to Vote vote vote! Thank you miloves 😄

Everything About YouWhere stories live. Discover now