"Hmm"
Naalimpungatan si Karylle ng may maramdaman siyang mumunting halik sa kanyang pisngi.
"Ano baaa"
Ingit niya at sinubukang takpan ang left cheek niya. But it doesnt stop, sa kanyang kanang pisngi naman siya nakaramdam ng mga mumunting halik. Kaya't she annoyingly opened her eyes and glared at the person who was behind those small kisses.
"Will you stop, Philip Alessandre"
She hissed and turn her back.
"Goodmorning, My Girlll"
May buong paglalambing na bati ni Philip at pilit na pinapa-harap sa kanya ang Girlfriend.
"Stop, Phil! Ang aga-aga. Let me go back to sleep"
"Anong oras na kaya. Gising na, Prinsesa ko. I bought us breakfast, and I have you your favorite frappe"
Wala namang nakuhang tugon si Philip, kaya't dinungaw niya ang dalaga.
"Uyyy, gising ka na. Tapos kiss mo ko"
Pangungulit parin niya sa Girlfriend.
"K"
"Uyyy, gising ka na. Im not yet eating, because I want us to eat together"
"Sige ka, I'll drink your frappe"
This time ay himala namang naka-tanggap siya ng tugon mula sa Girlfriend.
"Malunod ka sana"
Napa-ngisi naman siya dahil alam na niya ang Drama ng Girlfriend, nagpapa-lambing lang ito. Matapos kasi nitong mag-walkout kagabi, ay hindi na nito sinasagot ang mga tawag at texts niya. Alam niyang sa pagkakataong ito, ay hindi basta lamang ang dinadamdam ng Dalaga towards him, hindi ito basta lang nagtatampo dahil hindi niya nadalhan ng pasalubong o di kaya ng cravings ito. This one's different, this can change their relationship, kaya nag-lakas loob siyang puntahan ito ng pagka-aga aga sa unit ng dalaga para sa mahabaang paglalambing.
"K... I know you're awake, and I want to tell you that I love you so much, I really do. I know I told you that I cant live without you, and maybe the time I accepted the project, iniisip mo nang I can. Pero hindi K, Ikaw na yung nakikita kong makakasama ko habambuhay. Just think of our future, big time yung Film Abroad K, I can you give the Wedding you want, I can give you Your Dream House and such. Just dont let this ruin us. Dahil ang dami ko pang plano para satin"
Sakto namang pagka-tapos niyang maglitanya ay nakarinig siya ng isang tunog.
"Krrghhh"
Ang hilik ng kanyang Girlfriend.
"Tulog mantika talaga. Pasalamat ka mahal na mahal kita"
Natatawa niyang kumento and gave his Girl a kiss on her temple at napagdesisyunan na lamang na libangin ang sarili by playing in his phone.
•
"Phil?"
Namimikit mata pang bitaw ni Karylle ng magising siyang bumungad sa kanya ang natutulog ring Boyfriend. Magkaharap sila ngayon habang ang braso nito ay naka-yakap sa kanya.
She cant help but to stare at his Boyfriend's face, it's been years ngunit hindi siguro ata siya magsasawang titigan ang mukha nito. Ang medyo makapal nitong kilay, matangos na ilong, sakto lamang haba ng pilikmata and his jaw. She silently gives his face a caress.
"I'll miss you so much, Pa. I love you too so much..."
Naluluha niyang bulong, narinig niya ang mga sinabi ni Philip sa kanya kanina, at hindi niya naiwasang maguluhan. Naaawa siya sa Boyfriend, ngunit kilala niya ang sarili niya, hindi niya kakayaning mawalay dito ng ganoong katagal, plus the fact that mabi-busy ito lalo doon at baka makulangan sila sa oras para sa isa't-isa, worst- mawalan sila ng oras para sa isa't-isa.
"... but I cant stay in a Relationship with you while you're away"
At sa pagbitaw niya ng mga katagang iyon ay siyang bagsak ng kanyang luha.
-
"K?"
Naalimpungatang sambit agad ni Phil ng magising siyang mag-isa na lamang sa kama. He roam his eyes ngunit wala siyang nakitang bakas ng kanyang Girlfriend, kaya kahit pupungas-pungas pa, ay agaran siyang lumabas from Karylle's room.
"Ma"
Bungad niya when he saw her at the Sofa, watching some K-Drama. He calls her Ma, short for Mahal daw at para bagay sa tawag sa kanya ni Karylle na Pa.
"Kumain ka na dyan, nauna na 'ko. Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising"
Napa-ngiti naman siya sa narinig kahit pa hindi manlang siya tinapunan ng tingin ni Karylle. He slowly approach her and held her hand.
"Alam mo namang nagpapa-istorbo ako pagdating sayo diba?"
Malambing niyang tugon kasabay ng paghalik niya sa kamay ng dalaga. Na naging dahilan upang tignan siya nito.
"Kumain ka na. May pag-uusapan rin tayo mamaya"
Kung kagabi ay si Karylle ang natorete ang utak dahil sa linyahang iyon, this time ay si Philip naman ang nakaramdam.
"Tungkol saan?"
Kinakabahan niyang tanong.
"Kumain ka na muna Phil, sige na. It's already late for breakfast"
Monotone na sagot lamang ni Karylle kaya't napatitig nalang naman siya sa nobya.
"Sige. I love you"
Tanging nasabi niya at tumungo na sa Dining Area.
-
"K?"
Paghahanap ni Philip sa Girlfriend matapos niyang kumain at maghugas ng pinagkainan nila. He roam his eyes hanggang sa natanaw niya ang pigura ni Karylle sa may Veranda.
"Ma"
Bungad niya dito sabay yakap mula sa likuran ng Girlfriend.
"Tapos ka na?"
Tila kalmado lamang na tanong ni Karylle sa kanya.
"Yes. Kaya pwede na tayong mag-usap. Ano ba yung sasabihin mo?"
Pilit naman tinatago ni Philip ang kabang nararamdaman.
Malay mo naman Good News, pa-Intense lang
"I just want to congratulate you that you had pick for that Project. Like what you've said, alam kong it is one of your Dream, kaya sino ba naman ako para pigilan kang abutin yun diba?"
Taimtim lang naman siyang nakikinig habang humihigpit ang pagkaka-yakap niya sa dalaga.
"Dont worry, bukal na sa loob kong umalis ka for that film"
Napa-ngiti naman siya ng malaki kasabay ng pag-pihit niya sa katawan ni Karylle to face him.
"Talaga?"
Nagniningning ang mga mata niya when he asked her.
"Yes. But Im sorry 'cause im not that tough to stick with you"
Nawala naman ang ngiti at ningning ng mga mata niya at napalitan ng pangaba't pagtataka.
"What do you mean, K?"
"You leave, We End"
AN
PAANO?
• Tutuloy pa kaya si Philip kung ganyan ang kapalit?

YOU ARE READING
Everything About You
General Fiction🎶 Cause everything about you, is what I love about you No matter what they say, my heart will always stay Cause everything about you, is what I love about you And the little things you do, they make things new It's everything about you 🎶 • Ins...