Her Reason Why

381 8 3
                                    

(Nika's P.O.V)

Andito ako ngayon sa lugar na sa tingin ko ay ang pinakatahimik na lugar sa buong school. Ang Green Area. Isa itong malaking garden sa school namay maraming puno. Sa tuwing gusto kong mapag-isa, dito ako pumupunta.

Ngayon, naisipan kong hindi pumasok at dito nalang pumunta. Ewan ko, feel ko lang mapag-isa ngayon.

Naalala ko si mama at siya.

Isang taon narin simula nung naaksidente siya.

Ang sakit.

*FLASHBACK*

"Hindi ko na to kaya! Bakit siya pa? Bakit hindi nalang ako? bakit...." Halos mabaliw si mama ng nalaman namin ang pagkawala ng kakambal ko. Parang gumuho mundo ko ng sabihin ng doktor na hindi na nakayanan ng katawan niya.

Wala na siya... wala na si Mia... Ang sakit...

Hindi ko alam kong ano ang dapat kong gawin. Kung iiyak ba ako, sisigaw o hindi nalang kikibo.

Ang tanging nagawa ko ay tumakbo kahit hindi ko alam kong saan ako pupunta.

Ang tanging alam ko lang, andito ako ngayon sa isang parke. Nag-iisa. Wala sa katinuan...

Bakit?...

Apat na oras nakong andito.. hindi pako kumakain kaya alam kong ang putla-putla ko na.

“Eto oh!” Nagulat ako nang may nag-abot ng panyo sakin at pagtingin ko, may nakatayo ng isang lalake, siguro ay kaedad ko lang to... Hindi ko kasi maaninag ng maayos kasi hindi ko suot yung salamin ko.

“Sa..salamat” Tinanggap ko naman.

“Ba’t ka andito? I mean.. ba’t mag-isa ka lang? Wala ka bang kasama?” tanong niya.

“Wala.” ang tanging nasagot ko.

“May problema ba?” tanong niya ulet.

“Pano kung malaman mong mamatay ka na?” tanong ko sa kanya. Siguro ay kailangan ko rin ng makakausap.

Hindi siya sumagot..nakinig lang.

“Pano kung ayaw mo pa kasi marami pang mga mahal sa buhay ang gusto mong makasama?” dagdag ko.

“Pano kung eto talaga ang plano ng Diyos? Magagalit ka ba? Sisishin mo sarili mo? Magwawala kasi sa dinami-dami ng tao, ikaw pa yung napili ng Diyos para mabuhay ng maliit na panahon?”

Nakikinig lang siya.

“Sabi pa ni Christopher Pike “Death never comes at the right time, despite what mortals believe. Death always comes like a thief.” Sa pelikulang “The Last Vampire”

“Ba’t kailangang may mawala  pa?” Umiiyak na talaga ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at nakaramdam ng kakaiba.

“Kung ano man yang problema mo, may plano ang Diyos para sayo. Magtiwala ka lang” napangiti ako sa sinabi niya.

Hindi ko napigilan at napayakap ako sa kanya.

"Anak, ikaw bayan?" Napalingon ako sa taong nagsalita.

"Pa?" ako

"Anak, kanina ka pa namin hinahanap. Umuwi na tayo." si papa

"Sige po. Pasensiya na." ako

Dali sa puno nang maraming iniisip ang utak ko, nakalimutan kong magpaalam sa taong nagbigay nung panyo sakin.

-----

Apat na araw na ang dumaan at puno parin ng pagdudusa ang aming tahanan. Si mama, hindi na kumakain. Hindi na rin siya nagsasalita. Dulot siguro ng matinding sakit na nararamdaman niya.

Si Mia, ang kakambal ko, ay may sakit na Leukimia. Matagal na niyang tinitiis ang sakit na yun. Ako, bilang kapatid at kakambal niya, ay walang magawa kundi ang umalalay at sumuporta sa kanya.

Lagi kong pinapadama sa kanya kung gaano siya kaimportante sa akin, sa amin.

Pero nung dumating na yung araw na kinatatakutan namin...Yung mawawala na siya, halos lahat ng pangarap naming dalawa ay nawasak.

Pero, habang tumatagal, naiisip kong mas mabuti na siguro yung nangyari. Nang mamahinga naman siya. Alam kong kasama na niya si God ngayon at alam kong masaya na siya.

Pero ang inaalala namin ngayon ni papa ay ang kalagayan ni mama. Halos mabaliw siya sa kaiisip. Hindi niya kayang tanggapin ang lahat ng nangyari.

Pero isang araw napag-alaman nalang namin na naaksidente si mama. Hindi namalayan ni papa na ginamit ni mama ang kutse kahit wala siya katinuan.

Namatay si mama sa aksidenteng yun. Sunod-sunod na dagok sa buhay ang nangyari. Halos hindi kaya tanggapin ng katawan at isipan ko ang lahat-lahat.

Pinarurusahan ba talaga kami? Ba't kailangang mangyari ang lahat ng ito? Bakit kami pa?

 

Dahil sa gusto naming makalimot, lumipat kami ng bahay ni papa.

*END OF FLASHBACK*

Naluha ako habang iniisip ang mga pangyayaring yun...

Ang sakit...

"Nika? Ikaw bayan? Okay ka lang?"

Napalingon ako sa taong tumatawag sakin.. At nakita ko ang pagmumukha ni Sy na halata mong alalang-alala.

---------------

Yey! Like this chapter? Ahaha. Next time malalaman na naman natin kung bakit siya naging MAN HATER pero isa siyang PAPA'S GIRL.

Sorry for the typos, grammars, spellings etc. This chapter is not yet proof-read, okay?

Also!
Sa mga ingleshero't ingleshera jan, try to read my newest story, "The One".

Tungkol ito sa isang babaeng akala ay sa fairytale lang makikita ang lahat ng nangyayari sa buhay niya. Pero hindi pala madali ang fairytale na ito.

God bless!

VOTE

COMMENT

BE A FAN

~TheUltimateMika

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyfriend is a VampirefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon