Ang iyong mga mata ay kasing ganda ng mga tala
Ang kislap ng iyong mga mata ay kasing liwanag ng mga bituin pag ika'y tumingalaBigla tuloy akong napapaisip
Kailan kaya magkakatotoo ang aking mga panaginip?Yung mga panaginip na tayo'y magkasama
Magkahawak ang kamay habang tumatawaKaso pano magkakatotoo ang lahat ng to?
Kung kaibigan lang ang turing mo sa isang katulad koNakakatawa lang isipin
Sa kakaisip ko sayo, minsan nga di na ako kumakainTuwing gabi nasasabik akong makita ka
Kahit ba sa panaginip lang tayo nagkakasama, kahit ba sa panaginip lang nagkakaroon ng tayong dalawaMinsan nagpapakita ka saakin ng mga motibo
Di ko tuloy maiwasang umasa at hindi makakibo ng todoNagpatuloy tayong ganito
Di ko alam kung may gusto kana ba saakin o pinapaasa mo lang akoHanggang isang araw parang sinuntok ako bigla ng katotohanan
Na walang magiging tayo at hindi mo ako magugustuhanKasi bigla ka nalang may pinakilala saaking iba
"Mark, nobyo ko nga pala" nginitian nalang kita, hindi ko kasi alam kung paano ako magsasalitaAh, oo nga pala wala nga palang tayo
Siguro nga umasa lang akong masyadoSa kabila ng lahat ng ito may isa akong natutunan
Wag aasa kung ang turing sayo ay hanggang kaibigan lamang.
BINABASA MO ANG
Tulang Tagalog
PoetryTulang para sa kaninong may gusto, sinulat ng may likha para mabasa ng publiko at mamamayang pilipino