Andyan ka na naman sa umaga
Pag dating ng gabi mawawala ka
Pinaglalaruan mo ba ako?
Pinapaasa mo ba ako sa mga ginagawa mong liriko?Andyan ka na naman, kumukuha ng aking mga litrato
Pero bakit ako ang kinukuhanan mo? Diba nga may iba kang gusto?
Diba nga may ibang nilalaman ang puso mo?Isang araw tinanong kita
Mukhang sa tanong ko ikaw ay nabahala
"Ano bang trip mo?"
"Pinagtritripan mo ba ako?"Biglang parang gumuho ang mundo ko sa sinabi mo,
"Ay nahahalata mo pala?" Sabay tumawa ka
Bakit ganyan ka?
Bakit pinaasa mo na nga ako nakukuha mo pang tumawaPaasa ka,
Isang malaking paasa
Paalam na sa
Pag kakaibigan nating dalawa
BINABASA MO ANG
Tulang Tagalog
PoetryTulang para sa kaninong may gusto, sinulat ng may likha para mabasa ng publiko at mamamayang pilipino