Hanggang kaibigan lamang

12 0 0
                                    

Ang iyong mga mata ay kasing ganda ng mga tala
Ang kislap ng iyong mga mata ay kasing liwanag ng mga bituin pag ika'y tumingala

Bigla tuloy akong napapaisip
Kailan kaya magkakatotoo ang aking mga panaginip?

Yung mga panaginip na tayo'y magkasama
Magkahawak ang kamay habang tumatawa

Kaso pano magkakatotoo ang lahat ng to?
Kung kaibigan lang ang turing mo sa isang katulad ko

Nakakatawa lang isipin
Sa kakaisip ko sayo, minsan nga di na ako kumakain

Tuwing gabi nasasabik akong makita ka
Kahit ba sa panaginip lang tayo nagkakasama, kahit ba sa panaginip lang nagkakaroon ng tayong dalawa

Minsan nagpapakita ka saakin ng mga motibo
Di ko tuloy maiwasang umasa at hindi makakibo ng todo

Nagpatuloy tayong ganito
Di ko alam kung may gusto kana ba saakin o pinapaasa mo lang ako

Hanggang isang araw parang sinuntok ako bigla ng katotohanan
Na walang magiging tayo at hindi mo ako magugustuhan

Kasi bigla ka nalang may pinakilala saaking iba
"Mark, nobyo ko nga pala" nginitian nalang kita, hindi ko kasi alam kung paano ako magsasalita

Ah, oo nga pala wala nga palang tayo
Siguro nga umasa lang akong masyado

Sa kabila ng lahat ng ito may isa akong natutunan
Wag aasa kung ang turing sayo ay hanggang kaibigan lamang.





Tulang TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon