FRANCELI
Maraming nangyari ngayong araw. Napapabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad pauwi. Pinipigilan ko lang talaga na huwag maiyak dahil nasa labas pa ako. Pero kanina pa nag-iinit ang mga mata ko.
Tanggap ko na ang lahat. Wala naman talaga akong pag-asa sa lalaking yun. Ako lang naman itong umasa. Ako lang naman itong nag-assume na baka pwede. Ako lang naman itong umasa na baka sakaling ibalik niya rin sa akin ang matagal ko ng nararamdaman para sa kanya.
Tulala ako habang naglalakad pauwi, at muntik pa nga akong masagi ng dumaan na tricycle kung di ko lang kaagad narinig ang malakas na busina nito. May nadaanan akong trash can sa gilid ng kalsada at napahinto ako sa tapat nito. Kinuha ko mula sa bag ko ang mga bagay na kanina lang ay excited akong ibigay sa kanya. Ayoko man sanang gawin, pero itinapon ko na roon 'yung bouquet ng bulaklak. Pati na rin 'yung box ng chocolate na di ko pa nabubuksan. Ang laki ng gastos ko sa mga 'to at tinipid ko pa ang allowance ko para lang makabili ako ng mga ito ngunit ngayon ay itatapon ko na sila.
I'm done.
I'm so done.
Naglakad na ako palayo pagkatapos kong madispatsa ang mga yun pero kaagad din akong napahinto at napalingon doon sa trash can. Ah, wait. Nakakainis ako, alam ko, pero binalikan ko ulit 'yung pesteng basurahan. Kinuha ko ulit 'yung box ng chocolate. Sayang din naman kasi. Ako na lang pala ang kakain. Sayang ang pera ko no. Parang ang pagmamahal ko sa kanya, sayang. Ang mahal pa naman neto! Kailangan makain ko 'to. Kailangan ma-absorb ko ang tamis ng chocolate sa katawan ko para mawala ang bitterness at sakit na nararamdaman ko ngayon.
Naiiyak ako na naman ako habang naaalala ko ang mga kaganapan kanina. Ganito pala 'yung feeling ng nabasted.
Ang sakit.
Ang sakit-sakit.
Babae ako, pero ako ang nanliligaw kay Reuben. Ako ang naghahabol, ako ang sumusuyo. Cheap pa ako? Hindi ganoon ang tingin ko sa sarili ko dahil naniniwala ako na kung mahal mo ang isang tao, walang mangyayari kung ibuburo mo lang ang feelings mo sa loob mo. I am a woman of action. Chos. Kaya naman wala ng hiya-hiya. Ako ang naunang magpakita ng motibo kay Reuben.
Ilang linggo ko rin siyang hinahabo. Sinusuyo. Binibigyan ng mga pagkain. Ilang beses ko rin siyang niyayang lumabas. Nagpatulong pa ako sa best friend ko noong birthday niya at naghanda ako sa kanya ng isang song and dance number sa school grounds habang papasok siya sa school. Kaninang umaga naman, may pa-banner ako sa school dahil isa siya sa mga Dean's Lister ng school at binati ko siya sa harap ng school sa pamamagitan ng isang sayaw at bulaklak at chocolates. Inulit ko rin sa kanya ang confession ko... pero nangyari na ang pinakakinatatakutan ko.
Binasted na niya ako.
Hindi ko masasabing nagulat pa ako dun. Expected ko na rin naman yun, since kahit isang beses ay hindi naman siya nagpakita ng interes sa akin. Sa dami ba naman ng nagkakagusto dun. I'm sure hindi ganun ang tingin niya sa akin. Baka nga nuisance ang tingin niya sa akin eh. Sa mga tingin niya pa lang sa bawat ginagawa ko para sa kanya, alam kong wala talaga akong pag-asa. Pero masakit pa rin, grabe. Harap-harapan ba naman sa mga friends niya, nang sinabi niya sa'kin ang malutong na 'I dont like you.'
Ang lutong nun. Ang anghang. Ang shaket.
Bukod sa sakit, napapahiya na rin ako sa mga tai at tumakbo na ako palabas ng school at nag-iiyak sa kalsada. There goes my first love. Chos. Kung di pa nga ako tinawagan ng best friend ko ay baka nagpasaga na ako sa jeep dahil oo, ganun ako ka-OA.
BINABASA MO ANG
Star Boy
FantasyStar-crossed lovers. Yun sina Franceli at Luthan. Franceli was that nobody obssesed with the school heartthrob, and Luthan was a rebel star, as in a literal shooting star yearning to become human. When fate brings them together, magtutulungan sila...