Three Stars

2.1K 112 4
                                    

LUTHAN

Hindi ko alam kung saang lupalop ako dinala ng mga taong kumuha sa'kin mula sa babaeng binagsakan ko. Pero sa itsura pa lang ng lugar na ito, alam ko ng hindi ako dapat nandito.

Sa totoo lang, nagagalit ako sa babaeng pinagbagsakan ko. Alam ko kasing siya ang may kagagawan nito. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan para tuluyan na akong maging tao, hindi ko na siya gustong balikan pa. Ni hindi nga siya naniniwalang isa akong bituin na galing sa langit.

Mabuti pa ang mga taong nakaputi sa lugar na ito. Lahat nang sabihin ko pinaniniwalaan nila. Pinapasok nila ako sa isang silid kung saan sa tingin ko ay susuriin nila ako. Kung para saan ang pagsusuring ito, hindi ko alam. Pero hindi na ako nagtaka. Hindi ba't ganun naman ang mga tao? Parating may sinusuri?

"Aba, ang gwapo naman ng bagong pasyente natin..." dinig kong saad ng babaeng nakaputi sa likod ng isang mesa sa katabi niyang nakaputi rin na isang lalaki.

Tumawa ang lalaki. "Ay, siya nga Daniella! Bet ko ang fess! Sayang naman iteng si fafabells, don't worry ako ang magiging hands on sa kanya para kaagad siyang gumaling!"

Nakapagtataka 'yung lalaki. Kung kumilos siya ay parang babae.  "Sayang talaga siya Dean," bumuntong-hininga iyong babae habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. "Parang ikaw lang. Matanong ko na nga siya at baka may kapatid pa 'to."

"Asaness, Daniella, papatol ka kahit sa may chance na nasa genes nila---?" tumikhim na ako kaya't naputol na ang usapan ng dalawa. Ayoko kasing magtagal dito. Kailangan kong balikan ang babaeng yun.

Napatitig ako sa kanila upang masindak sana sila ngunit ako pa ang nabigla. Kinabahan ako bigla kasi parang nakita ko sa kanyang mata 'yung marka...

"Kesa naman sa pumatol ako sa isa diyan," bubulong-bulong na sagot naman ng babae sa kasama niya bago ako tanungin. "Ano pala ang pangalan mo?" tanong niya na rin sa akin. Sa wakas. Hindi ko na lang pinansin 'yung lalaki na kumikindat sa akin sa di ko maipaliwanag na dahilan.

"LUTHAN."

"Ay, ang gandang pangalan," komento nung lalaki. "Kakaiba, pero striking. Ano ba yan pangalan pa lang parang gusto ko nang mag-extra rice." Tapos kumindat na naman siya sa akin. Naiilang na tuloy  ako.

"Eh apelyido?" tanong ulit sa'kin ng babae.

"Wala." Sinabi ko na lang yun kasi hindi ko naman alam kung ano ang 'apelyido.'

"Aah..." tumango-tango lang 'yung babae tapos may isinulat siya sa papel na nasa mesa. "Eh saan ka naman nakatira?"

"Sa kalawakan."

Natigilan 'yung babae sa pagsusulat niya at pinagmasdan ulit ako. "At bakit ka naman dun nakatira sa kalawakan? Astronaut ka ba?"

"Dahil isa akong bituin." Ayoko sanang sabihin ang totoo kasi baka tulad din siya ng babaeng binagsakan ko. Pero wala pala akong ibang alam na lugar na maaaring isagot.

"Ah...so you are a star!" sabi ng lalaki na napapalakpak pa. "Saang station ka ba belong, baby? Kapuso o Kapamilya?"

Napakunot naman ako ng noo dahil wala akong maintindihan. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Ay wala na Daniella, hindi siya local celebrity. Cable channels yata ang pinanonood ni fafabells."

"Baka Kapatid siya."

"Wala akong kapatid," sagot ko sa hinuha nila at naasar na naman ako dahil natawa iyong babae sa sinabi ko.
Nagsisimula na akong mainis dahil gusto ko na talagang umalis sa lugar na ito.

"Mawalang galang na," pagputol ko sa kanilang pag-uusap kasi naiinip na talaga ako. "Pwede na ba akong umalis?"

"Anong 'aalis' ka na? Dito ka na sa Mental Hospital titira, fafabells. Ang sabi ng baranggay ay sila na ang magbabayad sa gastos mo rito. Naawa kasi sila sa 'yo. Don't worry, aalagaan naman kita." Kinindatan ulit ako nung lalaki at nanindig ang mga balahibo ko sa katawan.

Star BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon