Two Stars

2.5K 127 8
                                    

FRANCELI

Kapag ganito ang mga eksena na nangyayari sa‘kin, iyong tipong di kapani-paniwala, nag-i-slow motion ang utak ko. Parang tumitigil din ang oras ko. Naninigas ang katawan ko. At higit sa lahat, nagkakaroon ako ng impulsive moments.

In short, aatakehin na ako ng Franceli‘s Syndrome ko.

Si Steph ang nagbinyag ng ‘sakit‘ ko na 'to. Kadalasan kasi, nangyayari 'to 'pag tinitingnan, pinapansin, o kinakausap ako ni Reuben mylabs. 'Mylabs' ang tawag ko sa kanya dahil yun ang tawag niya sa crush niyang celebrity. Kaya nakikitawag na rin lang ako. Siyempre, ikaw ba naman ang tingnan, pansinin, o kausapin ng taong pinakamamahal mo, hindi ka rin ba atakehin ng kung anu-anong syndrome?

Siyempre oo di ba?

At ang mga sintomas ng Franceli‘s Syndrome ko ay:

Una, lumalaki ang mga mata ko sa gulat na parang sa kwago.

Ikalawa, parang batong maninigas ang buong katawan ko at hindi ako makakagalaw ng ilang minuto. Kumbaga sa Harry Potter, para akong na-petrify.

At para makumpleto ang rekado sa aking espesyal na syndrome, siyempre mawawala ang boses ko at 'yung bibig ko ay nakanganga sa gulat.

Ganun siya kalala. Minsan nga iniisip ko na itong 'syndrome' ko ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ni Reuben. Baka super turn off sa kanya anng itsura ko everytime na mangyayari yun.

Minus ganda points na yun agad, di ba? Chos.

Minsan kahit ako naloloka na rin sa sarili ko. Naiisip ko tuloy na ang pangit-pangit ko. Pero hindi naman sa pangit  talaga ako. Kagandahan din naman ako sabi ng Mommy ko. Chos. Pero totoo, hindi naman ako unattractive.

Hindi nga lang ako mahilig mag-ayos tapos boyish pa kung manuot. Tapos di rin ako masyadong friendly. Si Steph nga lang ang ka-close ko eh. Wala ng iba. Tapos kung ang ibang dalaga ay hilig ang malling, shopping, at mga kikay stuff, ako naman ay mahilig sa mga mountain hiking, swimming, mga extreme sports, 'yung mga ganun. Bonding kasi namin ng Kuya ko yun eh. Tapos nakahiligan ko na rin.

Kaya tawag nga sa'kin ni Steph minsan ay tomboy. Tapos one of the boys. Minsan sabi ng mga classmates ko kalog din daw ako at kulang na lang ay maggitara din ako at kumunta ng Pagdating Ng Panahon. Kaloka nga eh. Gumawa na lang sila ng joke about sa pagiging tomboy, dun pa kay Aiza. Ba't di kaya nila i-try si Charice para mas bata di ba?

Pero okay lang naman sa'kin yun. Tanggap ko naman yun. In fact siguro pinanindigan ko na. Kaya wala talagang lalaki ang papansin at magkakagusto sa'kin.

Kay Reuben lang naman ako tumiklop eh. Akalain niyo 'yung sa pagiging boyish at socially awkward ko eh nagpa-cute ako at niligawan ko pa siya? Gawain ba yun nang normal na babae?

Ganun ang epekto ni Reuben sa'kin. Nakakapagpabago ng mga pananaw sa buhay. Chos!

PERO BALIK TAYO SA TUNAY NA DAHILAN KUNG BAKIT KO KINUWENTO IYONG TUNGKOL SA SYNDROME KO.

Kasalukuyan kasing nangyayari ngayon sa akin ang mga sintomas  na may Franceli's Syndrome ako ngayon.

Eh paano ba naman kasi, 'yung shooting star... 'yung shooting star...

YUNG SHOOTING STAR NA PINAGHILINGAN KO KANINA...

Bigla na lang bumagsak sa akin!

OO, AS IN LITERAL NA SA AKIN BUMAGSAK!

Noong nasa ere pa siya akala ko ay sa bahay ko siya babagsak tapos mawawasak ang bahay namin na pinundar ng mga magulang ko sa pagiging OFW sa Canada tapos matitigok din ako dahil sa impact nang pag-crash landing nito tapos magiging national headline ako kaagad sa tv at makikilala na lang ako bigla ng buong Pilipinas bilang ang babaeng binagsakan ng isang bulalakaw pero bakit nang bumagsak ito ay unti-unti itong nag-anyong tao hanggang sa bumagsak nga ito mismo sa akin?

Star BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon