Isang patak. Pumapatak ang ulan hanggang sa ito'y lumakas. Pati ang hangin sumasabay sa pagbugso nito.
Nasa isang puno ako at tinatanaw ang dagat na malakas ang hampas ng nga alon. Tumingin ako sa langit. Ito ay makulimlim, nakakubli ang araw sa mga ulap. May nakikita akong mga tao. Isang babae at lalaki pero hindi sila ganun kalinaw. Tumatakbo sila at nagtatawanan. Hinahabol ng babae ang lalaki. Hindi alintana kung basa na sila ng tubig ulan at nilalamig na sa ihip ng hangin. Wala silang pakialam na para bang nakakulong lang sila sa sarili nilang mundo. Masaya at puno ng buhay pero sa isang iglap nakita ko ang babaeng humahagulgol ng iyak.Panaginip.
Nandito nanaman ako sa panaginip na ito. Bakit kaya paulit-ulit na ibinabalik ako ng aking panaginip sa eksena na ito?
Sumisikip din ang dibdib ko kada magigising ako.
Anong misteryo ang nasa likod ng panaginip na 'to o masyado ko lang nilalagyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay?
Haayy naku, maloloka na ako.
BINABASA MO ANG
Dream Of Me, Ady
Teen FictionA story of a girl who keeps on dreaming and wandering in her dream. She's not alone. No She's not. -dream2x