Chapter 2

2 0 0
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata ang una kong nakita ay si Hans na nakalumbaba habang papikit-pikit.

Ang cute niya.

Para siyang baby ang kinis ng mukha. Sarap panggigilan. Tapos yung mga labi niya ang pula parang strawberry.  Ang haba pala ng pilik mata niya at amoy fresh sa sobrang bango, hindi masakit sa ilong. Bagay sa kanya ang buhok niyang blonde nagkocompliment sa kulay ng balat niya.

Haayyy sana kung tao lang itong si Hans edi sana may iniistalk ako sa school.

"Pwede mo naman akong istalk dito sa panaginip mo. Libre silay ka pa." Sa sobrang lawak ng ngiti niya habang sinasabi ang mga katagang yan, mukha na siyang timang.

"Para kang timang, may pataas-taas ka pa ng kilay akala mo ang pogi mo, hindi no!" sabay irap ko sakanya.

Ang yabang ng maligno na 'to porket gwapo at mabango.

"Hoy! Hindi ako maligno ha? grabe ka sa gwapo kong 'to? Ikaw ady ah, sungit-sungitan mode ka pa. Alam ko na mga ganyang galawan." Nakangising sabi niya.

Bakit palapit ng palapit 'to sa akin? Nagbebend backward na tuloy ako. Parehas pa naman kaming nakaindian seat.

"H-hoy! Ikaw baluga ka! Bakit ka ba lapit ng lapit? Kinatangkad mo yan?"
Nakakainis 'tong lalaking 'to.

"Whoah, nagsalita ang 4 flat." Natatawang sabi niya.

Napatayo tuloy ako. Pigilan niyo ako, sobrang nanggigigil na ako baka ano pa magawa ko dyan.

"Hoy, for your information 5'1 ang height ko. Matangkad na ako sa lagay na yan. See mas matangkad na ako kaysa sa'yo." Hindi ko namalayan nakahawak na pala ako sa dalawang baywang ko.

Feeling kontrabida naman ako ngayon sa teleserye. Nauubos pasensya ko sa kanya samantalang ang bait-bait ko sa real world.

"Of course, you're taller than me because I'm sitting. Let me stand."
Tumayo nga siya at halos  mapanganga ako dahil sa tangkad niya. Hindi lang yun sobrang lapit niya pa kaya langhap na langhap ko ang amoy niya. Napapapikit tuloy ako.

"What do you think liit? I'm taller right?" sabay kindat sa akin.

Napaayos tuloy ako ng tayo baka makahalata.

"K. Kaw na, Kapre." 

Epal.

***

"Ano na ang gagawin natin dito?"
Tanong ko kay Hans na nahiga sa sahig.

Ewan ko ba kung bakit maliwanag eh dilim lang naman ang nakikita ko, kulay itim.

"Ikaw ano ba ang gusto mong gawin?"
balik tanong niya sa akin.

"Gusto kong makakita ng snow." Feeling ko nagsparkle ang mata ko pagkasabi ko nun.

Minsan sumasagi sa isip ko
Ano kaya ang pakiramdam ng napapalibutan ng snow? Matutunaw kaya agad ang snow kapag nahawakan ko na? Anong pakiramdam ng niyebe sa kamay ko?

"Your wish is my command. You have to pay me back after all of these." He said that with a smile.

"Okay! I'm excited!" Todo ngiting sabi ko.

"Close your eyes and let the magic begins." After he said that. I closed my eyes for few minutes bago siya nagsalita.

"Open your eyes, my beautiful ady." Malamyos na sabi ni Hans.

Nang minulat ko ang aking mga mata
ang una kong nakita ang mga nyebeng nagpapatakan mula sa kalangitan. Ang galing! Nakakamangha! Napatingin ako sa paligid ko at nakikita ko ang mga puno na nababalot ng snow pati ang  sahig tinatapakan ko ay balot na balot ng mga niyebe.

Napatingin ako kay Hans at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.

Totoo ba talaga ito?

Tumango lang siya sa akin habang masayang nakangiti.

"Aww Thank you! Thank you! Thank you!" Hindi ko na napigilan pa ang excitement ko at nayakap ko siya ng napakahigpit. Niyakap niya din ako pabalik at pumikit ako.

Pangarap ko lang ito dati pero ngayon totoo na siya.

Totoong-totoo.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi maluha sa sobrang kaligayahan hanggang sa humagulgol na ako.

"Hans salamat ng maraming-marami. Kung pwede ko lang sanang isama sila mama at papa para makita din nila ito pero okay lang kahit hindi. Kasama naman kita." Ngitnitian ko siya pagkatapos. Nakakatuwa kasi at least hindi ako nag-iisa, kasama ko si Hans.

Kinalas ko na din ang pagkakayakap sa kanya medyo awkward na eh. Pinagpapadyak ko ang aking mga paa at nagtatatalon. Gumawa ako ng snowballs at binato ko siya. Hindi niya yun inaasahan kaya binato nya din ako. Hindi ko mapigilang matawa ng tumama sa mukha niya ang snowball, kamukha niya na si olaf. Dahil naasar na din si Hans, hinabol niya ako kaya tinakbuhan ko siya. Nagbabatuhan pa din kami ng snow balls habang paikot-ikot kami. Gumawa din kami ng snow man, nagpagandahan kami siyempre mas maganda sakanya. Madaya siya eh, may powers siya. Tapos gumawa din kami ng angel wings, yung nakahiga ka tapos itataas-baba mo mga kamay at paa mo. Astig! ang tagal ko ng gustong gawin yun. Childhood dream ko.

Nang mapagod ako ay umupo ako at tumingala sa langit. Nagpapatakan pa din ang mga niyebe, ramdam na ramdam ko sa aking mukha ang lamig nito.

Ramdam ko ang pagtitig ni Hans sa akin. Kaya lumingon na ako at tinignan siya. Nakaupo na din pala siya at parang may natunaw sa loob ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Para itong masaya at kontento habang nakikita akong ganito.

"Masaya ka ba?" Tanong ni Hans.

"Oo naman, sobrang saya ko. Salamat." Buong pusong sabi ko.

"Akin na yang kamay mo." utos ni Hans sa akin.

"Bakit anong gagawin mo?" May kalokohan nanaman kaya ito naiisip?

"Eiyy, basta akin na yang kamay mo. Dami pang tanong eh, panira ka ng moment." Tila naiinis na sabi nito.

"Peksman? Walang ungguyan ah?" parang batang sumamo ko.

"Oo, wala. Ito naman, akin na nga yan." Hinablot na lang niya bigla ang kamay ko ng hindi nagpapaalam. Nainis na nga yata.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak niya ang dalawang kamay ko. Pinagpatong niya ito at ibinalot ang mga kamay niya sa ilalim nito.

Ang lambot ng kamay niya. Ang komportable sa pakiramdam ng init na nagmumula dito.

Nagkatinginan kami. Sabay naming hinintay na may dumapong mga niyebe sa kamay ko. May iba akong nararamdaman habang magkalapat ang aming mga kamay at nakatingin sa isa't isa. Para bang nakalahad ang lahat sa kanya. Para niyang binubuksan ang sarili para sa akin.

Nang halos mapuno na ang mga niyebe sa aking mga kamay ay  nagsalita siya.

"Ady tandaan mo, madilim man ang langit at gaano man kalungkot ang paligid. Ano man ang lamig na nararamdaman mo. Pumikit ka lang at damhin ang init ng mga palad ko. Handa akong magpaalala sa'yo na nandito ako. Hindi ka nag-iisa at hindi kita iiwan. Kasama mo ako. Maliwanag ba?"

"Oo, maliwanag."

Sana mapanindigan mo ang mga pangako mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dream Of Me, AdyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon