chapter12: wag kang epal!

2K 49 1
                                    

Alshainy POV.
Nang makaalis si Pm, hindi ko namalayan na may butil ng luha na palang lumabas sa mata ko

"please Alshainy, be strong! marami namang lalake dyan sa paligid, hindi lang sya ang lalake sa mundo, kaya pwede ba wag ka ng umiyak"
Sabi ko sa sarili ko
"hindi sya karapat dapat sayo, may Gf na yung tao, kaya wag mo ng pag aksayahan ng luha ang lalakeng yun, at hindi sya healthy para sayo dahil napaka suplado nya, kaya please luha tumigil kana, Pagod na talaga ako sa kakaiyak"
imbes na tumigil na sa paglabas ng luha ko, mas lalo pa itong lumakas

Tumakbo na ako papuntang restroom at wala akong pake kung may mabangga man ako at mas lalong wala akong pake kung anong sasabihin nila

Pagkapasok ko sa loob ng restroom nilock ko agad ito, at dun na ako napahugulgol ng malakas.
Hindi ko pa nga sya Bf, pero bakit ganito na yung sakit na nararamdaman ko😭😭😭

may naririnig akong katok galing sa labas, pero wala akong pake, bahala sila😭😭

"bess si Gemmny ito, please lumabas kana dyan, nag aalala na ako sayo, please bess"
nagmamakaawang sabi nito

After 2 minutes na pag iyak, napag disisyunan ko ng lumabas.
Pagka open ko palang ng pinto sinalubong agad ako ng yakap ni Gemmny

"bess, ano bang nagyari sayo? sinaktan ka ba nila? inaway kaba nila? sinabunutan kaba nila? sino ang mga yun? sasapakin ko talaga sila, kahit na sino pa sila"
nag aalalang ika nito

Gusto nyang matawa kay Gemmny, ang OA talaga:)

"ok lang ako bess, at walang sinong nanakit sa akin"
sabi ko rito, para maalis ang pag alala nito

"anong wala! tingnan mo nga, umiiyak ka..tapos ngayon sasabihin mo sa akin na walang sinong nanakit sayo! ikaw kaya ang upakan ko para tumino ka"
naiinis na sambit nito

"ok lang talaga ako bess, promise"
sabay taas ko ng kanang kamay ko, Tapos bumaling ako sa paligid at nagsalita
"magsilayas nga kayo dito, walang concert dito, dun kayo mag punta sa mall of asya, sigurado akong may concert na nagaganap dun"
pagpapalayas ko sa mga to

"ang taray naman nito"
ika ni Girl1

"pero infairness cool siyang tingnan"
sabi naman ni Girl2 na kasama ni Girl1

"halina na nga kayo"
hila ni Girl3 kila Girl1 and 2

Nag makaalis ang mga to, nagsimula ulit na magsalita si Gemmny

"mind telling me, kung ano ang dahilan kung bakit ka umiiyak?"
seryosong sabi nito

"find ikwekwento ko sayo, pero after ko yun sabihin, umuwi na tayo ha? tinatamad na kasi akong  pumasok para sa next subject"

"ok, uuwi tayo afterward"

So ikwenento ko nga dito ang dahilan kung ano ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

"tama lang na tinarayan mo sya, para hindi na sya magtangkang lumapit pa sayo at pwede ba bess wag mong aksayahin ang luha mo sa taong yun"
Pag sasang ayon nito sa akin pagkatapos kong sabihin dito yung nagyari

"bakit ka galit dun?, pinsan mo kaya yun"
nagtatakang tanong ko rito

"simula ng saktan nya ang feelings mo, parang hindi na pinsan ang turing ko sa kanya"
walang ganang sabi nito

"hey, wag kang ganyan, pinsan mo parin yun"

"sana hindi na lang sya bumalik dito bess, hindi mo sana sya nakilala at hindi ka sana nasasaktan ngayon"
malungkot nitong sabi

"ok lang yun, at wag mo akong pansinin, dahil makakalimutan ko rin sya"
ngiting pilit na sabi ko

"masaya na sana ako, dahil may napupusuan ka ng lalake after a long long year na pagiging manhid mo, pero sa kasawiang palad may Gf na pala ang mokong na yun, yan tuloy first love mo na nga, first heartbreak mo pa, ang saklap bess"

"ok lang yun bess, tapos na yun, kaya wag kanang mag emote dyan"
natatawang sabi ko rito

"pero bess may tanong ako?"

"ano yun?"

"pano pala pag nagbreak na Silang dalawa ng pinsan ko at pagkaraay ligawan ka ng pinsan ko, sasagutin mo ba sya o hindi"

"i don't know and i don't think so na maghihiwalay silang dalawa, they look..P-perfect together"
Pumiyok pa ako habang sinasabi ko yun.Gosh!

"hahaha ako ba pinagloloko mo, halatang halata na hindi yun ang gusto mong sabihin at saka hindi ako boto dun sa Gf nya, mas boto pa ako sayo, ang sama kasi ng ugali ng higad na yun"
naiinis nitong sabi

Magsasalita pa sana ako ng may sumingit sa amin at sino pa nga ba kundi ang higad na pinag uusapan namin ngayon ngayon lang.Tsk!

"nasaan ang pinsan mo!"
agad na tanong nito
Magtanong na nga lang wala pang modo, eh kung sakalin ko kaya ito para tumino😠😠

"ano ako lose and found para hanapin mo sa akin ang Bf mo,Duh!"

"ikaw lang naman ang gusto nyang kausapin kanina, kaya alam ko na alam mo kung nasaan ang bf ko!"
Diniin pa talaga nito ang salitang "bf", Duh! ang hangin nya grabe

"wag ka kasing lapit ng lapit sa kanya, tingnan mo ngayon gusto ka na nyang iwasan, wawa ka naman iniiwasan ka na nya!"
Nang iinis na sabi ni Gemmny

Hahaha gusto kong matawa sa itsura ng higad na to, parang kakain na ito ng tao sa talim ng tingin nito kay Gemmny😂😂😂

"anong tinatawa tawa mo dyan ha!"
Mataray na sabi nito sa akin

"Excuse me! hindi ikaw ang pinagtatawanan ko, kaya wag kang epal"

mas lalong tumalim ang pagkakatiting nito sa amin

"would you excuse us, may pupuntahan pa kasi kame, bye higad"
Sabi ko rito

"aba't-"

susugurin nya na sana kame, pero mabilis kaming nakalayo dito, kaya ngayon naiinis na sumigaw ito😂😂😂

"ang galing natin bess"
Natatawang sabi ko ng makalayo kami dito

"nagpupuyos na yun sa galit, dahil sa ginawa natin"
Sapo ni Gemmny ang tiyan habang nagsasalita

"tara na, uwi na tayo"
hila ko dito palabas ng campus

#moody

Unconditionally Inlove [Completed]Where stories live. Discover now