chapter23: Follow her!

1.7K 34 1
                                    

Alshainy POV.

"strawberry, date po tayo?"
Ika ni Pm habang naglalakad kami sa hallway habang magkasiklop ang kamay naming dalawa

"later na po honey, may next subject pa tayong iaattend,"
Ika ko rito
"by the way honey,yung spongebob ni ma'am Fat pwede ko na bang kunin yun sayo,ako kasi ang inutusan ni ma'am"

"actually strawberry, wala dito sa akin ang spongebob ni ma'am
Kinonchaba ko lang naman siya para lumapit ka sa akin"
nangingiting sabi nito

"wow nice,pati teacher dinamay mo pa talaga"
Natatawang sabi ko rito

"yeah,para mapalapit ka lang sakin"

hindi na lamang ako nagsalita at pinaglatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa room namin.

Nakita ko rin ang talim ng pagkakatitig sa akin ni Lynmae.
Pero syempre hindi ako magpapatalo sa kanya
Pinukol ko rin sya ng matalim na tingin. Kung bitchy sya mas bitchy ako sa kanya

"strawberry upo na po"
Pukaw sa akin ni Pm

Umupo na ako sa tabi nito
"honey ang talim talaga ng tingin sa akin ng ex mo,Bakit ka ba nagkagusto dyan? ang sama kaya ng ugali nya"
Reklamo ko rito

"kasi po dati akala ko isang mahinhing babae lang yan sya
Kasi naman po maamo yung mukha nya,para syang anghel na bumaba dito sa langit,kaya naman maraming lalaki ang humahaling sa kanya,sa angkin nyang ganda,pero sa maamong mukha nyang yun ay may nakatagong masamang ugali"
Mahabang lantinya nito

"yay! hindi nga sya mukhang anghel, mukha syang clown dahil sa kapal ng make up nya"
mataray kong sabi

"nagseselos ba ang strawberry ko?"
Nanunudyong tanong nito

"heh! ewan ko sayo"
Naiinis na turan ko dito sabay talikod ko sa kanya

"strawberry?"
Tawag nito sa akin

Pero hindi ko ito pinansin, bahala sya

"strawberry"
Tawag nito ulit sa kin
Pero hindi ko parin sya pinansin manigas sya

"strawberry sorry na,kausapin mo na po ako"
Naglalambing na niyakap nya ako mula sa likod

Kahit na sinabi ng puso ko na kausapin ko na sya, nagmatigas parin ako ayaw ko syang kausap

"strawberry pansinin mo naman ako,sorry na po strawberry,ang totoo hindi naman maganda si Lynmae at hindi din sya mukhang anghel at tama ka strawberry mukha syang clown sa kapal ng make up nya,kaya please patawad na po"
Nagmamaka awang sabi nito

gusto kong matawa sa inaasal ngayon ni Pm, sino ba naman ang hindi matatawa eh ang dating supladong Pm ay nagmamaka awa ngayon para lang patawarin ko sya. Wow! ang swerte ko naman

"strawberry so-"

pinutol ko na kung ano man ang gusto nitong sabihin
Humarap na ako dito dahil sa naaawa na ako

"sorry is accepted"
Nakangiting sabi ko rito

"hindi ka na po galit?"
Naka pout na ika nito

"opo at saka hindi naman po ako galit, nagtatampo lang naman po ako"
Nakangiti parin ako habang binibigkas ko ang katagang binitawan ko

"ikaw lang naman ang pinaka magandang babae na nakilala ko strawberry at wala ng mas hihigit pa sayo"
Nakangiti na rin ito

parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng tibok nito ng dahil lang sa binata

"nambola ba naman"
Pinalo ko ito sa balikat pero mahina lang

"hindi kita binobola strawberry,totoo ang sinasabi ko"

Unconditionally Inlove [Completed]Where stories live. Discover now