chapter10: wag kang sumingit!

1.9K 49 1
                                    

Pm POV.
Natulos ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Alshainy na nakatingin sa amin, Hindi ko alam Kung tama yung nakita ko na may sakit na gumuhit sa mga mata nito

"Babe, are you ok?"
Pukaw sa akin ni Lynmae na Gf ko. Kararating Lang nito galing sa LA at balak nitong mag Aral dito na kasama ko

"H-ha.. ah OK Lang ako babe"
Nabubulol na sagot ko rito

"Are you sure? Baka masama yung pakiramdam mo, we can go home if you want?"

"No babe OK Lang talaga ako"
Pilit na ngiting turan ko dito

"OK"
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob, pasulyap Kong tinignan si Alshainy na sana ay nakatingin ito sa amin, pero sa kasamaang palad Hindi ito nakatingin sa direksyon namin bagkus kausap nito ang pinsan ko, di bale makakatabi ko naman sya mamaya:)

Pagkaraan dumating na ang professor namin, pero bakit Hindi pa Ito bumabalik sa upuan nito,.nanatili Lang Ito sa tabi ni Gemmny

"Babe?"
Mahinang tawag sa akin nito

"Hmm"

"Kanino ko pa napapansin na panay ang tingin mo, dun sa babaeng yun"
Galit na sabi nito

"Yung pinsan ko ang tinitingnan ko, babe"
Pagsisinungaling ko dito

"Sinong pinsan mo?"
May galit ang tanong nito

"Yung naka ponytale"
Ang tinutukoy ko ay si Gemmny

"Sure ka na pinsan mo Lang yun?"
Paniniguro nito

"Oo"
Walang ganang sabi ko

Hindi na muli pa itong nagsalita

Alshainy POV.
Bakit ba naging kaklase pa namin yan sila? Nakakairita

"Bess wag mo na Lang silang pansinin"

Napansin ata nito na badtrip ang mukha ko

"At pwede ba Bess, ayusin mo Yang mukha mo, hindi na kasi maipinta, parang kakain ka ng Tao ng wala sa oras"

"Hindi kaya"
Pag dedeny

"Nag deny pa, wag ka ngang magselos dun, Hindi sya healthy para sayo"
Naiinis nitong sabi

"Oo na, wag ka ng mainis dyan"
Napakamot sa ulo na sabi ko

KRINGGGGG!!

"Tara na Bess canteen na tayo"
Hila sa akin nito patayo

"Tatayo na ako Bess, wag mo akong hilahin, Hindi naman tayo mawawalan ng table dun"
Naiinis na sabi ko rito

"Hindi naman table ang ipupunta natin dun, kundi yung cookies na ginawa ni David, ang sarap kasi ng cookies na ginawa nya"
Kinikilig na ika nito

"Bess, I smell something fishy between you and David, may dapat ba akong malaman?"
Nakataas ang kilay na sabi ko

"H-ha..e-eh..w-wala"
Sabay iwas ng tingin nito

"Sure ka?"
Nanunuksong sabi ko rito

"Oo nga"
Pasigaw na sabi nito

"Eh bakit ka sumisigaw?"
May panunuksong ngiti na sabi ko

"Basta wag m-"

"Insan, can we talk?"
Singit ni Pm sa sasabihin nito

"Anong pag uusapan natin?"
Nawala ang ngiti sa mga labi nito

"In private"
Ika nito

"Pwede naman na dito Lang tayo mag usap, wala namang mawawala at i don't think so na importante yang sasabihin mo"
Masungit nitong sabi

Ha? Nag iba na talaga ang ugali ni Gemmny, may something talaga na hindi ko nalalaman

"Oo nga babe dito na lang kayo mag usap"
Singit naman ng gf nito, tsk!

"Hindi ikaw ang kausap ko, kaya wag kang sumingit"
supladang sabi nito

Hahaha napahiya sya

"Aba't pinsan ka lang, wag mo akong pagsabihan ng ganyan"
Galit na turan nito

"Buti nga pinsan pa, eh ikaw gf ka lang, kaya wag kang makialam"

OMG! galit na bestfriend ko, pag hindi pa tumigil ang isang to, magsisisi talaga sya, iba pa naman yan pang magalit

"Aba't-"
Susugurin na sana nito ang bestfriend ko, pero biglang nagsalita si Pm

"That's enough!"
Sigaw nito
"Gemmny wag kang magsalita ng ganyan sa kanya, dahil girlfriend ko parin sya"

Naramdaman ko ang pag singit ng kirot sa puso ko, ng sabihin niya ang katagang yun😞😞

"Eh ano ngayon kung Gf mo sya, wala akong pake, at wag syang sumingit sa usapan ng may usapan"
Galit na tuaran nito
"Wala na akong ganang makipag usap pa sayo!!"
"Bess tara na punta na tayong canteen"
Baling nito sa akin, sabay hila sa akin palabas ng classroom

Pm POV.
"Hindi ko gusto yang pinsan mo, ang sama ng ugali"
-lynmae

"could you please shut up"
Iritadong sabi ko

"So sinasabi mo ba na mas kumakampi ka sa pinsan mo, kaysa sa akin?"
Galit na sabi nito

"Iwan mo muna ako, gusto kong mapag isa"
Walang ganang sabi ko

"But-"

"i said leave!"
Madiin kong sabi

"Fine!"

Nagdadabong na umalis ito

#moody


Unconditionally Inlove [Completed]Where stories live. Discover now