2.Paglaban

4 0 0
                                    

Aminin ko mang ako'y nangungulila sa iyo.
Para sa'n pa't di naman na magbabago.
Desisyon mong iwan ako,
At desisyong kong palayain ka sa piling ko.

Bagama't buo na ang desisyon ko,
Sinisigaw ng puso'y ipaglaban ka, mahal ko.
Tiyak kong wala nang magbabago.
Sigurado akong 'di na ako ang mahal mo.

Para saan pa ang ipaglaban ka,
Kung ang iyong puso ay nakalaan na sa iba?
Marapat bang lumaban pa,
Kung maski ikaw ay di ko na kakampi pa?

Marahil ay madali akong isuko,
O baka di talaga ako ang tibok ng puso.
Ipaglaban ka'y wala nang saysay,
Hayaan na lamang na puso ay malumbay.

Sa Isipan Ko'y IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon