Chapter 1

37 7 30
                                    

AN: New writer lang po ako, kaya pagpasensiyahan niyo na po kung marami kayong makita na mali. Kaya ako sumali dito book club para matuto 😊 so sana mag-enjoy kayo. And thank you din sa napakagandang cover LunaticAllyLeny



🌹Sarah Pov 🌹

"Sarah! Sarah! Dali anak!" Napakamot naman ako sa ulo dahil sa lakas nang bunganga nang mama ko.

Bumaba ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto ko. Pababa na ako ng hagdan nang makita ko sa baba si mama ngiting-ngiti sakin.

"Ano ba ma? Ang ingay mo naman" iritadong sambit ko. Pasalampak na umupo ako sa plastik na upuan namin.

"Anak, dali may pa-contest si mayor nang Miss. Maynila, sigurado ako na mananalo kana dito" napaangat naman ang isang kilay ko sa sinabi ni mama.

"Eh, ayoko na nga ma. Badtrip lang 'yan" inis kong turan.

"Kasi naman anak, huwag mong aawayin ang mga contestant 'dun para di tayo ma-disqualified sa contest" sermon ni mama sakin. Pero hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil busy ako sa hawak kong phone.

"Haaay.. Sige kung ayaw mo na talaga ibibigay ko nalang sa iba 'tong form" sandaling sinulyapan ko ang hawak nitong papel. Tumayo na si mama papalabas nang maliit na bahay namin.

Kailan kaya ako yayaman? 'Yong maging prinsesa tulad ng mga nakikita at nababasa ko. Haay naku!

Napabuga ako ng hangin habang nakatingala sa kisame. Kami nalang ng mama ko ang mag-kasamang namumuhay dahil maagang namatay ang papa ko. 9 year old palang ako nun, ngayon 17 na ako.

"Tok! Tok! Tok!" Tatlong katok ang narinig ko mula sa pintuan namin. Sino naman 'yon? Alangan naman si mama. Tamad ang pakiramdam na tumayo ako at pinag-buksan ang pinto.

Pag-bukas ko ng pinto nabungaran ko ang tatlong lalake na mga naka-suit attire. Napalingon ako sa likuran nila may itim na kotse at kasama na rin dun ang mga sangkaterba naming mga chismusa na nagkakandahaba ang leeg sa kakasilip.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Dito ba nakatira si Mrs. Emelina Montero?" Napatango naman ako sa tanong nang isang lalake.

"Nandyan ba siya?" Muling tanong nito. Ewan ko pero parang ang lakas ng kaba ng dib-dib ko.

"Sino po sila?" Parehong napalingon kaming lahat sa nag-salita si mama lang pala.

"Ayan ang mama ko na hinahanap niyo" baling ko sa tatlong lalake. Pinakatitigan naman nang tatlong lalake si mama at saka patango-tango ang mga ito.

"Bakit ho? Ano pong kailangan niyo?" Magalang na tanong ni mama.

"Pwede bang sa loob nang bahay niyo nalang namin sagutin ang tanong niyo?" Natarantang binuksan ni mama nang  malaki ang pintuan. Nagpasukan naman ang tatlong lalake sa loob nang bahay namin.

"Oh, ano pang tinitigin-tingin niyo diyan?" Puna ko 'kay Aling Merly at ang dalawang chismusa pa na close nito. Inirapan naman ako nang tatlo sabay layas. Mga feelingera to!

Sinarado ko na ang pinto at lumapit kung saan mga nakaupo ang tatlong bisita namin.

"Mrs. Montero kilala niyo ho ba itong nasa picture?" Sabay na napatingin kami ni mama sa nilabas na picture mula sa envelope na hawak nang isa, na ngayon ko lang napansin.

Princess SarahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon