🌹Princess Sarah🌹
"Hello! new here ka dito noh?" Napalingon naman ako likod sa nagsalita. Nakangiti ito sakin at mukha namang ok pero ayoko munang makipag-friend ngayon.
Dinedma ko lang siya. Ginaya ko ang ginagawa nang ibang studyante dito kung paano nila nilapat ang card na i.d nila sa parang t.v na machine.
"Ayos lang kung di mo ako pansinin, alam ko naman nahihiya ka pa. Pero ang ganda mo ah" nakasunod pala sakin itong babae nang makapasok na ako sa loob. Hinayaan ko lang siyang nakasunod sakin at kung ano-ano ang kinukwento niya.
"Alam mo kasing ganda mo si sila Trixie at Cherry. Oh baka nga mas maganda ka pa sa kanila" humahangang napapatingin siya sakin habang nagkukuwento. Naging curious naman ako sa sinasabi niya na si Trixie at Cherry.
"Totoo ang sinabi mo mas maganda ako sa kanila" sabay ngisi ko dito. "Hmmm, marami ka bang alam sa kanila? O kaibigan mo ba sila?" Magkasunod na tanong ko.
"Haha, Oo naman mas maganda ka. Pero kaibigan nila? Naku! Ni damit nga nila di mo mahawakan lalo na ang mga gamit nila, dahil di mo magugustohan ang magiging kapalit nun" seryuso na kwento nito.
"Ah, ok. Ano bang ginagawa nila?" Muli kong tanong, gusto kong mag-karoon nang kunting kaalaman about sa pinsan kong si Trixie at si Cherry na 'yon.
"Naku! Huwag mo nang alamin baka matakot ka pa. Mga brats kasi 'yon, palibhasa mayayaman talaga ang pamilya" naiiling at nalulungkot na kwento nito. Ngumiti nalang ako.
"Well, siguro kahit di ko na alamin mukhang may idea na ako. At Oo nga pala mag-pinsan kami ni Trixie ngiti ko sa kanya. Shock naman ang lumarawan sa mukha nito habang naglalakad kami. Parehong napahinto kami sa paglalakad.
"OMO! Pinsan mo siya? I'm dead now!" Naiiyak na wika nito. Parang nagets ko agad ang pinupoint niya.
"Hahaha! Ano kaba, hindi naman kita i-susumobong dun. At isa pa di kami close nun, next tym ko nalang i-kwento ok" ngiting paliwanag ko. Napangiti naman ito.
"Mabuti naman pala, ang takot ko na kanina eh. Hmmm, ako nga pala si Karen Benitez" masayang pagpapakilala nito sakin.
"Princess Sarah, pero Sarah nalang. I'm not good na iniisip mo. Kaya kung may makita ka man sakin 'yon ang totoong ako" ngiti ko dito, samantalang siya naman 'ay naguguluhan sa sinabi ko.
Nakarating na kami sa aming private room. Pag-enter mo sa loob ang bango at ang lamig dahil aircondion ang loob nito. Nakita ko na may kanya-kanyang computer ang bawat table with chair. May mga napapalingon at napapatingin sakin.
"New transferee?" Narinig ko na salita nang babae malapit sa pintuan na pinasukan namin ni Karen.
"Wala pa si Prof Sarah" bulong ni Karen.
"Hoy Karen! Saang basurahan mo naman napulot 'yang kasama mo" napatingin ako sa babaeng tumayo mula sa kalagitnaan na hanay nang mga table.
"Oh my ghad! Cherry siya 'yong bitch na sumapalpal sayo" singit naman nang isang babae na nasa kaliwa nito.
"Shut up!" Singhal nito sa babae.
So siya pala 'yong nakasagutan ko sa caffe. Nice pala dahil mag-kakasama tayo. Sa isip isip ko.
"Tara na Sarah umupo na tayo, dun ka nalang sa tabi ko bakante pa" aya ni Karen sakin. Pero di ako gumalaw dahil nakatingin ako sa pag-mumukha ni Cherry. Ok maganda naman siya pero lamang parin ako.
BINABASA MO ANG
Princess Sarah
Short StoryKatulad nang napapanood at nababasa niyo sa isang storya na nagmula sa hirap at naging mayaman na prinsesa. pero hindi siya katulad nang prinsesa na iniisip niyo😂 Basahin niyo na lang nang malaman niyo.Haha😂✌ A beautiful cover created by: @Lunatic...