EUNICA'S POV

Everyone in the room was quiet. Everyone was in deep thought. Well, except for me. Since I don't really care ^_^'. Btw, ito ang groupings:

GROUP 1

12L
12H
12D
11L
11H
11D

GROUP 2

12K
12G
12C
11K
11G
11C

GROUP 3

12J
12F
12B
11J
11F
11B

GROUP 4(OUR GROUP)

12I
12E
12A
11I
11E
11A1 & 11A2

Ito kasi yun: ang SHS Singing Battle ay bukas na. The battle has 6 segments. (1) Pop Solo (2) Sing-off (3) Duet(BxG) (4) Acapella, (5) Korean Singing Battle at (6) Battle of the bands.

Pero ang pambato namin sa 5 at ang bokalista sa 6 ay unfortunately linagnat at nawalan ng boses. They won't make it tomorrow. Kapag wala kaming ma-submit na sub madi-DQ/disqualify kami sa dalawang segments na yun at walang tyansang mananalo.

No one wanted to be the sub. Bukas na eh. Wala ng time para mag-ensayo.7

"Guys," tawag ng leader namin. Si ate Cheema. " ayaw niyo ba talaga? Wala ba talagang magsa-sub sa dalawa?" Walang umimik. "Please naman oh. Gusto niyo bang maging last?" Lahat napailing. "Yun naman pala eh. Please. Volunteer kayo mag-sub."

Silence.

Napabuntong-hininga si ate. Mukha na siyang paiyak. Napailing nalang ito bago magwalk-out.

Pagkalabas na pagkalabas niya lahat ay nagsichismis at bulongan. Rinig ko sa isa na sana daw pwede makasali ang student council. Kagrupo kasi namin ang class nila. Hindi ko ba nasabi sa inyo na 11-A1 sila at ang klase ko naman ay 11-A2? Anyways, ayun nga.

"Pst. Eu," kublit sakin ni Frezil.

"O, ano?"

"Sumali ka."

"Gaga." Agad kong nasabi. Baliw ba siya?! "You do know I hate being stared at."

Napakamot siya ng ulo. "I know. Pero kasi naaawa ako kay ate eh. Saka alam ko namang kaya mo 'to. I know you have the most extraordinary voice and you are the only person that I know could memorize something at one look or hear. Saka kakanta rin naman ako sa First segment."

"Pero Frez-"

"Hays. I know. I don't think I could force you. Don't worry i'll stop na. But... but could you think about it muna?"

Natahimik ako. I stared at her thoughtfully before excusing myself so I could think.

Lumabas ako at napunta sa garden. Pumasok ako sa Bush maze. Okay lang naman dahil memorize ko ang pasikot-sikot nito. I walked while deep in thought. Malapit na ako sa gitna ng makarinig ako ng hikbi. I was surprised when I saw ate Cheema crouching at one corner. She was hugging her knees and was crying uncontrollably.

"Ate!" Tumakbo ako papalapit sakanya at umupo sa harapan niya tsaka pinunasan ang luha niya.

Kumunot ang noo niya ng makita ako.

"S-sino..."

"Eunica po from 11A2. Magkagrupo po tayo."

"Ah. Hehehe. Ang bobo ko talaga. Kagrupo tayo pero ni hindi kita mafamiliarize." Natatawa habang naiiyak niyang sabi.

"Okay lang po, ate. Hindi naman lahat kilala o familiar sa lahat eh. Tahan na po."

Ngumiti siya tsaka tumango. Tahimik lang kami ng ilang sandali ay nagsalita siya.

Love ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon