Its been 2 Years and now i back to my country ! Philippines
GM SATELLITE 4:30-5:30
Lumanding na ang sinasakyan kong Eroplano . Kinakabahan at Masaya akong bumalik sa Pilipinas. Kinakabahan dahil dito na ako mag-aaral ng College. Ibat ibang mukha ang makaakhalubilo ko. Masaya dahil makikita at makakasama ko na rin ang Pamilya ko , ang kaibigan ko at mga taong nagmamahal sa akin
Sumakay na ako ng Taxi. Hindi ko sinabi sa kanila na uuwi ako ngayon sa Pilipinas dahil gusto ko silang i surprise.
"joh-eun achim gagha Vinterian ma-eul jebal (good morning sir Vinterian Village please)"- Sabi ko kay manong taxi driver kayat tumingin ito sa akin at
"Ha? Hindi kita maintindihan! may lahi kabang Alien?"- Tanong ni manong kaya napatawa ako
"Sorry Manong ah ! kakauwi ko lang po kasi sa pilipinas dahil galing akong korea.Pasensya na po manong sabi ko po na Sa Vinterian Village po manong magkano po ba?"- Tanong ko sa kanya
"180 pesos Iha! pero dahil maganda ka ay 160 pesos na lang"- Sabi sa akin ni manong driver
"Ehem excuse me lang manong ah Correction please Iho po not Iha "- sabi ko sa kanya with smile
"Iho? so lalaki ka? "- gulat at takang tanong ni manong driver
"May Iho bang babae manong? Hanobayan" - sabi ko kanya medyo naiirita narin ako
"Ano manong titigan mo na lang ako? di tayo aandar? di moko iuuwe sa amin? pano na lang ang pamilya ko? siguradong nagiintay na iyon sa akin? siguradong nababahala na sila? ano manong sabihin mo sabihin mo please"- sabi ko sabay acting na parang iiyak
"Drama nito! kung ayaw mo bumaba ka na lang !"- singhal ni manong driver
"Eto naman si manong di mabiro! Nag gegel kaba manong kahit kalbo kana? curious lang ako"- sabi ko sabay pigil tawa
Bigla ba naman pinatakbo ng mabilis ang taxi tas sabay preno nung kanina ay nasa back seat ako ngayon nasa tabi na ako ng driver seat
[A/N: Aba girl iba rin pala si Manong Kalbo . Lubog bunbunan]
Sinabi mo pa Author
"Ako pa kinalaban mong bakla ka ah"- sabi nya na medyo may pag kainis
" Sorry po manong"- sabi ko na lang
pero gustong gusto ko syang sakalin
"Sa wakas andito na ako sa tapat ng bahay namin" - sabi ko sa sarili ko
Hahakbang na ako papasok ng tawagin ako ni Kalbong driver
"Hoy bakla bayad mo"- sabi nya
"Maka bakla ka naman alam ko kaylangan ipangalandakan? eto 200 pesos keep the change bili mo wig , tignan mo bunbunan mo lubog na " - sabi ko sabay takbo at tawa
Tok.. Tok... Tok..
[A/N: Pasensya na wala silang doorbel eh]
"Ma may kumakatok buksan mo muna saglit"- rinig kong sigaw ng kapatid ko
eto talagang kapatid ko na si Kira [ short for Kirararaazumie]
"Ikaw na magbukas puro ka babad dyan sa computer mo tignan mo itatapon ko yan! pag di mo pa binuksan itong kaldero at sandok lilipad dyan sa ulo mo" - sigaw naman ni Mama
Wala talagang pinagbago ang kakulitan nitong dalawa
Biglang binuksan ni Kira ang pinto
" Hello po sino po sila? sino ka ateng ganda? kung si kuya kiero or si ateng Sammie hinahanap mo wala sila dito nasa korea sila? si Mama andun nagluluto syempre di mo ko hahanapin kasi di kita kilala tsaka bilisan mo sumagot kasi may ginagawa pa ako sa computer ko ano na ateng? ngisi na lang ba? ang taga...l..... "- hindi ko na sya pinatapos magsalita ng batukan ko sya
"Abay loko ka Kira ah! sinasagot mo na si ateng Sammie mo? eh kung hambalusin kita ng walis tingting ng makita mo ang hinahanap mo ano? - sabi ko sa kanya
5...4 ..3...2...1... Bago bumalk sya sa wisho at "Kuya Sammie??"- Tanong nya sa akin kaya binatukan ko sya
" Kuya Kuya wala ka bang galang talaga?"
"Ateng Sammie? ATENGGG SAMMIEEEE" - sigaw nya kaya ayun dagungdong yung buong Vinterian Village
"Ano bat sumisigaw ka dyan? abay napakagandang dalaga naman pala nito sino sadya mo"- tanong ni mama
"MAMA ANO KABA SI ATENG SAMMIE YAN OH"- sigaw parin ni Kira kaya pinalo ni mama ng sandok si Kira
"Sigaw ka ng sigaw dyan kaya di kita maintindihan! nakakahiya pati sa kapitbahay"- sabi ni mama
"Mama sya si ateng Sammie"- mahinahong sabi ni Kira
"SAMMIE? IKAW NA BAYAN? ABA MAS LALO KANG GUMANDA ! ABAY KUMINIS KA NARIN NAG MUKHA KA NANG BABAE ANO PA AT PUMASOK KANA AT NAKAPAGLUTO NA AKO WALA SI YAYANG LUCING KAYA AKO NA MUNA NAG DAY OFF SI YAYA DALIAN MO NA MAGPAPACELEBRATE AKO DAHIL DUMATING KANA"- sigaw ni mama
Oh diba? ang ganda ng pamilya ko? ang sarap mag ka ganyang pamilya parang tropa tropa lang
"Kamusta ka naman anak? ayos ka lang ba doon sa kuya mo? kamusta narin kuya mo?"- sunod sunod na tanong ni mama
"Ma pwede isa isa lang? mahina kalaban"- sabi ko
"Oh sya sya kumaen na tayo , Kira bumaba ka na rin "- sigaw ni mama kay kira
"Pababa na mama" sagot naman ni Kira
Kamusta na kaya ang Mga bestfriend ko? Maayos lang kaya sila?
Lumabas muna ako ng Village para narin makapag gala dahil namiss ko ang pilipinas.
[A/N: Teka lang naman magpakilala ka muna wag puro landi ]
Landi agad Author?
BTW (pinaikling By the Way) Una sa lahat maganda ako pangalawa maganda parin ako pangatlo maganda pa rin ako
[A/N: Pag dika tumigil papatayin kita sa kwento kong ito]
Hala grabe ka Author
BTW Im Sammie Allison Tyler 16 years old Fresh and Virgin. isa akong Gay at tanggap ako ng family ko si Mommy Lawyer sya si Dad naman ay nagpapatakbo ng Company Business namin all around the world katulong ang tito kong si Steve at si tito Aries. si Kuya Kiero Tyler ang panganay at isang model sa Korea, ako ang sunod at si Kiraraazumie Tyler ang Bunso namin. Maputi, Sexy, mahabang pilikmata, mapulang labi, at Maalindog yan ako kung pano ko i explain ang sarili ko (Medyo ma-pride din). 5'5 ang height ko at Babae ang dating ko kaya di napapaghalataang beki.
Siguro tama na yan Author diba? Chapter 2 naman para ipakilala ko na ang set of friends ko dali na!
[A/N: Tse eh pano pag di kita i nupdate? Aber?]
Grabe sya Oh! pero sige na pleasee
[A/N: Tumahimik ka nga pero sige]
Salamat ng marami Author
[A/N: Para akong tanga no? Kinakausap ko sarili ko kasi ako gumawa ng story diba??
BINABASA MO ANG
" PLAYING WITH BAD BOY [BXB STORY]"
RomanceIsang Badboy na gagawang paraan para magkabalikan sila ng Ex nya at dinamay pa ang baklang si Sammie para lang dito. Magkakahulugan kaya sila ng loob? o magkakaroon sila ng kani-kanilang pagibig nalang? Tunghayan ang nakakatawa, nakakabaliw, at naka...