CHAPTER 15: NO COMMUNICATION?

1.4K 48 0
                                    

SAMMIE P.O.V

Lumipas ang 1 buwan...

2 Buwan...

3 buwann..

5 Buwan..

1 taon.

Ngunit wala parin akong  balita sa kanya, nagaalala na ako sakanya

Okay lang kaya sya? may pinalit na kaya syang bago sa akin?

Araw araw naman akong nag memessage sa kanya pero ni isa ay wala akong sagot na nakukuha

Tinatawagan ko naman sya araw araw pero ring lang ng ring

Bukas na ang Graduation pero ni anino nya ay wala parin

"Anak ready kana ba bukas?"- tanong sa akin ni mama

Umiling na lang ako at yumuko bago umiyak

"Mama bakit ganon? ni hindi na sya nag rereply sa message ko? hindi sinasagot ang skype at tawag ko? posible kayang meron na syang ibang mahal sa america? nagaalala ako sa kanya mama"- sabi ko habang umiiyak

"Kaya mo yan anak, wag kang mawalan ng pag-asa siguro ay busy lang sila doong pamilya kaya hindi nya kaagad nasasagot ang message at mga tawag mo"- sabi sa akin ni mama

Tumango na lang ako at pinunasan na ang mga luha

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Graduation Day

Heto na ang pinakahihintay ko ang Graduation day pero malungkot parin ako dahil wala parin si Kit mahal ko. hindi ko pa sya nakikita 

Nagsimula na ang graduation day kaya heto masaya lahat pero ako heto lutang 

*MR. SAMMIE ALLISON TYLER GRADUATE AT THE COURSE OF BUSINESS ADMINISTRATION WITH HIS PROFESOR MR. MORADO*

Umakyat na ako sa stage at tinaggap ang diploma nagpalinga linga muna ako pero hindi ko talaga sya makita.

Nag bow na ako sa harap at naglakad na sa upuan ko.

Natapos ang graduation maraming umiyak, maraming natatawa dahil sa mga kalokohan nila pero ako ito malungkot parin hanggang  paguwi wala na nga akong ganang kumain kaya dumiretso na lang ako sa room ko at kinausap na lang si TEDDY KIT GALE

"Teddy kit gale? kamusta na kaya si Kit mahal? asan kaya sya ngayon? namimiss ko na sya, grumaduate na ako pero hindi ko sya nakita at nakasabay grumaduate, miss nya narin kaya ako? alam mo miss ko na yung yakap at kakulitan nya sa akin. grabe maglambing yun minsan nga hinahanap ko sya pero hindi ko makita baka nasa america pa sya, nangako sya na babalikan nya ako totoo kaya yun? pero may tiwala ako sa kanya kaya siguradong matutupad nya iyon"- sabi ko sa teddy Kit gale ko sabay yakap at hagulgul ng iyak haggang sa makatulog na ako.

" PLAYING WITH BAD BOY [BXB STORY]"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon