SAMMIE P.O.V.
Exact time: 4:30 am
Pagbaba ko ay naabutan ko si Manang Lucing na nagluluto kaya dumiretso ako sa Ref namin para kumuha ng malamig na tubig at
"Hala sino kang babae ka? ang ganda mo naman na magnanakaw, saan ka dumaan?"- sabi sa akin ni Manang Lucing.
"Manang Lucing ako ito si Sammie"- sabi ko sabay ngiti.
"Sammie? ikaw na ba iyan? abay mag gumanda ka at pumuti ka ah! kamusta na?"- sabi nya
"Okay naman Manang at ngayon ang unang araw ko sa college kaya eto nagreready na ako"- sabi ko sabay lagok ng tubig.
"Oh sya tapos na itong niluluto ko at kumain kana baka mahuli kapa sa klase nyo"- sabi ni manang.
May nakita akong note sa T.V kaya kinuha ko ito
MAMA
Anak pumasok ka ah! mag aral ka muna wag puro landi, umalis na akong kaninang 3 am hindi na kita ginising kasi alam kong tulog kapa. siguro naman may pera kapa kaya wala akong iniwang baon mo dyan. baka gabihin ako ng uwi mamaya dahil may imemeet akong kliyente ko alam ko nanaman ang iniisip mo hindi to date ah! business partner lang alam mo namang may trust ako sa daddy mo hindi yung condom na trust ah basta yung tiwala oh sya napahaba na sinasabi ko 3:14 na tuloy ako aalis sige na bye ingat i love you
Napangiti na lang ako sa sulat ni mama pano ba naman kasi kanin pinakdikit eh alam naman nyang sticky note yun! hahahaha
ENDERWOLRD UNIVERSITY.....
Naglalakad na ako papasok ng may biglang umakbay sa akin si Tukmol pala ay este si Boyfie
Explain ko muna sya sa inyo
Matangkad ng konti sa akin, Hunky, Bilugang mata at mapupulang labi medyo maamo mukha pero lapastangan ang ugali.
"Ang aga mo ata ngayon"- sabi ko sa kanya.
"Syempre alam kong inaantay mo ako eh"- sabi nya sabay ngiti
"Hangin ah! tsaka alisin mo na kamay mo sa balikat ko"- sabi ko sabay tangal ng kamay nya.
Bigla na lang ako nitong hinawakan sa kamay at gosh HHWW kami at lahat nakatingin sa amin
sinenyasan nya ako at tumingin sa gilid at nakita ko si Candice
Maganda si Candice kung tutuusin pero syempre mas maganda ako.
Candice Joy Olivia - Ex girlfiend ni Deib
Nakatingin lamang ito sa amin kaya dire diretso lang kami hanggang marating namin ang room namin
Nakatingin silang lahat samin at ang mga kaibigan ko ayun nakangisi na parang tanga kaya tinaasan ko sila ng kilay.
BINABASA MO ANG
" PLAYING WITH BAD BOY [BXB STORY]"
RomanceIsang Badboy na gagawang paraan para magkabalikan sila ng Ex nya at dinamay pa ang baklang si Sammie para lang dito. Magkakahulugan kaya sila ng loob? o magkakaroon sila ng kani-kanilang pagibig nalang? Tunghayan ang nakakatawa, nakakabaliw, at naka...