Diez y nueve|
Nanghihina. Nanghihina ang buong katawan ko. Hindi ko rin magawang kumain dahil parang di ko nalulunok yung kinakain ko at maisusuka lang ito. Puro tubig lang ang iniinom ko and I'm glad though because nakayanan pa naman ng katawan ko.
Akala ko talaga dati kung mamamatay ang isang tao ay pwede na itong di kumain sa kabilang buhay. Mali pala ako.
Dalawang araw na ang nakalipas nung nakita ko si Raze sa bar na may kahalikan. Di ko nakayanan yung sakit kaya napagpasyahan ko na umuwi nalang ng Hellven. Alam kong selfish ako dahil mas inuna ko pa ang sariling nararamdaman ko kesa sa Hellven. We need to find the crest but here I am umuwi ng walang paalam.
Akala ko kasi mahal niya ako eh. Umasa ako dahil yun yung pinapakita niya sa akin. Na mahal niya ako. Na kahit papaano ay minahal niya ako kahit sandali man lang. Pero nung pagkakita ko palang sakanya sa bar at may kahalikang iba, patunay lang yun na ginagago niya ako.
Sa mga nagdaang oras naiisip ko na sana pwede pa akong bumalik sa mundo ng mga buhay, gusto ko nang umalis dito sa Hellven para makalimot. Dahil masakit. Masakit umasa sa taong akala mo ay mahal ka.
Tao din ako dati bago ako naging kaluluwa. May damdamin din ako, nasasaktan din ako.
Ganito pala yung feeling ng naloko noh?
Yung gusto mo nalang magkulong sa kwarto mo at magpatugtog ng senting mga kanta. Yung feeling na gusto mo siyang makalimutan pero di mo magawa. Para akong tinamaan ng karma.
Kung di man ako mawawala dito sa Hellven mas mabuti ng mawala nang tuluyan talaga. Diba ganun naman yun dito? Pagnamatay ka ulit dito ay tuluyan ka na talagang mawawala.
Walang wala. Walang kaluluwa, walang kahit anong magpapaalalang may Ivy pala. Mawawala nalang ng parang bula.
Ngayon alam ko na ang feeling ng mga baboy na kinakatay at nagiging double dead.
Nakakaistress. Nakakadepress.
Suminghot ako ng may naramdaman akong tumulo mula sa ilong ko. Hinawakan ko yun at may nakitang pula.
Dugo.
Hindi ko alam lung ano ang nangyayari sa akin ngayon pero.......mukhang gusto ko 'to. Dahil gusto ko nang mawala.
Humiga ako uli sa kama. Naka hoody ako ngayon at double din yung kumot ko dahil kahapon pa ako giniginaw. Napansin kong pumasok sa loob si Azarin at may dala itong bimpo at isang baso ng tubig. Napatingin ito sa akin at dali daling inilagay ang mga dala niya sa mini table sa tabi lang nang kama ko at kumuha ng panyo.
"Ate dumudugo yung ilong mo." Alalang sabi nito sa akin. Umiling lang ako at sinabing okay lang kahit wala namang lumalabas na boses sa bibig ko. Pinunasan niya yung ilong ko gamit yung panyo.
"Namumutla ka na rin ate." Tapos hinawakan niya yung leeg at noo ko. "Ang taas din ng lagnat mo. Ate ano bang nangyayari sayo?" Alalang alala na yung boses niya.
"Hindi ko alam ang gagawin ko ate." Nanginginig na yung kamay niya yung yakapin niya ako. Napansin ko ring may luhang pumatak sa kamay ko. Umiiyak siya.
Pilit akong tumayo ay iniharap siya sa akin. "Makinig ka Azarin. Kung may mangyayari man sa akin ikaw na muna ang bahala dito sa apartment ah? Isipin mo nalang na nagbakasyon ako sa malayo." Humagulgol ito at kahit anong gawin niyang pagpunas sa luha niya ay patuloy parin itong umaagos.
"Ate, hihingi ako ng tulong. Hihingi ako ng tulong." Determinadong sabi nito. Dali dali itong umalis sa kwarto at naiwan nanaman akong mag-isa. Pinilit kong tumayo kahit na hinang hina na ako at lumabas sa apartment.
BINABASA MO ANG
Hellven
ParanormalA novel by Nayashiin --- "Mio amoure". I stood there, frozen in my tracks. His eyes bore to mine like it was looking to me deep in my soul. No one dared to speak, ang mga malalalim lang na hininga ni Alias ang rinig sa buong silid. He tilted his hea...