Vente Uno|
Hellven Disyembre 03, 1789
Nagising nalang ako ng may naramdamang marahan na paghaplos ang gumawad sa aking pisngi. Di ko yun inalintana at hinayaan nalang, antok na antok pa ang buo kong kaluluwa. Mula sa pisngi unti unting bumaba ang paghaplos pababa sa aking labi at napahinto ito.
Napadilat ako.
Nakita ko ang perpektong mukha ni Raziel na kahit na animo'y bagong gising palang ito ay parang walang bakas ng anumang antok sa mukha niya.
"Magandang umaga binibini." Usad niya sa akin at walang pasabing hinalikan ako sa labi.
"Kahit na alam kong mas maganda ka pa sa umaga at pinakamaganda kapag gabi." Kininditan niya ako pagkatapos niyang sabihin yun.
Napanguso naman ako at hinampas ko yung unan sa kanya. Aba, ang aga aga ang halay maka isip ng lalaking'to. Kung di ko lang siguro 'to kilala at mahal ay siguradong ipapasalvage ko 'to kay Osi!
Tiningnan ko yung mata niyang nang-aakit. Ayan nanaman eh!
"Heh! Magtigil tigil ka Raziel, alam ko yang mga tingin mong yan."
"Bakit? Naaakit ka na ba mahal kong Alicia? Gumagana ba sayo ang karisma ko?" Nang-aasar na tanong niya. Bahagyang pina alon alon pa nito ang dalawa iyang kilay.
Kasi naman eh! Bakit kailangang maging ganun ka pogi ang mukha niya? Siguro ang swerte ko nga talaga dahil araw araw kong nakikita ang mukha ni Raziel, siya ang una kong nakikita sa pagising at huling nakikita kapag matutulog na.
Tinitigan ko lang ito at hindi na muling nagsalita.
"Ano na binibini? Kumibo ka naman oh." Pangungulit niya pa.
"Ang yabang mo rin ano? Kung alam ko lang, ang karisma ko ang unang bumihag sayo kaya nga sunod ka ng sunod sa akin noon eh, ganda ko kasi." Pagmamayabang ko sa kanya.
"Kaya nga bagay tayo eh! Mayabang ka tapos mahangin ako. Perpekto tayo para sa isa't isa." Ngumuso ito pagkatapos ay inakbayan niya ako. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinaglaruan niya ito.
"Madami ka ring nalalaman Raziel, alam mo bang mas iniisip ko na minsan may gusto sayo yang alalay mong hilaw. Sunod nang sunod sayo parang ayaw kang mawala sa paningin niya." I glared at him playfully.
"Hilaw ba kamo binibini? May hilaw ba akong kaibigan?"
"Duh, anong tawag mo kay Osirus aber? Para yung baliw eh, laging logic at pamimilosopo lang ang laman mg utak nun." Napa roll eyes naman ito before he gave me a loop sided smile na naging grin. Naku, ano nanaman kaya ang iniisip ng isang 'to. Buti at hindi pa siya nahahawa sa kabaliwan nung si Osirus dahil di ko talaga kaya ang mga banat na wala namang laman nun. Hindi ko siguro kakayanin kung magiging logical at pilosopo si Raziel.
"Nagseselos ka ba sakanya?" Tass kilay na tanong nito. Hinampas ko naman ng unan yung ulo niya. Tignan niyo mga 'tong lalaking 'to!
"Hindi noh! Feeling mo lang yun ano ka ba--"
"Ayieee, nagseselos ka nga binibini bakit mo ba tinatanggi? Alam mo bang mas gusto naming mga lalaki na nakikitang nagseselos ang mga kasintahan nito?" Halos magpintig naman sa galit yung ulo ko nung marinig ko mismo yun sa bibig niya. Paalalahanin niyo ako mamaya na ibitin 'to patiwarik sa punong kahoy ng narra.
"Ah ganun pala ah? Gusto mo akong ipagseselos lagi, yan ba ang daan mo sa pagsasabing gusto mong lumandi sa ibang babae? Raziel naman--"
"Mahal hindi po yan ang ibig kong sabihin." Iling na pagputol nito sa sinasabi ko. Ikinulong niya ang magkabila kong pisngi gamit ang mga palad niya at tinitigan ako sa mata ng seryoso. Ayan nanaman yung mata niyang parang nanganga-usap, oo feeling ko talaga may bibig yang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Hellven
ParanormalA novel by Nayashiin --- "Mio amoure". I stood there, frozen in my tracks. His eyes bore to mine like it was looking to me deep in my soul. No one dared to speak, ang mga malalalim lang na hininga ni Alias ang rinig sa buong silid. He tilted his hea...