Day 4: The Key To Forever

0 0 0
                                    

Finally, after long days of waiting. Eto na yung araw na uuwi na ang beksfrend kong si Dom.
I am as excited as it is,
Dahil mabubuksan na rin ang left room. Huling reply niya kasi saken was may susi daw siyang spare at dala niya.
Excited din ako umuwi sa di ko malamang dahilan.
When i reached the unit as early as 5:15am. Red was still sleeping, balot na balot ang sarili sa kumot. I changed my outfit into short short and a lady loose sando with a bra on.
Kulay bluish sya and match nmn sa jeans styled short short.
I cooked some rice and nag prepped din ako ng binili kong bacon.
Dahil selfish ako, kumain na ako around 6am. Hindi ko kasi ugali na mang gising ng tao para lang yayain siya kumain.
Pero dahil nag alarm na rin ang phone niya, bumangon na rin si Red at saka ko siya inalok.
"Kain?" Pag aalok ko pa.
"Wow ano yan..." pag iinat pa niya sa harapan ko at pag hagod pa sa pututoy nya talaga sa harapan ko pa talaga.
"Yuk talaga to" tanging response ko sa ginagawa niya. "Oh bango yan amuyin mo pa" paghagod pa niya mg kamay sa part ng short niya sabay paamoy sakin. "Abnormal ka!" Aga aga sinisira niya talaga ang mood ko.
"Sus, kunwari ka pa dyan" pagyayabang pa nito sa pagkalalaki niya.
"Hoy excuse me, ibahin mo ko sa mga kilala mong bakla, siguro namamakla to" side comment ko pa.
"Sorry, hindi po ako pumapatol sa kagaya mo. Maglaway kayo" pagyayabang pa niya.
"Wala akong pake" sagot ko pa. "Kumain ka na lang" dugtong ko pa sabay tayo at ligpit sa pinagkainan ko.
"Oh tapos ka na kumain?" Tanong pa niya habang magsisimula pa lang siya mag breakfast. "Yah" tanging sagot ko.
"Sabayan mo ko" pakiusap pa niya.
"Luh, tapos na nga ako kumain"pagrarason ko pa.
"Upo ka lang dyan, gusto ko naman may kasabay kumain" pagpilit pa ni Red.
"Eh tapos na nga ako eh" dahilan ko pa.
Hinawakan ako ni Red sa braso at pinilit na maupo sa kabilang upuan ng lamesa.
"Ok" ang takot ko bigla. "Kamusta naman trabaho?" Bigla niyang pagtatanong.
"Huh? Okay naman, pagod..." sagot ko pa.
"Mahirap ba sa Production ng ROHM? Ilang oras kang nakatayo dun no?" Pag usisa pa niya.
"Yah, ngalay sa bewang siguro" tanging sagot ko dahil hindi ko naman alam ang pakiramdam ng nasa production work. Hindi ko rin naman kase sinasabi sa kaniya ang job nature ko eh. Hindi naman na siguro importante yun.
Matapos kong pagbigyan ang bata na samanan sa table para mag breakfast, saka na ako nag back to routine bago tuluyang humimlay.
"Pasok na ko" huling alaala ko bago tuluyang bumigay ang mga mata ko sa reyalidad. Pagpapaalam pa ni Red na papasok na siya.
Bigla na lang ako nagising sa mga liwanag ng flashes.
"Anong meron?" Nasisilaw ako sa mga flash ng camera na paulit ulit akong pini picturan.
"Teka!!!"
"Aaaaaa" at naalimpungatan ako. Bangungot, oo bangungot siya!
"Huy! Nakaka gulat ka naman!" Pag sita pa ni Red saken na naka upo sa tabi ko.
"Teka, di ba pumasok ka? Bakt nandito ka pa?" Pag usisa ko pa.
"Kanina pa yon, hello 5pm na po"
"Haaaa? Bakit parang ang bilis naman ng oras...?" Pagtataka ko pa.
"Tulog mantika ka kase" sabay tapon nya ng medya nya sa mukha ko.
"Ang babuy neto!" Nahiga pa ako ulit.
"Huyy, may pasok ka pa di ba? Bangon na jan! Tutupiin ko na tong sofabed." Pagrereklamo pa ng isa dahil di siya makasandal habang nanonood ng basketball sa TV.
"Eeeee antok pa ko, 5 mins." Sabay taklob ng kumot sa mukha. Pero naisip ko bigla na dapat dumating na sila Dom.
"Teka, dumating na ba sila Dom???" Pagtataka ko pa.
"Oo, nandun sila sa baba. Bumili lang ng pagkain" sagot ni Red.
Agad akong tumayo at binuksan ang kwarto ko at finally it opened! I missed the bed kahit isang araw ko pa lang siya nahigaan. Namiss ko ang walang katabi!!!!
Mas malambot ang bed na to kesa sa sofa bed.
"Oyyy Kendra! Tingnan mo balita oh" pag yaya pa ni Red, pero di ko siya inintindi.
"Oyyyy Kendra!!!! Labas dyan!" Pangungulit pa niya.
Deadma ako at pumikit na lang kase mas na appreciate ko ang sarili kong bed or mas na appreciate ko ang mahiga ng walang katabi.
"Uy, Kendra!" Pagbukas pa ni Red sa pinto ng kwarto ko at nadatnan niya akong naka dapa.
"Ano baaaa problema mo dyan..." pagtataka ko pa.
"Di ba sa bellview tower III ang unit mo?" Pag confirm pa niya sa sarili kong unit. Na excite ako bigla at hinanap ko ang isa kong bag na kung san nandun ko naitago ang susi ng unit ko sa bellview condo.
"Tingnan mo, baka unit mo ang isa sa nasusunog nasa balita ngayon"seryoso pang tugon ni Red.
"Huh?" Bigla akong napalabas at nakita kong nasusunog ang bellview tower III.
"Ay shit! Pucha... oh my gosh!!!!" Tarantang reaksyon ko pa. Nasusunog ang katabi kong unit at inabot na ang unit ko...
Dali dali kong kinuha ang susi ng kotse para pumunta sa site ng dumating sila Dom.
"Beks! Yung unit ko huhu!" Napaiyak na lang ako bigla.
"Oo nga teh nakita din namin daming bumbero sa labas na umiikot, lika na puntahan na natin. Kotse ko na gamitin natin. Lika na Red, sumama ka na rin" pagyaya pa at pagmamadali namin lahat.
We immediately went to the scene kaso ni limitahan ang daan at sobrang traffic. Pinark na lang namin somewhere sa area ng City of Dreams ang kotse at nagsimulang lakarin papunta sa BellView condo. Sobrang traffic at re routed ang daan sa coastal and baclaran.
Nang marating namin ang site, pinagbawalan ang ilan na makalapit pero nun sinabi kong isa ako sa may ari ng unit. Hinayaan nila ako halos wala akong magawa kase nanghingi ako ng update sa isa sa mga bumbero at sinabi nilang units sa 18 floor are all fired up. Meaning, sunog na lahat at wlang recoverable materials.
I asked for the cause of fire outbreak at sinabi lang na dahil sa naiwang bukas ng electronic flat iron para sa buhok sa loob ng CR ng katabing unit ko.
"Malas" ika nga nila.
Nanlumo ako at nanghina, pinaghirapan ko kasi lahat ng naroon sa unit na yon eh. Yung mamahaling sofa, mamahaling bed and all. I invested sa unit na yun dahil comfort zone ko siya. Pero it's all gone and over now.
The good thing about it is, covered naman siya ng insurance although mahabang proseso nga kang ang dadaanin to initiate the claim.
Still, Eto yung first time kong mararamdaman na homeless ako.
In short, walang bahay. Maigi na lang at dala ko lahat ng important things ko even some documents and passports and my savings cards and credit cards. Gamit lang talaga ang naiwan ko sa unit ko sa BellView. I can't help but cried.
Sino ba naman kase ang hindi manlulumo sa pinaghirapan mong kinain lang ng amoy sa kagagawan ng ibang tao.
Inakbayan na lang ako ni Red at sa di ko rin maunawan, napayakap na lang ako at napaiyak sa dibdib niya.  Hindi ko magawang kumalma after everything, pero wala naman akong magagawa...
After few hours, nag stay kami sa pinaka malapit na StarBucks Coffee shop along baclaran.
"Beks, huyyy" pagaalala pa ni Doms.
Mugtong mugto mata ko kakaiyak at halos di ko na nasagot ang tawag ng boss ko sa phone. Alam kasi nila ang nanyari at na televise naman agad ang sunog.
"Beks, yung phone mo kanina pa yan ring ng ring, sagutin mo na" paalala pa ni Doms sakin.
"Magagawan naman siguro yan ng BellView management di ba?" Comment pa ni Ron.
"Siguro... ang tanong kelan?" Sabay iyak ko ulit.
May tumatawag na number lang sa phone ko at ito na ang sinagot ko.
"He..ll..o?" Basag ko pang pag bati.
"Nasan ka?" Nag aalalang boses ng lalake.
" sino to?" Pag tataka ko pa.
"Miguel to nasan ka? Nandito ako sa BellView" aniya pa ni Miguel.
"Hey, anong ginagawa mo dyan?" Tugon ko pa.
"Nag aalala, nasan ka? Okay ka lang ba?" Aniya ni Miguel sa kabilang linya.
"Nandito ako sa StarBucks sa baclaran road." Sabi ko pa.
"Okay, puntahan kita jan. Wag ka aalis dyan" sabay baba niya ng phone.
Siguro nabalitaan nya at gusto niya lang makasiguro na okay ako.
"Sino kausap mo teh? Boss mo?" Tanong pa ni Doms.
"Hindi" sagot ko lang.
"Eh sino un? Boyfriend mo?" Pa epal pa ni Red.
"Boyfriend? Wala akong boyfriend! Chura neto, wag mo nga ako asarin dyan." Pambabara ko pa kay Red.
"Eh sino yun" follow up question pa ni Red.
"Friend! Okay na?" Tanging nasagot ko na lan para maiwasan ang tsismis.
Ilang minuto pa ang lumipas at may lalakeng biglang nag bukas ng SB door na tila may hinahanap at nagka tinginan na lang kami sa mata.
"Hey, ok ka lang ba?" Naupo si Miguel sa tabi ko agad at hinawakan ang kamay ko.
"Uy, thanks sa pag punta. Hindi ako okay pero magiging okay din ako eventually" naiyak na naman ako ulit. Naalala ko kase yung mga investments ko eh.
"Nakita ko nga yung balita kaya napa punta ako agad. Buti wala ka dun ng nasusunog yun, dun ako mas nag alala" paliwanag pa ni Miguel.
Hindi naman alam sa office na nasa ibang condo ako nag i stay dahil ang alam nila sa BellView ako umuuwi.
"Oo nasa condo unit ako ng friend ko sa residences naki sleep" paliwanag ko pa kay Miguel bago tuluyang punasan ulit ang mga luha ko, halos mabasa na ang lahat ng SB tissue na meron ako.
"Oh" pag abot pa ni Red sa panyo niyang classic ang hitsura na parang tig be bente lang.
Ginamit ko naman at siningahan pa.
"Thank you"
"Labhan mo yan ah"pag re reklamo pa nya. "Oo! Palitan ko pa yan ng marami eh" pagpatol ko pa sa pang aasar ni Red.
"Haha biro lang to naman, kaya ko bumili niyan no!" Sagot pa niya.
"Teh, sino sya" pagsita pa ni Doms kay Miguel.
"Ay sorry, nalimot ko. Si Miguel nga pala, kaibigan ko at kasama ko sa work sa ROHM. Miguel, si Doms at Si Ron jowa nya and si Red nga pala bestfriend ni Ron" pagpapakilala ko pa.
"Hello, nice to meet you" tugon ni Miguel.
"San ka na mag stay niyan Boss? Pwede ka naman sa bahay namin pero maliit nga lang" pag aalok pa ni Miguel.
"Boss?" Pagpansin pa ni Red sa pagtwag sakin ni Miguel ng boss.
"Ay sorry, Kendra pala" pag tama pa ni Miguel.
"Boss mo ba yan si Kendra senyo?" Pag tanong pa ni Red.
"Hinde," ako na ang sumagot.
"Wow bigtime pala, boss ka pala eh" pang aasar pa ni Red.
"Ako nga wag mo muna inaasar please lang!" Pag warning ko pa with pagtataray kay Red.
"Sorry, ito naman pinapatawa ka lang eh. Uy pero alam mo, bagay kayo niya" patuloy pa rin si Red. Tinutukso niya ako ngayon kay Miguel.
Pero sa totoo lang, dahil sa pangyayari, hindi ko magawang kiligin ng puntahan ako ni Miguel na super crush ko sa office at nag aalala pa siya. Alam ko rin naman kase na hanggang friendship lang kami dahil meron na itong sabit. Rule number one, wag na tayo lumandi sa mga taong alam nating may sabit na or may jowa na. Kasi hindi naman nakakadagdag sa ganda mo ang pagsira sa isang taong may ka relasyon na. Magtagumpay ka man ngayon, habang buhay bang kakayanin ng konsensya mo na minsan may sinaktan kang tal dahil sa pang aagaw mo?
Dapat ngayon pa lang, alam na natin kung ano ang lugar natin. Matuto tayong maghanap ng sarili nating forever at huwag ng makisawsaq sa iba. Bad yon!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Grows Beyond TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon