Career Goals

10 0 0
                                    

Pagpasok na pagpasok sa opisina, agad kong sinuot ang leather jeans na blazer ko. Dahil sa sobrang lamig.
"Girl, pinapatawag tayo lahat" biglang pagbati sakin ni Mariz na tila may tension.
"Huh? Bakit daw?" Pagtataka ko pa.
"Basta lahat daw ng supervisor pumunta sa conference room." Pagyaya pa ni Mariz na halos di na mabitbit ang mga extrang files na dala.
"Okay, lapag ko lang gamit ko sa desk" pagpapa alam ko pa.
"Dalian mo, galit na galit si boss" pananakot pa ni Mariz.
Bigla naman ako kinabahan, hindi ko kasi alam kung anong meron. Baka may escalations from one of our clients kaya mag aalburutu na naman talaga ang napaka pogi kong boss.
Gwapo yung boss namin kahit may edad na at may asawa na. Kaso sobrang toxic niya kapag trabaho ang pinag uusapan.
"Kendra, lika na" pagmamadali pa ni Mariz na parang kami na lang ang wala sa conference.
Nang makarating kami sa entrance ng conference, hinila ako ni Mariz na dumaan sa kabilang side.
"Dito na tayo girl dumaan para di tayo masyado mapansin" pag advise pa ni Mariz.
"Okay.." at dahil ayoko rin naman mapagalitan, kaya pumayag na lang ako sa plano niya.
Kabadong kabado ako at dahan dahan ko pang sinimplehang buksan ang pintuan papasok ng biglang may humatak dito at na expose ako... oo ako lang mag isa dahil yung kasama kong si Mariz, ay nasa kabilang side. Nagpapalakpakan silang lahat. Hindi ko maintindihan ang nagaganap pero dapat poise pa rin kaya nag smile na lang ako kahit hindi ko talaga alam ang nagaganap.
"What took you so long, Kendra?" Aniya pa ng boss ko sabay hawak sa kamay kong nanlalamig at sinama ako sa stage.
Hindi ko talaga alam ang nangyayari pero mukha namang walang problema at masaya ang lahat na nagpapalakpakan.
"Were you surprised?" Pag ask pa ng boss ko saken.
"I totally don't know what's going on" pagsagot ko pa.
"That is expected! Well, I would like to thank Mariz for this then" sabay tawa ng boss ko.
Nakitawa na lang din ako kahit hindi ko alam ang isasagot ko.
"Well, congratulations Kendra! You are now the newly promoted Manager for RHOM Corporation"
Hindi ko masyadong na absorb ang sinabi ng boss ko dahil sa malakas na palakpakan ng mga taong nasa harap ko at ng ilang supervisors na ka work ko at ngayon ay tinatawag na rin akong boss.
"Congratz Boss Kendra"
"Congratz Boss!"
"Cheers Boss!"
At hinaluan pa ng mga background musics...
Dinala ako ng boss ko sa table na kung nasaan ang mga clients ng ROHM.
"Hey guys, this is Kendra, She's no longer new to you alright?" Aniya pa ng boss ko.
"Yah, we know her. One of the best!"
"It's finally nice to see you in person. Good Job!" Pag congratulate pa ng isang babaeng client.
"Keep it up Kendra!" Aniya pa ng isang client.

Sa Washroom...

Nanahimik muna ako at inabsorb ang lahat. Ang lahat lahat ng naganap, na promote ako as new manager and all that plaque things na ini award saken.
Biglang pumasok si Mariz at nanghingi ng sorry at niyakap ako.
"Sorry na, pero am sooo happy for you! Pinilit lang nila ako promise!" Paliwanag pa niya.
"Oo na.. hindi ko pa lang talaga ma absorb ang lahat lahat, pasensya naman. Nabigla kase ako"
"Sorry ulit girl and congratulations!" Sambit pa ni Mariz.
"Siya nga pala, may follow up celebration daw ito sabi ni boss, after mo mabasa ang bago mong tasks and contract" paalala pa ni Mariz.
"Okay... overwhelmed kasi ako" tanging nasagot ko.

That night, sobrang na enjoy namin ang event at umabot pa sa nalasing na lang ako. Na sobrahan ako sa alak in short.
"1805... eto ba ang condo unit niya?" Pagkakarinig ko pa sa isang lalakeng nagbitbit saken...
"Pamilyar mukha mo..?" Pag usisa ko pa pero hilong hilo ako.
Saka biglang may bumukas ng pinto... at malumanay akong dinala ng prince charming ko papasok...
Oo, iniisip kong hinatid ako ng prince charming kong si Miguel... sobrang gwapo nya, matangkad, singkit kaso kulay brown.
Pero ang lakas ng appeal niya, siya lang talaga ang kaisa isa kong crush sa production. Kaso malabong maging kami dahil unang una, may asawa siya at anak. Dapat dun pa lang, alam ko na ang limit ko. Pangalawa, hindi siya pumapatol sa tranella o transwoman na kagaya ko. Hindi naman kase dadami lahi niya saken.
At huli, hindi kami pwede dahil Manager na ako at siya at isang level 1 production staff.
Hindi maganda sa paningin ng madla.
Matapos ang panaginip ko, kailangan ko ng magising sa katotohanan...
Ang katotohanan na nasa ibang bahay na ako.
Nagising ako na may lalakeng naka tanday saken!
"Aaaahhh" napabangon ako bigla pero bigla rin akong nahilo hilo pa...
"Uy, ingay mo naman!" Pagsusuplado pa ni Red na sagot saken.
Tinadyakan ko ang paa niya papalayo sa hita ko dahil naka tanday talaga sya saken!
"Manyak to!" Pagtataray ko pa sabay hawak sa ulo dahil nananakit ito.
"Oy, ikaw tong hmmp!"paghahamba pa saken na prang kokotongan pa yata ako.
"Ansaket ng ulo ko..." pagrereklamo ko pa.
"Inom pa..." pang aasar pa nya.
Mahina ang buong katawan ko at buong pakiramdam ko kaya binagsak ko ulit ang sarili ko sa malambot na sofa bed. At binalot ang katawan ko ng furry na kumot...
"Ano, masaya uminom?" Pang aasar pa ni Red.
Pinikit ko na lang ang mata ko kesa intindihin ang pang aasar niya.
Nakatulog ako ulit ng ilang oras pero nagising ako sa amoy ng noodles na niluluto.
"Good Morning!" Pag bati pa ni Red sakin kahit tanghaling tapat na talaga.
"Anyare?" Pagtataka ko pa.
"Edi nalasing ka" sagot pa ni Red.
"Nasan si Dom at Ron?" Paghahanap ko pa sa dalawa.
"Malamang pumasok" aniya ni Red.
"Ikaw? Wala kang pasok?" Pag urirat ko pa.
"Wala" sagot niya pa.
"Kaya pala... nandito ka, di ka ba hinahanap sa inyo?" Pag ask ko pa.
"Dami mong tanong, bumangon ka na dyan at higupin mo tong noodles na to ng mahimasmasan ka sa kalasingan mo" paraan nya yata yun ng pag aalok?
"Bakit di mo na lang ako pinasok sa kwarto ko!" Pag rereklamo ko pa.
"Nasa iyo ba ang susi? May susi ka ba?" Pag tanong pa ni Red.
"Wala" sagot ko pa.
"E bakit mo siya ni lock?" Sagot ni Red.
"Huh? Wala ba susi si Dom???" Napabangon ako ng wala sa oras at binuksan ang kwarto kong naka lock.
"Di ba niya nasabi sayo na nawawala ang susi nyan...?" Sagot pa nya habang humigop ng sabaw ng noodles soup.
Napakapit ulo na lng ako "shit shit shit"tanging sambit ko.
Paano ko magbibihis, wala akong damit.
"Kesa kung ano ano pa isipin mo jan, humigop ka muna ng sabaw dito bago ka mabaliw kung pano ka magpapalit hehe" sabay tawa habang nang aasar.
Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko dito sa Red na to eh. Umiinit dugo ko sa kaniya sa totoo lang.

Love Grows Beyond TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon