Chapter 18

5.8K 171 24
                                    

Pagkalabas ni Sito ay agad namang bumukas ang pintuan at doon nilamon si Jem. He look so haggard. Para bang ilang araw na itong hindi naliligo pero he still manage to look good. Nakatingin lang ito ng diretso sa kanya. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng ekspresyon ang naka rehistro sa mukha ni Jem. He's not smiling.

Nakalapit na ito sa kanya pero walang ni isa sa kanila ang nagsalita. Umupo si Jem sa upuan na nasa gilid pero napansin niyang dumistansya ito sa kanya.

"You really hate me that much that you tried to kill yourself?" mahina pero may halong galit sa boses nito.

Hindi siya sumagot.

"Akala ko ba mag-uusap tayo? Why aren't you talking?" tanong nito.

Hindi siya sumagot. Nagpakawala ng malalim na hininga si Jem. Nagulat siya ng marahas itong tumayo

"I want to get mad at you, Aria! Gustong-gusto ko! Why do you have to do that to yourself? If you're mad at me, ako ang saktan mo! You don't have to suffer like that just because you're mad at me! Tell me, why the hell did you starve yourself?" galit na tanong nito.

Bigla siyang kinabahan sa Jem na nakikita niya ngayon. he's different today. Nakikita niya ang galit sa mukha nito.

"Ayoko na" tanging nasabi niya

"Ayaw mo na sa ano?  You always say that, you know. Ayaw mo na sa ganito, ayaw mo na ganyan. Ang bilis mong umayaw, Aria" Jem

"Ayoko na sa sitwasyo na to! ayoko na sa nararamdaman ko sayo! ayaw na kitang mahalin! Ayoko na Jem! Ayoko ng masaktan!!" galit na bulyaw niya rito

"Nasasaktan ka? Nasasaktan ka ng hindi ko nalalaman? Ng hindi mo sinasabi kung bakit? Tell me, bakit ka nasasaktan?"

Sobrang nanlalabo na ang paningin ni Aria at naninikip na rin ang dibdib niya.

"Don't play as if wala kang alam Jem. I hate it when you do that. It makes me want to think na kasalanan ko lahat"

"Then tell me what's wrong. What pains you, Aria?" Mahinahon na ang boses nito ngayon.

Hindi niya napigilan.ang luhang kanina niya pa pinipigilang tumulo.

"I don't want to give my love to someone na walang planong ibigay ang buong pagmamahal niya sa akin" sabi niya.

Kumunot ang noo ni Jem

Nanlumo siya "Nararamdaman ko Jem. Naramdaman kong hanggang ngayon mahal na mahal mo pa rin si Kristine. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong siya pa rin ang nasa loob ng puso mo. Siya pa rin hanggang ngayon!" umiiyak na litanya niya

Naupo si Jem sa inuupuan nito kanina at huminga ng malalim.

"So this is about Kristine? You're doing all of these dahil sa tingin mo mahal ko pa si Kristine? You want to stop loving me dahil mahal ko pa si Kristine?" he paused "You're jealous of Kristine?"

Hindi siya sumagot

"Ginawa mo lahat ng ito just because you're jealous of Kri-"

"Wag mong ipamukha sa akin na sobrang babaw lang ng rason ko!" sigaw niya "You don't understand Jem. Hindi mo naiintindihan yung nararamdaman ko....Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin na nakikita kita na hanggang ngayon nasasaktan pa rin sa pagkawala niya" Yumuko siya at umiyak

"She's dead, Aria." He calmly said

"Yun na nga. Patay na siya!. She died a long time ago at isinama mo rin yung puso sa pagkamatay niya. Lagi mong sinasabi sa akin na gusto mo ako but i never heard you say you love me. Hindi ko alam kung ano ba talaga ako sa buhay mo. Ginamit mo lang ba ako para kahit papaano maibsan mo ang kalungkutan mo? Did you just used me Jem? Totoo ba lahat ng pinakita mo sa akin? Ang hirap magmahal sa taong alam kong may kahati ako, ang masama pa, sa isang patay ako nagseselos ng ganito!" umiiyak na litanya niya.

He's GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon