SMUC 2: Lunch

560 29 29
                                    

Bunalik ako sa school at kaagad na nagpark ng kotse. Lumakad ako sa pasilyo papunta sa quadrangle ng school. Malapit kasi ito sa room namin. Nakita ako ni Dexter atsaka kumaway sa akin.

Nakangiting aso siya paglapit ko palang sa kanya.

"Oh bakit ganyan ang ngiti mo?"  masungit kong tanong.

"Saan ka galing, ha?"  nagsusuring tanong niya.

"May pinuntahan lang,"  anas ko.

"Wooh. Nakita kita kanina, kausap mo si Cyril. Ano ha? Kayo na ba?"  nagkangising tanong niya.

Naalala ko kanina bago ako sumakay ng kotse ko.

"Tyler!"  sigaw niya sa pinaka-malakas niyang boses. Hinintay ko siyang makalapit sa akin.

Ang ganda niya talaga.

"Tyler. Tyler,"   anas niya ulit sa pangalan ko.

I heaved a sigh para ipakita sa kanya na hindi ako interesado, pero ang totoo gusto ko na siyang yakapin dahil pagod na pagod nako kakaiwas sa kanya.

Ayokong mapasama siya. Ikamamatay ko kapag nagbalik ang tumor sa utak niya. Mabuti na ang ganito, kahit iniiwasan ko siya at least nakikita ko siya araw-araw. Masaya na ako nito.

"Bakit ba?"  kunyaring iritadong tanong ko.

"Saan ka pupunta? Maglulunch ka ba?"  tanong niya.

Dati-rati ay ako ang alalang-alala kung saan siya pupunta at ako ang nag-aalala kung kumain na ba siya. Pero parang umikot ang mundo naming dalawa. Siya na ngayon ang nagpapakita ng motibo sa akin at gustong-gusto ko to.

Pero masakit pa ring isipan na, kailangan kong gawin ito para hindi siya mapasama.

"May pupuntahan ako at masyado pang maaga para sa lunch,"  sagot ko.

Kumunot ang noo niya dahil hindi ko sinagot ang mga tanong niya at saka tumingin sa relo niya.

"Ay oo nga. Saan ka pupunta?"   nagsusuring tanong niya.

Ang cute niya.

"Pwede ba akong sumama?"  nakangusong tanong niya.

Napatingin ako sa labi niya. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Hindi ka pwedeng sumama."  anas ko.

"Huh? Bakit naman, gusto lang kitang samahan."  anas niya. Pumunta siya sa kabilang pinto at sasakay na sana noong pinigilan ko siya.

"Hindi ka pwedeng sumakay d'yan."  seryosong sabi ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya,  "Bakit naman?"

Pag sumakay siya sa kotse ko, makikita niya ang picture niya doon. Hindi pwede. Hindi niya ako pwedeng piliting maalala.

"Ang babaeng mahal ko lang ang pwedeng sumakay d'yan,"   sagot ko.

"Pwede mo naman akong mahalin kapag sumakay ako dito ha,"  anas niya.

Shit, Cyril. You don't have to say this dahil mahal na kita, noon pa.. I have to say something para mapigil siya.

"Ang kauna-unahang babae na sasakay sa kotse ko ay ang babaeng mahal ko na,"  anas ko.

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Napabuntong-hininga siya.

"Oh sige. Ingat ka ha."  lumayo siya sa kotse ko at saka ngumiti sa akin. "Ba-bye!"  paalam niya.

Sumakay ako sa kotse ko. Tinted ito kaya hindi niya na nakikita sa loob. I stared at her. I saw pain in her eyes. Mas masakit para sa akin na gawin to sa kanya. Mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.

Seducing my Ultimate CRUSH (BOOK2)Where stories live. Discover now