SMUC 1: She's back

630 24 5
                                    


Nakaharap ako sa kawalan at tila nakatulala lang sa malawak na bukid. Ito ang madalas naming puntahan noon ni Cyril.

Hindi ko maipaliwanag ang kabang sumibol sa aking dibdib noong unang beses na makita ko siya. Hindi ako makapaniwala na nandito na siya, noon. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong reaksyon.

Namiss ko siya, dalawang taon ko din siyang hindi nakita simula noong maoperahan siya at ngayon ay halos apat na taon ko na siyang tinitiis. Umalis siya noong elementary at akala ko ay babalik na siya makalipas lang ang ilang buwan, pero nagkamali ako.

Ang sabi nila, bata pa daw ako noon. Wala pa daw akong alam sa pag-ibig, pero siya ang first love ko. At alam kong, siya ang gusto kong makasama hanggang sa huli. Nakakasigurado ako dahil hanggang ngayon, siya pa rin ang laman ng puso ko.

Sa loob ng dalawang taon, marami siyang pinagbago. Pisikal na anyo, at ugali. Inglesera na siya noong pagbalik niya at mukhang nakuha na ang culture sa ibang bansa.

Pero habang tumatagal ay mas lalo siyang gumaganda at nakukuha ulit ang ugali ng mga pinoy. Nakita ko ang ganda niya noong elementary kami at ngayong patapos na kami ng high school ay mas lalo siyang gumaganda. Nasundan ko ang pagbabago ng features niya.

Masaya na akong pagmasdan siya araw-araw. Ang pangungulit niya sa akin at ang paglapit niya sa akin ang tumutunaw sa galit ko. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang una naming pagkikita noon.

Napansin namin ni Dexter na may bagong salta daw sa school at sa dating ng mga estudyante dito ay alam ko na babae ang bagong mukha. Nagkakandarapa ang mga lalaki at naiinis ang mga babae.

"Nakita mo na ba 'yong transferee?" tanong ni Dexter sa akin habang naglalakad kami sa pasilyo.

Umiling ako. Wala akong ka-amor-amor sa mga babae dahil ang babaeng gusto ko ay nasa America pa at hinihintay kong makabalik..

"Maganda daw,"  ani ni Dexter.

Nagkibit-balikat lang ako. Nakarating kami sa kabilang building at naglakad ulit sa isang pasilyo. Dinig ko ang bungad ng mga babae at mga bakla doon.

Tumungo nalang ako at hindi na sila pinansin pa.

"Hi, Tyler! Ang gwapo mo!"  hiyaw ng isang estudyante pero hindi ko siya nilingon.

Aminado akong marami ang nagpapapansin sa akin dahil gwapo ako. Alam ko yon. Pero kahit anong sungit ko sa kanila ay hindi nila ako tinatantanan.

"Dre, ayon yung bagong transferee."  anas ni Dexter habang naglalakad kami pero hindi ako lumingon. Hindi ako interesado.

Kilala akong masungit at walang pinapansin dito sa school. Nagpatuloy lang ako sa pagtungo at paglalakad.

Pero nagulat nalang ako ng may biglaang humarang sa daraanan ko at talagang huminto sa harapan ko. Nakita ko ang itim niyang sapatos, maputi ang mga binti niya.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at talagang nagulat ako sa nakita ko.

Kiss. Cyril.

Nakabalik ka na? Gusto ko siyang yakapin pero dahil sa biglaang pagkaba ko ay hindi ko nagawa.

Sa loob ng ilang segundong pagtitig ko sa kanya ay, nakita ko ang bawat detalye ng mukha niya. Nakangiti siya sa akin at parang...

hindi ako kilala.

        “Hi,” biglaang bati niya. “My name is Cyrill Cruz and I think I like you,” tuloy-tuloy na anas niya at napaawang ng kaunti ang bibig ko sa kanya.

I like you.

Biglang tumalon ang puso ko ng marinig ko iyon.

I can't believe what's happening. But maybe, this is the thing that Martin has been telling me.

Seducing my Ultimate CRUSH (BOOK2)Where stories live. Discover now