Pagkatapos ng class namin sa umaga nag lunch kami sa canteen. Minamasdan ko parati ang Miko na yun ang gwapo niya.
"Baka matunaw ang pinsan ko niyan hah" sabi ni Jannah na sumulpot bigla sa harapan ko. teka pinsan niya??? Umupo siya sa harap ko.
"Crush mo???" sabi niya hindii ako nagsalita tinitingnan ko pa rin si Miko. Ang gwapo niya talaga lalo na kung ngumingiti siya kita dimples niya. hayyyy!!!
"Huy!!" tawag niya sa akin at tiningnan ko siya.
"Ha?? bakit??" sabi ko.
"Crush mo siya??" sabi niya.
"Oo na! Pero wag na wag mong sasabihin kahit kanino ha" sabi ko. Ngumiti lang siya at umalis siya at na rin ako at dumiretso sa room.
Nagbabasa ako ng libro. Tapos tumingin ako sa glass ng door namin at nakita ko sila Jannah at Miko magkasama. Siyempre nagsimula na akong magpanic. Baka sinabi niya. Hala!
Pumunta ako kay Mary at umupo sa tabi niya. Nakita kong papalapit na sila.
"Miko, meet May. May meet Miko." sabi niya. binigyan ko siya ng death glare. Inabot niya yung kamay niya sa akin at gusto niyang makipag shake hands. Hinay hinay ko inabot ang kamay niya.
"Ayan magkakilala na kayo" sabi ni Jannah at dumating si mam, umalis na rin si Miko kasi hindi namin siya classmate.
"Class magkakaroon tayo ng despidida party para kay Mam Santos next week kasi mag reretire na siya so prepare kayo ng dance number para sa kaniya hah. Ok, class dismisses" nagsimula na mag usap usap ang mga classmates namin kung anong music ang sasayawin namin.
~~~~~~~~~~~~~~~
Hey guys! thanks for the reads