Chapter 2 ♥

12 0 0
                                    

Xian's POV

Mga bandang 4:30 pm na nang mag txt si Austin sakin na nandiyan na raw siya sa baba at hinihintay ako. Ngayun nga at 5 pm na kaya nag reready na ako para maka out na. Nakasalubong ko rin si Maria kasi malapit lang ang table nito sa may pinto ng office habang yung akin ay malapit sa office ng boss namin na minsan rin lang namin nakikita kasi nasa ibang branch ng company ito nagpupunta.

Isa nga palang Container Terminal ang company nato. Bali sa terminal namin dumadaan lahat ng cargos internationally. At yong mga cargos na yun ang laman naman ay ibat-ibang products from all around the world na tinatransport naman sa ibat-ibang bansa. Malaki talaga ang company nato, and this company is an international company. Kaya nga malaki-laki rin ang sahod ko rito bilang HR manager.

I've been working here as an HR manager for 2 years. At dahil sa trabaho kong ito meron na akong sariling condo at sasakyan. Nakapagbibigay pa ako kina Mama ng pera para pantulong narin sa pagpapaaral sa nakababata kong kapatid na si Andrew na nasa college na at kumukoha ng kursong Engineering.

"Xian? Uwi kana? Sabay na tayo sa pagbaba." bungad ni Maria na kasama na pala ang iba naming mga katrabaho didto sa HRAD department. Nasa iisang office lang kasi ang HRAD, payroll department kung saan c Maria ang head at ang office ng CEO. While the other department is in the other offices.

"Okay sige tara." saad ko naman at nagsimula ng maglakad.

"Xian?!" tawag ni Kurt, manager ng operation department. At dati kong manliligaw na hanggang ngayun nagpaparamdam parin.

"Oh Mr. dela Cruz, bakit mo ako tinawag?" saad ko sabay harap sa kanya.

"Ahhmmm.. uuwi kana?" nahihiyang tanong nito "P-pwede bang sumabay?" Nahihiya namang tumingin ito sa mga kasamahan namin na sinundan ko naman ng tingin. Kilig na kilig pa ang mga itong naka tingin sa aming dalawa ni Kurt. Ang alam kasi ng mga ito eh nanliligaw pa si Kurt sakin. Ang hindi nila alam matagal ko na itong binasted. Na tanging pagkakaybigan nlng talaga ang kaya kong ibigay rito. At kaybigan lang talaga ang tingin ko rito kahit anong pilit ko si Austin lang talaga ang mahal ko at kayang mahalin nitong hibang kong puso.

"Sayang, Austin is waiting for Xian sa baba." prangkang sabi ni Maria kay Kurt sabay role eyes pa nito. Iwan ko ba at bakit parating nag-aaway ang dalawang yan. "You know GIRL FRIEND duty. Diba Xian?" Dagdag na saad nito na may diin pa sa word na girl friend.

"Ah oo. Sorry Kurt huh? May lakad kasi kami ng kaybigan ko ngayon." hinging paumanhing saad ko.

"Okay lang kahit hanggang diyan nalang sa baba kita ihatid." pursigidong saad nito na ikanakilig pa lalo ng mga ka workmates namin.

"Ehhhhh.. ang pursigido naman ni sir Kurt. Sagutin mo na kasi sya maam Xian, bagay na bagay naman po kayu eh! Good match talaga." Kilig na kilig na saad ng katrabaho naming si Jane.

"Wag ganyan Jane, baka umasa lang si Mr. dela Cruz." May pang-uuyam na saad ni Maria.

"Tumigil nanga kayung dalawa. Tignan nyo oh, pulang-pula na si sir Kurt. Sagutin nyo na kasi maam" sulsol naman ni Roxanne.

"Pati ba naman ikaw Roxanne umaasa sa loveteam ng dalawang yan? Hahahaha" ani ni Maria.

"Tama nanga yan, kanina pa tayu rito oh." pagpapagitna ko sa mga kasamahan kong halos mag-away na dahil samin ni Kurt. "Sige Kurt ikaw ang bahala. Tara?" Nakangiti ko namang baling kay Kurt at nanguna na sa pagpasok sa elivator. Sumunod naman sina Maria at Kurt na nagpapalitan parin ng galit na tingin bago ang iba naming ka workmates. Pag pasok ng lahat, pinindot ko na ang ground botton nasa 10th floor kasi ng building ang office namin.

Habang nasa elivator panay parin ang kiligan ng iba naming ka workmates hanggang sa paghinto nito sa lobby. Nagpatiuna naman ako sa paglabas.

"Oh Xian nanjan na pala si Austin. So, mauuna na ako huh? May pupuntahan pa pala ako." paalam ni Maria sabay beso sa akin.

"Okay, ingat ka huh? And see you tomorrow."

"Hatid na kita sa may sakayan, Xian." agaw pansin ni Kurt saming dalawa ni Maria.

"Wag na Mr. dela Cruz, may sundo si Xian and speaking of sundo. Ayun ang sundo ni Xian, the one and only Austin Troy Morgan." ani Maria sabay tingin kay Kurt na may pang-uuyam bago tumingin at ngumiti kay Austin na nakatayo malapit sa sasakyan nitong itim na Pickup.

Napatingin naman ako kay Austin na napakaaliwalas ng mukha sa black longsleeve nitong suot na naka tupi hanggang siko. Pinarisan niya ito ng black maong pants at black shoes. Bagets lang tignan eh.

"Maam Xian, ang gwapo talaga nyang kaybigan nyo. May girlfriend na po ba yan maam? Reto mo naman po ako oh?" kilig na kilig na saad ni Roxanne. Admiration is written in her face.

"Nako Roxanne, wag ka nang umasa. Wag kanang gumaya sa iba dyan na kahit alam niyang wala ng chance hala sige parin." saad ni Maria na parang nagpaparinig sa amin ni Kurt. Sa aming dalawa lang kasi naka focus ang mga tingin nito. "At saka may taong mahal na mahal na yang si Austin kinababaliwan nya panga hanggang ngayun eh. Yun nga lang may boyfiend na yung girl." may lungkot na pahayag nito " Tulad rin yang si Austin ng iba dyan, pawang mga tanga. Tanga sa pag ibig." anong nakain ng isang to? Love adviser lang ang peg? "oh sya mauna na ako at baka ano pa ang masabi ko rito. Zip mouth na ako. Sabay na tayo Mr. dela Cruz para hindi ka naman magmukhang tanga dyan. Hatid mo ako huh? Para save narin pamasahi ko." huling pahayag nito at hinawakan ang kamay ni Kurt. Himala at bumait.

"Huh? A-ayaw ko no. Ang layu kaya ng inyo." Ani Kurt. Nagtaka naman ako. Bat alam nyang malayu kina Maria? Nakapunta na ba ito sa bahay ng huli?

"Ang arte-arte hindi naman gwapo. Sige na kasi. Sinasagip nanga kita sa pagpapakatanga mo dyan eh. Tara na." pagpupumilit ni Maria.

"Sige nanga." pagkuway naging saad nito "mauna na kami Xian. Ingat ka sa pag-uwi." nakangiting paalam nito sakin at nag patianod na sa panghihila ni Maria.

"Sige Kurt, sorry talaga at hindi ako makakasabay sayo ngayon. Paki hatid nalang yang baliw na yan huh?" saad ko rito na tatawatawang naka tingin sa kanilang dalawa na papalayo na. Nag role eyes lang si Maria sakin. Iba talaga yung babaeng yon. Napailing nalang ako sa naging akto ni Maria. Haaayy, ang daldal talaga.

"Kami rin po Maam Xian, mauna narin po kami" saad ni Roxanne.

"Sige, take care alright? And see you tomorrow guys." nakangiting paalam ko sa kanila at magsimula nang maglakad palapit kay Austin.

"Hi? Kanina ka pa?" pambungad na bati ko kay Austin na nginitian lang ng huli. Tug.. tug.. tug.. tug.. tug.. tug.. Oh my God wag kang ngumiti ng ganyan please. Lalo akong naiinlove sayo.

"Mga 30 mins narin." sabi nito sabay bukas sa pinto ng passenger sit. Napaka gentleman naman. "Salamat besh." ngiti lang ang tugon nito sabay lakad papunta sa driver side.

Bat ang hilig nitong ngumiti ngayun? Ano kayang nakain nito. Aka ko pa naman may problema. Hindi kaya nabaliw nato dahil sa problema nya? Hala! Wag naman sana lord. Piping dasal ko.

"So? Saan naman tayo ngayun?" tanong ko agad rito ng makapasok na ito sa loob ng sasakyan.

"Sa Heaven."

Ang Heaven ay tambayan naming magkakaybigan. Kami nina Trisha, siya, ako, Chris and Meg. Isa itong lugar na over looking sa boong city at maganda talaga pag gabi kasi kita mo lahat mula doon pati narin ang boong beach ng Batanggas. Tinawag namin tong Heaven kasi feeling namin nasa langit na kami kapag nandon kami. Sa ganda ba naman ng view, aakalain mong nasa heaven ka. Kaya lang simula noong nagpakasal sina Chris and Meg eh kami nalang tatlo nina Austin at Trisha ang parating pumuponta roon. Mag boyfriend pa non sina Austin and Trisha. Yes you read it right. Trisha is Austin Troy's ex-girlfriend. Pero nagkahiwalay ang dalawa magmula noong nakapag decide si Trisha na mag masters sa Canada. Mula noon hanggang ngayun only me and Austin nalang ang parating pumuponta rito sa Heaven. May kaibahan ngalang kasi pag pumupunta kami rito naglalabas lang naman si Austin sa lahat ng hinanakit nito.

"Okay, daan na muna tayo sa grocery or MCdo para makapag takeout tayo ng dinner or snacks." Saad ko naman.

"At beer." dagdag ni Austin sabay ngiti.

"Yeah, at beer."

Setting Him FreeWhere stories live. Discover now