chapter 2

780 10 0
                                    

"Alis!!! Padaanin nyo ko!! Tumabi sabi kayo tang ina!!!!!"

Nagsi tinginan sila sakin sa pagsigaw ko kaya nagpatuloy ako sa palalakad sa loob ng classroom.

Nang makita ko ang lalaking naka bigte parang hindi ako makapaniwalang si bam yon.... Kaya walang alinlangan akong tumakbo sa kinaroroonan nya at tinanggal ang pakakabigte nya at inilagay ko sa braso ko ang ulo nya.

Para akong mababaliw! Sa nakikita ko?.

"Bam!? Bat ka dito sa school natutulog?"

Nawala sa wisyo ang isip ko at nasabi konalang ang nasa isip ko.

"Bam bam!! Umaga na at nandito ka sa school!!"

Biglang tumulo at luha ko at saka ako humagulgol ng iyak.

"Bam ano ba!!!! Tumayo ka nanga!"

"Bam diba sabi mo magiging doktor pa tayo?!"

"Bam sumagot ka!?"

"Bam naman eh!!!..."

JOSHUA'S POV

Hindi rin ako makapaniwala sa nakikita ko bakit nya to ginawa sa sarili nya!? Nakita ko si isabel na humahagulgol ng iyak sa tabi ni vamdiel kaya tinabihan kosya at narinig ko ang mga sinabi nya.

"Bam diba sabi mo magiging doktor pa tayo?!"

"Bam sumagot ka!!"

"Bam naman eh!!!..."

"Tumawag nga kayo ng ambulansya!!!!"

Sigaw nya sa mga tao ng umiiyak sa tabi ni vamdiel kaya pinakalma ko sya.

"isabel huminahon ka!"

"Josh pano ko hihinahon kung nakikita ko ang kaibigan kong nakaratay dito ano tatawanan ko sya habang nakabulagta!!"

"Ssshhhh....... Tahan na isabel."

Nang makarating na ang ambulansya hindi pa rin tumitigil sa pag iyak si isabel sumama sya sa ospital kaya sumama narin ako.

ISABEL'S POV

Andito na kami sa ospital at hinihintay pa rin ang pag bukas ng pinto sa E.R. habang ako patuloy parin ang pag iyak sa bisig ni josh.

Bakit moba ginawa to bam!? Sa tingin ko kasalanan ko kung bakit mo ginawa to?.

Bigla namang nagsidatingan ang parents ni bam.

"Iha anong nangyare?!"

Nag aalalang tanong sakin ni tita margaret.

"Isabel? Pano nangyare to?"

Tanong naman ni tito ryan.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa E.R. na dahilan para lumapit sila sa doktor kaya lumapit narin ako.

"Dok? Kamusta ang anak namin?"

Nag aalalang tanong ni tita.

"Im sorry misis he did'nt survive"

"What?!! Pero tumitibok pa ang puso nya ng dalhin namin sya dito!?"

Sigaw ko sa doktor.

"Hindi na kinaya ng hininga nya...."

Napaluhod nalang ako sa sahig ng malamang patay na sya... At nang tingnan ko si tito at tita ay parang mababaliw nadin sila.

"Hindi pwede to ryan!! Nag iisa natin syang anak!?"

Mangiyak ngiyak na sabi ni tita.

"Sabihin mo nga isabel ang nangyare!!!?"

Sigaw ni tito sakin kaya naiyak na ako.

"Ti-tito kasi po kagabi nalaman nya na may gusto akong lalaki.."

"A-at nalaman nya rin po na gusto ako ng lalaking gusto ko...."

Humahagulgol na sabi ko.

"Kaya pumunta po sya sa bahay para kumpirmahin kung totoo ba na sasagutin ko na ang lalaking mahal ko pe-pero tito hi-hindi ko naman po alam na gusto nya pala ko...."

"Nag kagalitan po kami kagabi at hindi nag kaayos....."

"So sinasabi mo na ma-may gusto sayo ang anak ko pero iba ang gusto mo!?"

Sigaw nanaman ni tito sakin.

"O-opo tito"

"Isabel!!! Kilala mo si bam mula bata pa kayo lahat ng gusto nya kailangan makuha nya!!?"

"Ti-tito iba nga po ang gusto ko!"

"Pwede mo namang gawan ng paraan yon!! Bakit kailangan pang mamatay ng anak ko!"

Umiiyak na sigaw ni tito.

"Isabel mabuti pa umalis kana at ayaw kong makita mula ngayon ang pag mumuka mo!!!"

Sigaw ni tita sakin.

"Pero tita?...."

"Umalis kana!!!"

Inakay ako ni joshua para tumayo at makalabas ng ospital.

Hindi ko kakayanin na hindi makita ang burol nya kaya kahit ayaw nila akong makita ay pupunta parin ako.

CHANGESWhere stories live. Discover now