Wala kang halaga

32 4 0
                                    

Alam mo 'yong feeling na may gusto ka sa isang tao simula pa n'ong una tapos hindi naman ikaw 'yong tipo?Kumbaga nagbigay ka pero walang sukli.Walang kapalit.
'Yong tipong kahit pa nasa iisang daan kayo at magkakasalubong na...liliko pa rin siya para lang mapuntahan niya 'yong taong totoong gusto niya.Mas pipiliin niyang mahirapan pa,mapuntahan at masunod lamang ang itinitibok ng puso niya.Kahit pa sa totoo lang puwede naman siyang dumiretso papunta sa'yo ng walang kahirap-hirap.Ikaw kasi 'yong tipong naghihintay lang na mapansin at kahit kailan hindi nagawang tumingin sa iba kahit pa maraming nagtangkang abutin ka.Wala kang ibang gusto kundi ang ikaliligaya niya.'Yong tipong hindi mo na inisip na masasaktan ka kasi alam mong magiging masaya naman siya.Alam naman natin na mahirap pakawalan ang isang damdamin na nakakulong na sa ating puso sa loob ng maraming taon.Pero kung hihilingin niyang itigil ang kahibangan sa kanya dahil may iba siyang gusto ay di mag-aatubiling pigilan.Pigilan ang nabuong damdamin na sa kahit pa sa huli ito ay madudurog ng hindi niya nalalaman.May mahal siyang iba kaya ang nais niya'y mawala ka sa eksena.Ipinaramdam niya sa'yo ang salitang "Wala Kang Halaga".

Sari-sari (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon