"Anak,shut up!"

13 2 0
                                    

Masasabi kong ako 'yong tipo ng anak na 'pag sinabi ng magulang na 'ganito,ganyan' ay talagang sinusunod ko.Kahit pa minsan may kasamang dabog o ano pa man,sa huli pinipili ko pa ring sumunod.Isang araw,mataas ang tono ni Mama habang hinahanap ang tuwalya habang ako'y nagmumumog.Kagigising ko lang kaya naman ito ang naisagot ko.

"Ewan ko po,'di ba kayo 'yong nagsampay 'nun kahapon?Hindi po ba kayo 'yong naglaba?"Hindi ko naman sinasadya pero napataas yata ang tono ko sa pananalita kaya sinamaan ako ng tingin ni Mama.

At 'yon na nga... napagtanto ko na mali at wrong timing ang pagsagot ko ng pabalang sa kanya.Siguradong hindi niya ako papayagan.Paano ko ito ipapaliwanag sa makukulit kong mga kaibigan?Sasabihin na naman nilang...kesyo takot daw ako kay Mama o kay Papa.O 'di naman kaya ay wala akong sariling desisyon para sa sarili?
Eh tama naman sila kasi hindi ko kayang magdesisyon para sa sarili ko,kung walang approval ng mga magulang ko.Masasabi kong nakadepende pa rin ako sa kanila.

"Ma anong ulam?"

Hindi ako sinagot ni Mama at ipinagpatuloy lamang ang pagwawalis ng aming bahay.
Siguradong nagtatampo na 'yan kaya naman nilapitan ko siya matapos kong magtimpla ng kape.Maya-maya pa'y ibinalik niya ang walis tambo na ginamit at dumiretso sa lamesa upang buksan ang nakatakip na ulam.Sinulyapan niya ako at lumabas siya ng bahay.
Napailing nalang ako at napahawak sa aking buhok na wala pang suklay.

"Ma nasaan po 'yong suklay?"pasigaw kong tanong upang marinig niya ako.Kailangan ko lang magpapansin ng kaonti.Siguradong mawawala rin maya-maya 'yong tampo niya.Nagwawalis na siya ngayon sa aming bakuran.
Kung tutuusin ako dapat ang gumagawa ng mga gawaing bahay ngunit alam niyang lagi akong tanghali na kung gumising.Kaya naman iniintindi niya ako at talagang ramdam ko naman 'yon.Kaya maswerte ako sa Mama ko.Siguro nga kailangan kong mag-sorry dahil kasalanan ko naman talaga.Sorry Ma.I love you!Masama lang talaga 'yong gising ko.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto at naghanap ng maisusuot para mamaya.Nagkayayaan kaming magkakaibigan na mamasyal sa gilid ng dagat.Maliligo raw kami pagkatapos ay magsasalu-salo sa kanya-kanya naming dala na pagkain.

Nang mapadaan ako sa kusina para makaligo na ay nadatnan kong naghuhugas ng pinggan si Mama.Alam kong 'yon ang plato na ginamit ko kanina.Napapikit nalang ako ng mariin at nagkamot sa batok. Paktay tayo diyan!Nadagdagan na naman kasalanan ko huhu.Sorry Ma 'di ko sinasadya.

Tinitigan ko lamang si Mama mula sa likuran niya nang makaisip ako ng magandang plano para paamuhin siya.
Goodluck self!

"Ma,butas na pala sa likuran 'tong paborito mo na blouse.Tatahiin ko na lang mamaya."malawak na ngiti ang isinalubong ko sa kanya nang lumingon siya saakin. Bawi-bawi rin 'pag may time para hindi mainit ulo ni Mama hehe.
Wala na ang kunot sa noo ni Mama at ang itinatagong munting ngiti na ang nasa kanyang mukha ngayon. Yes!Congrats self!Success tayo!Makakahingi na ako ng pera woohoo!

Ngunit nawala ang malawak na ngiti at masayang naisip ko dahil nameywang si Mama habang nakatitig sa damit na hawak ko.
Oh oh!Mali pala ako ng inisip,masyado kasi akong advance mag-isip.Paktay!

Ilang sandali pa'y namutawi na sa bibig ni Mama ang mga salitang inaasahan ko na sasabihin niya.

"Anak,shut up!Walang aalis ng bahay.Hindi ka aalis,at hinding-hindi ka makakagala ngayon kasama ang mga kaibigan mo dahil hindi pwede!Naiintindihan mo ba?
Kaya anak,shut up...shut up ka ha?"

Sabi ko nga hehe.Anak, shut up!Walang aalis period.Kbye.



-M.M.S🍃








Sari-sari (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon